nina Riza & Prince Theo
Isinulat ni Lakbay Diwa ![]() Ang ating mundo ay isang perpektong simbolo ng buhay. Buhay na kung saan lahat ay kumpleto, lahat may karapatang maging malaya at lahat ay may karapatang mamuhay ng payapa. Ang buhay na inihandog sa atin ay maituturing na isang regalo na karapat-dapat nating itanaw na utang na loob at ipagpasalamat sa Maykapal. Dapat din natin ingatan sapagkat ang Ama na siyang lumikha lamang ang may karapatan na bawiin ito. Ngunit nakakalungkot at nakakatakot isipin na ang bagay at regalo na ipinagkaloob at ipinagkatiwalaaan sa atin ng Maykapal ay walang awang nilalapastangan at binababoy ng iilan sa atin. Bangungot kung ituring na tila kinatatakutan ng mga bagong sibol na binhi na nagtatangkang sirain o wakasan ang kanilang karapatan at mga pangarap sa buhay. Ang nasabing halimaw o bangungot na kitatakutan na mga bagong sibol na binhi ay ang Abortion o Aborsyon. Ano nga ba ito? Ano ang mga kadahilanan o pinag-uugat nito? Image Source: http://parasabuhay.blogspot.com/
Dear Mommy,
I am in Heaven now... I so wanted to be your little girl. I don't quite understand what has happened. I was so excited when I began realizing my existence. I was in a dark, yet comfortable place. I saw I had fingers and toes. I was pretty far along in my developing, yet not near ready to leave my surroundings. I spent most of my time thinking or sleeping. Even from my earliest days, I felt a special bonding between you and me. Sometimes I heard you crying and I cried with you. Sometimes you would yell or scream, then cry. I heard Daddy yelling back. I was sad, and hoped you would be better soon. I wondered why you cried so much. One day you cried almost all of the day. I hurt for you. I couldn't imagine why you were so unhappy. Isinulat ni Lakbay Diwa ![]() Pagkabilang kong tatlo nakatago na kayo! Isa! Dalawa! Tatlo!..... mga salita na nagmumula sa taya sa larong "Taguan o Tagu-taguan" Nakakatuwang isipin at balikan ang ating mga kabataang araw na kung saan pakikipaglaro sa ating mga kaibigan ang ating pangunahing libangan. Nakakamiss din pala ang mga panahon na yun, kahit na tirik ang araw at tagiktik ang pawis dulot ng matinding init na nagmumula dito ay tuloy pa din ang laro. Masarap maging bata, masarap maglaro ng ating mga kinagisnang laro. Natutuwa at napapangiti na lang ako sa tuwing maaalala at makikita ko ang mga kalaro at mga kaibigan ko sa pagkabata. Bigla ko na lang kasi naaalala ang mga panahon na yun, mga panahon na ramdam na ramdam namin ang kamuwangan ng pagkabata. Tuwang-tuwa kami kahit ang dudungis namin dahil sa pawis at dumi ng paligid kasama na rin ang aming mga nilalaro. Images Source: http://palarongpinoy.multiply.com/journal
/item/12/LET_THE_CHILDREN_PLAY Isinulat ni Macky Salvador Mabuti Pa ang mga Billboard
ni Macky Salvador Sa tabi ng bintana ng bus ako naupo. Mabibigat ang mga butil ng ulan na parang mga sibat tumutudla sa salaming bintana ngunit kahit ipinagtatanggol ako ng harang nararamdaman ko pa rin yakap ng lamig at para bang nababasa pati aking kaluluwa. Isinulat ni Lakbay Diwa ![]() Nararamdaman mo na ba ang pagbabago sa iyong paligid? Napapansin mo ba ang init na nagmumula sa sikat ng araw sa umaga na tila parang kasukdulan ng katanghalian? Napapansin mo rin ba ang abnormal na dulot-hatid ng panahon? Minsan makulimlim, minsan maaraw at bigla na lang uulan. Napapansin mo rin ba ang kadalasan na kakulangan sa tubig na kailangan mo sa pang-araw-araw? Napapansin mo rin ba ang madalas na pagbaha? Napapansin, narinig, napanuod o nabasa mo na ba sa mga pahayagan o balita ang katumalaan sa mga huling isda ng mga mangingisda? Napapansin mo ba? Senyales na kaya ito? Huli na nga ba ang lahat? Palagay mo, katapusan na nga ba ito? Bakit nga ba nangyayari ang lahat ng ito? Gumaganti na nga ba si Inang Kalikasan? O, ang Kataas-taasang may likha sa kanya at sa lahat ng bagay sa mundo? Ikaw sa tingin mo? http://smkalammegah.wordpress.com/category/extra-facts/
|
Connect with me
Email SubscriptionFollow
|