
Ang pagpapalaglag, pagpapaagas o aborsyon ay ang sinadyang pagtatanggal ng embryo o fetus sa loob ng matris, na nagsasanhi ng kamatayan nito. Pwede itong mangyari ng biglaan tulad ng kapag ang babae ay nakunan, o ng artipisyal sa pamamagitan ng kemikal, pagtistis at iba pa. Sa pangkalahatan, ang "pagpapalaglag" o abortion sa Ingles ay tinutukoy sa inuudyokang pagpapalaglag sa panahon ng pagbubuntis; sa medikal na pagtawag, tinatawag na nakunan ang babae kung ang pagpapalaglag ay nangyari bago ang ika-dalawampung linggo ng pagbubuntis, kung saan ito ay tinuturing na hindi pa buhay.
Source: http://tl.wikipedia.org/wiki/Pagpapalaglag
Sa ating bansa naman sa Pilipinas, mahigit 500,000 kababaihan ang nagdedesisyon na magpa-aborsyon kada taon. Dahil sa illegal ang aborsyon sa ating bansa, marami sa mga kababaihan ay palihim na ginagawa ang hindi makatarungan at makataong paraang ito. Karaniwan sa mga ginagawang paraan sa pagpapalaglag ay ang mga sumusunod:
- Paghigop sa pamamagitan ng Vacuum Aspiration at Cannula
- Pagkayod sa pamamagitan ng Dilation at Curettage
- Pag-inom ng gamot (Medikal na Pampalaglag)
Narito ang mga Uri ng Aborsyon o Abortion
Complete Abortion - ganap na paglagas o pagtanggal sa namuong buhay sa sinapupunan.
Habitual Abortion - kusang pagkalagas na nangyayari tatlo o higit na pagka-kasunodsunod na pagbubuntis,
Incomplete Abortion - hindi ganap o naantala ang paglagas.
Induced Abortion - intensyonal na paglagas sa paggamit ng gamot o instrumento.
Inevitable Abortion - ang kundisyon kung saan ang padugo ng ari ng babae ay sumisigi, at ang serbiks ay lumalaki,kaya nagkakaroon ng paglagas.
Infected Abortion - ito ay dahil sa inpeksyon sa lagusan sa ari ng babae.
Missed Abortion - ito ay dahil pag abot ng patay na pitus sa sinapupunan mahigit sa walong linggo.
Septic Abortion - ito ay dahil sa inpeksiyon sa sinapupunan papunta sa masmalalang inspeksiyon.
Spontaneous Abortion - ito ay paglagas na kusang nangyayari.
Therapeutic Abortion - ito ay paglagas dahil sa masamang kalusugan.
Threatened Abortion - ito ay kung saan dumudugo ang ari ng babae ngunit di naman naapektuhan ang serbiks,ang paglagas ay pwedeng mangyari at di mangyari
Sa ngayon sa ating bansa, marami na din batas ang nagbabawal sa di-makatao at makatarungang paraang ito. Ipinapasa na din sa ngayon ang RH Bill na kung saan nilalayon ang mag-asawa na gumamit ng mga paraang contraceptive o family planning ngunit ito pa din pinag-aaralan at pinagtatalunan sa senado sa ngayon sa pagitan ng mga tagapagpasa nito at ng simbahang katoliko.
Ating tandaan, ang abortion o aborsyon ay hindi makatarungan at makataong paraan upang masolusyunan ang problema na isang tao may dinadala sa sinapupunan. Ang tanging paraan ay tanggapin ito ng maluwag sa puso, maging ito man ay bunga ng intensyon o hindi inaasahan. Dapat nga ay ipagpasalamat mo ito sa Maykapal sapag pinagkatiwalaan at ipinagkalooban ka niya ng isang regalo. Sabi nga nila "Babies are always a blessing", sapagkat sila ay mga Anghel na nagdadala ng mga ngiti at lunas sa kalungkutan sa loob ng isang tahanan. Sa mga walang puso na mga kalalakihan naman na nakabuntis o nabuntis ang ang kanilang partner o mahal sa buhay na siya pang nag-uudyok na ipalaglag ang bata, sana naman panindigan mo yung mga pangako o kataga mo na "Wag ka mag-alala o Akong bahala". Kung tunay kang lalaki at kung mahal mo talaga yung partner mo, panagutan mo ang responsibilidad at sa halip palakasin mo ang loob ng iyong partner at iyong suportahan.
Dumilat tayo sa katotohan, pikit mata na lang ba tayo talaga?