ni Angel Faith Rondina Buhos
Ikalawang araw, ikaw ang nakagisnan.
Ninais ko'y humanap ng sagot, sa tanong kong magulo sa kaisipan.
Hay panaginip, naway maging makatotohanan.
Kung alam mo lang ang aking kasiyahan.
Tila walang katapusang kaligayahan.
May kahulugan eto, alam ko.
Di ko aalamin, bagkus ito'y aking aantayin.
Sa tuwing ako'y nakakapag-isip ng malalim na saloobin.
Ibig sabihin, masaya ako oh aking giliw.
Noon, ika'y aking hiniling.
Nawala lamang, dahil ako'y napraning.
Sa dulo ng aking pag-iisip.
Nais ko 'tong sambitin.
"Panginoon, kung ako at siya sa dulo
At alam mong ikasasaya namin, diko pipigilan
Damdamin ko na iyon din ang hiling.
Salamat, salamat po sa daanan,
kung saan siya ay aking nasisilayan".
Pakatandaan mo.
Ika'y aking minahal.
At wala kang paki-alam, dahil yun ang katotohanan.