Image Source: http://sweetlyscrappedart.blogspot.com/2012_12_02_archive.html | I Madilim, malamig, at tahimik ang paligid. Ibang iba sa aking nakasanayan. Humihikbi, umuungol ang sinuman sa gilid. Pamilyar, ngunit wala akong malaman. II Nakakasilaw ang kandilang nasa aking paanan. Sabay sa pagpatak ng kandila ang luha. Naalala ko, ngayo’y aking kaarawan. Sabay sa pagluha ng kandila ang tuwa. III Tuwa? Luha? Kandila? Kadiliman? Iniikot ko ang aking paningin, at pandinig. Nasa pintuan ang kung sinuman. Ako’y tumayo at hindi nagpadaig. |
Papalapit ng papalapit ako sa pintuan.
Nakaputi at hapong hapo ang ginang.
Ako’y nakalapit sa ng hindi niya namamalayan.
Ang kanyang hikbi maging ang kanyang buhok ay aking nakilala, Inang.
V
Ngunit bakit kalungkutan sa kanya namumutawi?
Akin syang hinaplos at agad hinagkan.
Bakit sa lahat ng ginawa ko sya’y walang bawi?
Naguguluhan, naluluha at kinakabahan.
VI
Nang tinahak ko ang hagdanan,
Kumpulan ang mga tao sa ‘di kalayuan.
Iisa ang sambit hindi ko maintindihan.
Nilang aking kapamilya’t mga kaibigan.
VII
Ang liwanag ng kandila ang sa aki’y pumukaw.
Anong meron? Hindi talaga ako sigurado.
Hanggang nakita sa kanilang harapan at wari’y tinutunaw.
Ang aking imahe, nakakwadrado.