SA AKING MGA KABATA ni Dr. Jose Rizal Image Source: http://wolfgangneuwirth.ifunnyblog.com/angakingmgakababata/ | I Kapagka ang baya'y sadyang umiibig sa kanyang salitang kaloob ng langit, sanlang kalayaan, nasa ring masapit katulad ng ibong nasa himpapawid. II Pagkat ang salita'y isang kahatulan sa bayan, sa nayo't mga kaharian, at ang isang tao'y katulad, kabagay ng alinmang likha noong kalayaan. |
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
mahigit sa hayop at malansang isda,
kaya ang marapat pagyamaning kusa
na tulad ng inang tunay na nagpala.
IV
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,
sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
sapagkat ang Poong maalam tumingin
ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
V
Ang salita nati'y tulad din sa iba
na may alphabeto at sariling letra,
ng kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
ang lunday sa lawa noong dakong una.
Calamba, 1869