
Ang pag-asenso ng isang bansa ay nakasalalay sa mga mamamayan nito. Ngunit bakit ganun? Sinasabi nila na pang-world class daw ang kasipagan ng mga Pilipino pagdating sa larangan ng mga kakayahan. Kung gayon, bakit mahirap ang ating bansa? Napakaraming dahilan kung bakit napakahirap ng ating bansa at kung tatalakayin ay siguradong mauuwi lamang ito sa sisihan. Ngunit sino nga naman talaga ang dapat sisihin?
Pagdating sa larangan ng trabaho kung ating pag-uusapan, marami naman talagang trabaho kaso ang nagiging problema napaka-choosy o pagkamapili kasi nating mga Pilipino pagdating sa trabaho, yung iba ayaw madudumihan, yung iba ayaw maiinitan at yung iba ayaw ng napapagod sila. Sa madaling salita karamihan sa atin tamad. Sa bagay kung iisipin, kung nakapagtapos ka ng isang titulo sa kolehiyo syempre ang hahanapin mong trabaho ang yung tinapos mo dahil nandun ang iyong pagkaespesyalista at hilig. Ngunit kung ating papansinin ang panahon sa ngayon, dapat pa ba nating maging mapili sa trabaho?
Image Source: http://hay-buhay-nga-naman.blogspot.com/
Sana maisip natin ang mga bagay na nagpapabulag sa atin. Tandaan, ang pag-asenso ng isang tao ay nakasalaylay sa kanyang sariling mga kamay. Ang pagpapakita at paggawa ng tamang diskarte, mabuting pag-uugali, sipag at tyaga sa buhay ay ang magdadala sa iyong sariling tagumpay. Ang labis na katigasan ng ulo ay siyang magdudulot ng sariling kapahamakan, matuto tayong makinig sa iba.