
mga salita na nagmumula sa taya sa larong "Taguan o Tagu-taguan"
Nakakatuwang isipin at balikan ang ating mga kabataang araw na kung saan pakikipaglaro sa ating mga kaibigan ang ating pangunahing libangan. Nakakamiss din pala ang mga panahon na yun, kahit na tirik ang araw at tagiktik ang pawis dulot ng matinding init na nagmumula dito ay tuloy pa din ang laro. Masarap maging bata, masarap maglaro ng ating mga kinagisnang laro.
Natutuwa at napapangiti na lang ako sa tuwing maaalala at makikita ko ang mga kalaro at mga kaibigan ko sa pagkabata. Bigla ko na lang kasi naaalala ang mga panahon na yun, mga panahon na ramdam na ramdam namin ang kamuwangan ng pagkabata. Tuwang-tuwa kami kahit ang dudungis namin dahil sa pawis at dumi ng paligid kasama na rin ang aming mga nilalaro.
/item/12/LET_THE_CHILDREN_PLAY
Wala namang masama sa pakikibagay sa daloy ng modernong panahon ngunit sana hindi mistulang mabaon sa limot ang ating mga nakagisnang laro na halos ipinamana at inimpluwensiya pa sa atin ng ating mga ninuno. Sana lang hindi tayo matutong makalimot sa panahon na ating mga naranasan.