
ni Ezra Thess Guevarra
I
Madaling magtiwala,
Madali rin mawalan ng tiwala.
Sa miminsang sila'y masaktan,
Tila dala-dala hanggang sa walang hanggan.
II Ang iba'y minsa'y nawawalan ng gana mag-aral. Ang nasa isip kasi ay kasiyahan Sa huli nama'y maiintindihan, Ano ang halaga ng pag-aaral. | III Ang iba'y minsa'y nangungupit, Ginagamit lang naman pang-gimik. Maiisip lamang ang halaga ng pera, Kapag nakita ang paghihirap ng magulang. | IV Ang iba'y ayaw magmana, Kung negosyo'y mala-karinderya. Mapaghangad ng mataas, Bagama't kulang sa pagsisikap. |

Ang iba'y kung minsa'y nalilito,
Ang gagawi'y di malaman kung ano.
Tatayo sa sariling paa't magsasarili,
O aasa pa rin sa pamilyang nasa tabi.
VI Ang iba'y mapagmahal na kaibigan, At mapagmahal na kapatid. Binabalewala ang kaligayahang pansarili, Kung ang mga minamahal ang nagigipit. | VII Ang iba'y itinatago ang katotohanan, Para pagtakpan ang kasalanan ng iba. Di bale ng mapag-isipan ng masama, Huwag lang kaibiga'y mahusgahan ng iba. | VIII Ang iba'y madaling uminit ang ulo, Kaya laging napapasok sa gulo. Handa rin namang magpakumbaba sa nakaaway, Kung para sa kaligtasan ng kaibigan. |

Ang iba'y kapag totoo ang nadarama,
Lahat ay ginagawa,
Upang protektahan at di makitang lumuluha,
Ang irog na siyang mahal.
Ang iba'y kapag nabigo sa pag-ibig ay nagwawala,
Akala'y katapusan na ng lahat.
Hanggang sa maisip nila,
Pamilya at kaibigan ay nandiyan pa.
X Ang iba'y madalas mapagbintangan, Sa di ginawang kasalanan. Madalas husgahan, Sa panlabas na kaanyuan. | XI Ang iba'y kapag nilalait na, Madalas tinatanggap na lang. Nguni't pag kaibigan ang hinuhusgahan, Galit ay di mapigilan. | XII Iba-iba man ng pagkatao, Iisa lang din ang ninanais ng puso. Ganyan ang kabataan ng kasalukuyan, Ganyan ang ating kabataan. |