
Aminado si Chairman Tolentino na marami pang dapat i-upgrade sa naturang polisiya. ”Hindi total solution yun. Hindi lang itong dialouge scheme na ito. Part of a package upgrade yung OBR, ituloy yung centralized bus terminal for provincial buses,” pahayag ng opisyal. Source: http://www.untvweb.com/news/mmda-at-mga-bus-operator-nagkasundong-mahigpit-na-ipatutupad-ang-yellow-lane-policy-sa-edsa/
Image Source: http://philippinenews.com/top-stories/7633
-stricter-rules-imposed-for-edsa-bus-scheme.html
Napagkasunduan din ng dalawang panig ang pagkakaroon ng data base or data repository na maglalaman ng mga impormasyon sa lahat ng driver ng mga bus company.
Ang tanong epektibo nga ba ang nasabing solusyon? Karamihan sa mga bus driver ay galit na galit sa panukalang batas na ito, ika nga nila "Mas lalo pang bumigat ang daloy ng trapiko" at ang napagdidiskitahan nila ang mga traffic enforcer na naghahanap buhay lang din, sabi nga nila "Sumusunod lang kami sa utos". Hindi lamang mga bus driver ang naapektuhan maging ang mga pasahero nito at kasama na ako dito.
Sa aking pansin mas lalo ngang bumigat at bumagal ang daloy ng trapiko, napatanong tuloy ako sa aking sarili kung ano ba talaga ang problema at kung bakit hindi ito maresolba-solba. May pagkukulang nga ba? Kung meron saan at kanino naman?
Ikaw ano sa tingin mo?