ni Raymond Vergara
Sa lahat ng paglalakbay babaeng tulad mo san ko mahahanap.
Sinuyod ko na lahat hanggang sa ulap, aking diwata kailan kita mayayakap?
Isang tulad mo hawig sa diwata, sadyang mailap sadyang mahirap.
Makita ang gandang tinatangi, iyan lang ang lagi kong hanap.
II
Mapang-akit na tingin, lahat sayo ay nahuhumaling.
Diwata ng kagubatan sayo ako'y magpapasaring.
Mahulog man itong puso basta ako'y iyong sasaluhin.
Ako'y iyong isama sa kaharian na puno ng salamin.
III
Aking diwata, san bundok ka makikita?
San ilog? Saan talon? Ilang pag-akyat pa?
Ang dapat kong gawin, upang makasama ka.
Dahil sabay nating tatanawin kalikasang kay ganda.
IV
Sabay tayong aakyat, sabay na matutulog, sabay na baba.
Bitbit mong gamit, ako na ang magdadala.
Ako ang iyong alipin, ikaw ang aking prinsesa.
Sa bundok na ating kaharian magkasama tayong dalawa.
V
Paghahanap sayo diwata ng buhay ko
Hindi titigil, hindi hihinto.
Patuloy sa pag-ahon itong mga paa ko.
Sana'y makasabay ka sa daan ng pangako.
VI
Aking diwata, pag-ibig na kailangan paghirapan.
Pagmamahal na kailan ma'y walang kasiguraduhan.
Pagsuko na hindi mo dapat pag isipan.
Paglalakbay na hindi mo alam ang katapusan.
Capture Only Memories, Leave No Traces
Looking for more adventures, read about:
Pagsanjan Falls
Mt. Batulao
Mt. Humarap (Tatlong Krus) and Matabungka Falls
Mt. Gulugod Baboy (Mt. Pinagbanderahan)
Mt. Tagapo
Mt. Talamitam
Mt. Maculot
Mt. Mariveles (Tarak Ridge-Peak)
Mt. Sembrano
Hundred Islands
La Mesa Eco-Park
A Photowalk Journey: Manila-Pasay
Manila Seedling Bank: Nature is the art of God
Bakit karamihan sa mga namumundok walang lovelife?