Image Source: http://1.bp.blogspot.com/-ncrY4aTYBnY/T_GiBfSUsOI/AAAAAAAABls/fgwHC41ZrIU/s1600/purgatory_r1_c1.jpg | Lagi akong nagtatanong sa sarili ko kung totoong may purgatoryo, kung nasan ba ito at sinu-sino yung nandon at kung bakit wala siya sa bibliya. Di naglaon nakapunta nga ako sa purgatoryo, laking taka ko lang bakit di mo kailangan magpatiwakal o mamatay para makarating ka dito. Nakasalamuha ko si Satanas, Hudas at ang Super Friends na Diyablo, minsan nagkakatuwaan kami at minsan buong magdamag ang bonding. |
Isinulat ni Rum Cola Makikita mo sila na nakaanyong pormal, minsan konyo, minsan naka-rubber shoes lang at minsan nakakatanguan. Halos ilang taon ang ginugol ko dito, sabi ng kasama ko na namatay last week lang darating na daw yung Green Card ko lahat ng namatay nandito na. Sabi nila masaya daw dito, di katulad sa mundo ng buhay puro hirap nakilala ko dito sina Kapitan Tagay, Buboy Pulutan, Mark Banat at iba pa. Isang araw di ko alam kung bakit nahuli ako ng Department of Immigration (Pulis sa kanila), sabi nila over staying na daw ako masyado na daw ako matagal dito kaya diniport nila ko at pinabalik sa totoong buhay; nanibago ako at namiss ko ang mga super friend ko pero pagbalik ko sa buhay marami na palang nawala sakin at kailangan ko ayusin. May mga bagay pala na totoo na hindi na kailangan ng patunay o ebidensya, totoo ang Langit at wala siya sa taas kundi nasa puso natin. Totoo pala ang Impyerno, wala siya sa ilalim bagkus nasa utak natin. Meron pala talagang Purgatoryo nandito siya sa buhay natin. Nasa sa atin kung san natin gusto mag-retired pagtanda o pag mawawala na tayo; kung ano ang gusto natin hindi masira pag inaagnas na tayo.
0 Comments
Leave a Reply. |
ADVERTISEMENT
Connect with me
Email SubscriptionFollow
|