ni Paul Anthony I. Cano
naghahanap na nang makakasama,
Feeling close sa iba,
' wag lang mabagot at mag-isa.
Sa oras ng klase,
minsan parang wala sa sarili.
Kaya kapag tinawag ng professor, lagot!
sa recitation walang masagot.
Minsan maraming sakripisyo,
mga magulang minsa'y istorbo,
Akala nila'y nagbubulakbol,
di nila alam sa deadline ika'y naghahabol.
Sa paaralan din una tayong umibig
kaya pag-aaral madalas iniisnab,
Pero ' pag nasaktan iiyak-iyak,
ang sakit ng pusong nabiyak.
Sa paaralan, maraming matututunan.
Sa paaralan, maraming mararanasan.
May simple, may elegante, at may disente,
' yan ang BUHAY ESTUDYANTE...