ni Angel Faith Rondina Buhos
Maraming bagay ang nakakagulo sa utak,
Utak na nag-isip para sa sarili.
Nagdidikta para hanapin ang saya, para sa ikabubuti.
Eto ako ngayon,
Puso ang pinagagana.
Hinahanap ang tunay na ligaya.
Yung realidad ng pag-ibig, nawa'y makamtan ko na.
Bilang isang indibidwal.
Marami kang nakakasalamuha.
Nakakausap.
Nakakasama.
Naranasan masaktan, pati pili ang kasiyahan.
Pati lungkot na di malaman, bakit napapayagan?
Lungkot na gusto pawiin.
Lungkot na sana'y makalimutan.
Nagdaang panahon.
Taong masaya.
Na akala ito na.
Nakasama sa maraming taon.
Pinag-ukulan ng buhay at panahon
Pilit buwagin, sirain.
Nagtagumpay sila.
Salamat.
Ako'y napa-isip.
Tila ako'y nanghina, nung siya ay nawala.
Ngunit alam ko, ito'y may dahilan.
Pero diyos lang ang nkakaalam.
Taong magaling.
Na natuto ka ngunit taliwas sa iyong inaasahan.
Isang Karanasan na nagpabago sa aking isipan
Sa dami ng aking natutunan.
Naisip ko tuloy ,mali pala yung daan na aking nadaanan.
Taong magaling, matibay lamang sa ibang bagay.
Akala mo hawak ang panahon, pati na ang aking buhay.
Di alam, puso'y naging bato.
Maging pangarap ko'y nabago, dahil sa sakit na aking natamo.
Araw araw, minsan lamang naging masaya...
Lahat ng bagay, pera lang gumagana.
Mahirap mg-isip, ngunit kylangan kong mag-isip.
Upang ma-solusyonan itong aking hinanakit.
Ngayon, nahanap ko na ang daanan.
Ang tinik ay nabunot.
Guminhawa naman.
Salamat.
Taong mapaglinlang.
Bulag sa realidad.
Walangya sa katotohanan.
Mapaglaro sa isipan.
Kung anong dami ng pananim sa palayan,
Ganun karami ang iyong kasinungalingan.
Kung anong dami ng isda sa dagat,
Yun ang kabobohan.
Kung anong dami ng puno na aking natatanaw,
Ganun lamang ang katotohanan.
Salamat.
Ikaw ang Nawalan.
Taong di nag-iisip.
Bagong Panahon.
Eto na ba yun?
Walang hanggang ligaya?
My pag-aalinlangan, ngunit kailangan subukan.
Isang taong hiling, regalo ng my lalang.
Di kampante.
Di sigurado.
Ngunit dama ang Katotohanan.
Sa pag- iisa, tanaw ko ang daanan.
Daanan na tila walang katapusan.
Ngunit kailangan kong tuntunin,
Upang ikaw at ako, sa dulo, kaliwa man o kanan.
Sana.
Kung anong dami ng sasakyan na dumaraan,
Ganun karami ang pang-unawa.
Kung anong tibay ng puno sa ihip ng hangin,
Ganun din katibay ang relasyon.
At kung gaano kalalim ang tubig dulot ng bagyo,
Ganun ko kayang languyin, patungo sau.
( Hingang malalim. Nabago ang sitwasyon. )
Bulong ng puso na akala totoo.
Nanaginip nung tulog, ngunit mali nung gumising.
Dumaan sa daanan, na siya lang may alam.
Nung ako'y naligaw, nagtanong?
Bakit ito ang turo mo? Yan tuloy ako'y nasaktan.
Eto aking nasambit , noon.
( Walang bibitaw, at ayoko ng katapusan. )
Aking salita, ngayon.
Salamat sa minsang pagdaan.
Ako'y my natutunan, sa ma-utak mong pinairal.
Nasaktan man ako, dito ako naging tuwid.
Maging mabuting nilalang, tuloy-tuloy magpakailanman.