
Noong unang panahon hindi pa daw uso ang pera kundi kalakalan o palitan ng mga bagay o gamit ang paraan ng negosasyon, kabilang na dito ang pagkain at damit. Noon wala pang saktong batayan sa halaga ng bagay kaya mapayapa ang negosasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang panig. Ngunit buhat ng modernong panahon at talino ng tao na kakayahang makapag-isip, lumikha sila ng alternatibo o permanenteng paraan para sa pangangalakal at ito nga ang pera o barya.
Sa makabagong panahon sa ngayon, ang lahat ng bagay o halos lahat ng bagay ay nakabalikat na sa pera. Kung ating iisipin napakahalaga ng pera sa panahon ngayon. Sa iyong palagay, Pera na nga ba ang natatanging bagay na nagpapagalaw sa mundo sa ngayon?
/babala-mag-ingat-sa-laglag-barya-gang/
Sa kabilang banda, nakakalungkot at nakakainis isipin na karamihan sa mga tao sa ngayon ay hindi na pinapahalagahan ang mga barya lalo na ang mga sentimo. Hindi ba nila naiisip na walang pera kung walang barya? Masasabi din bang ang pera ay masama? Ating tandaan na ang pera ay isang bagay lamang na kung saan ito ay isa sa mga kinakailangan natin upang masustentuhan ang ating pangangailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay. Hindi masama ang pera, ang nagiging masama lamang ay yung humahawak nito. Kung ang pera ay gagamitin mo sa kabutihan ay maganda ang maidudulot nito sa iyo o sa iba. Sa kabilang banda, kung ang pera naman ay gagamitin mo sa kasamaan, magiging instrumento nga ito sa masamang bagay.
Kung ating iisipin madaming nagagawa ang pera, maaring sa kasamaan o sa kabutihan. Sana huwag tayo magpadala sa silaw na dala ng pera na maaaring ikabunga ng kasamaan. Sa kabila naman nito, matuto din tayong magtipid at magpahalaga sa bawat pera, barya o sentimo na nasa ating bulsa. Tandaan madaming nagugutom kaya dapat kang magpakahalaga at magtipid hangga't maari.