
/2011/02/bakit-tamad-tumawid-ang-mga-pilipino.html
Sino nga ba ang may pagkukulang, matigas at manhid? Ang gobyerno o ang mamamayang nasasakupan nito? Sa totoo lang maganda at napakalaking tulong ng mga karatulang ito ngunit may pagkukulang at pagpapabaya na nangyayari. Tama ba na pam-papogi o pam-paganda lamang ito sa ating lansangan? Karamihan kasi sa atin ay pinamamayani ang kamanhidan at katigasan ang ulo, ayaw sumunod sa sariling patakaran. Hindi kaya isa ito sa kadahilanan kung bakit tayo napag-iiwanan? Nakakalungkot isipin na mabuti pa ang mga billboard ating napapansin, napaglalaanan ng oras upang tanawin at basahin ang nilalaman nito.