BABANGON MULI ni Sarah Indemne | I Ika'y iniwan ng walang dahilan Ngayo'y nag-iisa't walang masandalan Hindi alam kung anong naging kasalanan Upang kanilang tratuhin ng walang pakundangan. II Walang ibang nagawa kundi lumayo't lumimot Kinalimutan lahat ang nararamdamang poot Pinagpatuloy ang buhay ng may pag-asang darating Sa buhay mo'y may darating din na pag-ibig. |
III Babangon muli't haharapin ang mundo ng walang galit Mamumuhay ng mag-isa't kakayanin ang pait Magliliwanag din ang madilim na saglit Darating din ang pinakahihintay na sandali. | IV Sapagkat sa bawat dusa'y may ligayang naghihintay Darating din ang pag-ibig na pinakahihintay Maging matiyaga lamang sa iyong paglalakbay Makakamtan din ang pinakakaasam na tagumpay. |