
Karamihan sa mga tao na gumagamit nito, ang kanilang pangunahing dahilan kung bakit sila naninigarilyo ay pantanggal stress o stress buster at para sa iba naman dagdag porma. Karamihan sa mga gumagamit at tumatangkilik nito ay yung mga tao na nagtratrabaho sa mga opisina. Ayon sa kanila mabisa daw ito pantanggal lamig at pressure sa trabaho sa loob ng opisina. Para din naman sa iba, hindi kumpleto ang kanilang araw kung hindi sila nakakapag-yosi o nakakaubos ng isa o higit pang pakete ng sigarilyo sa loob ng isang araw. Ang iba naman ay nakakaranas ng paglalaway na tila hinahanap-hanap ang bisyo na lingid sa kaalaman niya ay maaring makasama sa kanyang kalusugan.
photography_Luang_Prabang_Laos#photo=1
Ang paninigarilyo ay isang kasanayan kung saan sinusunog ang isang sangkap, pinakakaraniwan ang tabako na nakapaloob sa bilot ng sigarilyo, at nilalanghap at nilalasahan ang usok. Pangunahing ginagawa ito bilang isang anyo ng paggamit ng droga bilang isang libangan dahil sa may nicotine na nailalabas ito at ginagawang madaling masipsip ng mga baga. Maaaring ginagamit ito bilang bahagi ng ritwal, upang hikayatin ang kawalan ng ulirat at ispirituwal na kaliwangan. Ang sigarilyo ang pinakakaraniwang kaparaanan ng paninigarilyo sa ngayon, at pangunahing ginagawa ng mga pagawaan ngunit maaaring din gawin mula sa hiwa-hiwalay na tabakong nirolyo sa papel sa pamamagitan ng kamay. Source: http://tl.wikipedia.org/wiki/Paninigarilyo
Ayon sa pag-aaral, 80,000 hanggang 100,000 kabataan mula edad 13 hanggang 15 ang natututo o nagsisimulang manigarilyo araw-araw sa kabila ng kamusmusan nilang edad at karamihan dito ay sa Asya. Batay sa statistics na isinagawa ng WHO o World Health Organization noong taong 2002, karamihan sa mga naninigarilyo ay mga lalaki at 1 sa bawat 10 na tao sa buong mundo ay namamatay dahil dito. Kapag nagpatuloy ang ganitong kaso base sa pag-aaral ng WHO sa taong 2030, 1 sa bawat 6 na tao ay mamatay sanhi ng paninigarilyo. Sa Pilipinas, karamihan sa mga kabataan ay nagsisimulang gumamit ng sigarilyo sa edad ng 7 at nagiging bisyo na nila ito. Ayon naman sa DOH o Department of Health, 1 Pilipino sa kada 13 segundo ang binabawian ng buhay dahil sa paninigarilyo. Hindi din ligtas ang mga taong hindi naninigarilyo sa usok na dulot ng sigarilyo mula sa isang smoker. Ang paglanghap ng usok mula sa smoker ay tinatawag na secondhand smoke o passive smoking kung saan nagiging biktima ang mga taong hindi gumagamit nito.
Karamihan sa atin ay walang sapat na kaalaman tungkol sa dulot na kasamaan ng paninigarilyo. Ano nga ba ang mga sakit na maaari nating makuha sa paggamit nito? Ang mga sakit na maaring makuha natin sa bisyong ito ay ang mga sumusunod: Kanser sa Baga, Sakit sa Bato, Sakit sa Lalamunan, Sakit sa Puso, Stoke, Emphysema, Diabetes, Osteoporosis at marami pang iba.
Paghahanda Para sa Pagtigil
Sundin ang mga mungkahing ito upang paghandaan ang pagtigil:
• Bawasan ang bilang ng sigarilyo na nauubos ninyo bawat araw.
─ Ubusin lamang ang kalahati ng sigarilyo sa bawat paninigarilyo.
─ Magsigarilyo lamang sa mga oras na tukol (even).
• Linisin ang mga abuhan ng sigarilyo at umpisahang itago ang mga ito nang isa-isa. Linisin ang mga kurtina, ang kotse, ang inyong opisina, o anupaman na nangangamoy usok ng tabako.
• Anyayahan ang isang kaibigan o asawa na tumigil kasama ninyo.
• Umpisahan ang pag-eehersisyo bago kayo tumigil sa paninigarilyo.
• Lumipat sa ibang tatak ng sigarilyo na hindi ninyo gaanong gusto.
• Itapon ang mga hindi ginagamit na panindi ng sigarilyo.
• Magsigarilyong mag-isa kung mahilig kayong manigarilyo na may kasamang mga tao.
• Alamin ang dahilan ng inyong paninigarilyo sa tuwing ginagawa ito. Iwasan ang mga bagay na sanhi ng inyong paninigarilyo.
• Isulat ang listahan ng 5 pangunahing dahilan kung bakit gusto ninyong itigil ito. Basahin ang listahang ito araw-araw.
Sa Araw na Titigilan Ninyo ang Paninigarilyo:
• Itapon ang inyong mga sigarilyo, panindi at itago ang natitirang mga abuhan.
• Humingi ng tulong mula sa mga kapamilya at kaibigan.
• Gumawa ng mga plano para sa maghapon at manatiling abala. Magpalipas ng oras sa mga lugar kung saan ipinagbabawal ang paninigarilyo kagaya ng bahay-aklatan o sa mga sinehan. Palitan ang karaniwan ninyong mga gawain.
• Uminom ng 8 basong tubig bawat araw. Tumutulong ito na bombahin ang nikotina palabas sa inyong katawan.
• Siguraduhing abot-kamay ang kinsay, walang-asukal na gam (gum), matigas na kendi, panghithit (straw) o tutpik upang makatulong ang mga ito na tugunan ang paghahanap ng inyong bibig.
• Subukan ang ehersisyong paghinga ng malalim at makinig sa mga tapes tungkol sa paglilibang/pagpapahinga.
• Mag-ehersisyo.
• Kumain sa oras.
• Simulan ang garapon ng pera (money jar) gamit ang pera na natitipid ninyo sa di-pagbili ng sigarilyo.
• Bigyan ng pabuya ang inyong sarili pagkatapos ng maghapong hindi paninigarilyo.
Source: https://www.healthinfotranslations.org/pdfDocs/070670_Tag_Final_Howquitsmoking.pdf
May pagmamahal ka ba sa iyong sarili? Mahal mo ba ang buhay mo? Mahalaga ba sayo ang buhay? Gusto mo pa bang mabuhay ng matagal? May malasakit ka ba sa iyong paligid at maging sa iyong kapwa? Kung meron at Oo, gumising ka. Hindi pa huli ang lahat. Pikit mata ka na lang ba?