Sa wakas, natupad din ang mahaba-haba naming pagpla-planong magba-barkada na makapag-unwind ng magkakasama. Kung hindi pa dahil sa seat sale promo ng AirAsia Philippines ay marahil hindi kami matutuloy sa mga puro plano naming lakad. Finally, muli akong makakapag-lakwatsa sa labas ng Metro Manila matapos ang huli kong activity sa Bataan (Company Outing and Team Building at The Waterfront Beach Resort). Sa totoo lang hindi talaga namin pinag-planuhan in a way na sa Bohol talaga ang aming target na lakad, nag-based lang kami kung anong available at affordable seat sale ang meron sa mga airline company, at yun naka-tyempo kami sa AirAsia. Dalawang buwan din naming hinintay ang lakwatsang ito!
Makalipas ang dalawang (2) taong kagimbal-gimbal na trahedyang tumama sa Bohol at sa mga karatig probinsya nito, napaisip tuloy ako kung worth it ba ang magiging lakwatsa namin sa Bohol dahil sa tinding tinamo nitong pinsala buhat ng lindol at nasundan pa nang bagyo. Well, no choice na kami kundi ituloy ang adventure na ito.
Pagkatapos naming magkita-kita at mag-final check ng mga bagay na dadalhin namin ay agad kaming nagtungo sa NAIA Terminal 4 (FYI: During the time of our travel, lahat ng Domestic Flight from AirAsia Philippines ay nag-o-operate sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 4. For more info and update regarding AirAsia Philippines, kindly click here). Much better na mag-web check in, i-print o i-save sa inyong mga smartphone, ipad or tablet ang inyong boarding pass para iwas hassle pa na hintaying mag-open ang check in counter at pumila. Dahil sa nakapag-web check in na kami fourteen (14) days before our flight ay diretso na kami agad sa pre-departure area. Bunsod nang talamak na insidente nang laglag bala sa NAIA na nakakadismaya at nakakahiya sa ibang bisita ay talagang todo ingat din kami kahit local lang ang aming destinasyon. Naisip ko nga noong mga oras na iyon paano kung mataniman ako o isa sa amin, ano ang mangyayari? Bago man kami magpunta sa NAIA ay sinecured na din namin ang aming mga gamit.
During that time, masyado pala kaming maaga dahil around 4:00 AM ay nasa loob na kami ng pre-departure area/boarding gate at ang aming estimated time of departure patungong Tagbilaran ay 7:40 AM. Kahit papaano ay i-expect mo na din na maaaring magkaroon ng unting delay sa inyong flight katulad nang nangyari sa amin, delayed kami nang 15 minutes pero ang good thing ay mas maaga kami ng 5 minutes prior to our estimated time of arrival sa Tagbilaran Airport.
Ganap na 8:45 AM nang kami ay ligtas na makarating sa Tagbilaran Airport kung saan naman naghihintay sa amin ang representative mula sa Marcelina's Guest House at Royal Fantasy Tours. Sinundo kami gamit ang kanilang tour van. Medyo nakakatawa lang sapagkat napakalapit lang pala ng lugar na aming tutuluyan mula sa airport at halos magkapit-bahay lang pala ito. Within five (5) minutes ay maaari mo na itong marating. Oo, five (5) minutes lang! Feeling VIP tuloy kami noong mga oras na yun :p |
Karamihan sa mga bumibisita dito ay mga banyaga at ayon sa aming guide, korean daw ang pinakamadami.
Maliban sa Chocolate Hills at Tarsier, ang Loboc River (River Cruise Tour) din ay isa sa mga lugar na pinaka dinarayo ng mga turista mapa-local man o foreign dahil sa taglay nitong ganda. Ramdam na ramdam ko talaga na kami ay turista nang makasakay na kami sa ferry boat o mini boat at magsimula na itong maglayag, hindi ko alam marahil dahil sa ganda talaga ng mga nakikita mo at ang simoy ng hangin. Ika nga ni Dave, (isa sa mga travel and hiking buddy ko) "sa wakas na ka langhap din ng sariwang hangin!"
Sa pagpasok ng modernong panahon, nakakatuwang isipin na pinapanatili at tinatangkilik pa din nila ang mga tradisyonal na gawi at kasuotan. Bago pa man matapos ang aming cruise tour ay huminto kami saglit sa isang balsa kung saan may mga local na nagsisikantahan kasama ang kanilang mga gitara at ukulele. Hindi din nagpahuli ang mga nakakatuwang bata na nagsisipagsayawan sa himig ng mga nagkakatanhang mga nakakatanda.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatapon at pagkakalat ng kung anu-anong kalat sa ilog, ang sinumang lalabag ay mag-mumulta lamang ng halagang Php 10,000 (ito ang nakita ko na naka-dikit sa mini boat na aming sinakyan).
Bigla ko tuloy naisip ang pasig river, ang dati nitong sitwasyon noong hindi pa ito nalalapastangan. Nakakalungkot kung nabigyang halaga at na alagaan lamang sana ito, maaaring siguro ay may local na bersyon tayo nang kahalintulad sa Venice, Italy.
Noong mga oras na yun medyo madaming turista ang aming naabutan sa view deck na hanggang ngayon ay inaayos pa dahil sa pinsalang natamo nito sa lindol. Kay sarap pagmasdan ang mga munting burol na dati lang ay nababasa ko lang sa libro at nakikita sa mga postcard.
Dahil sa pagod at mahaba-habang biyahe pabalik ng Tagbilaran mula sa bayan ng Carmen ay halos nanahimik kaming lahat sa loob ng van, mayamaya pa ay kanya-kanya na pala kaming idlip. Nagulat na lang ako nang gisingin kami ni Kuya Allan, ang aming tour guide at driver. Mabait siya at approachable, madami kaming nalaman tungkol sa Bohol dahil sa kanya. Akala ko ay nasa guest house na kami ngunit yun pala ay nasa Baclayon Python and Wildlife Park pala kami. Actually dahil sa kasiyahan at matinding pagod ay nakalimutan ko na kasama pala ito sa day one itinerary namin buti na lang alam ni Kuya Allan.
Ang nasabing park ay ang naging tahanan nang yumaong si Prony. Si Prony ay isa sa mga malalaking python na nahuli. Ang pangalan ni Prony ay nagmula sa pangalan ng lalaking nakahuli sa kanya na si Sopronio. Nahuli si Prony noong October 21, 1996 sa isang sementeryo sa bayan ng Albuquerque na may haba lamang five (5) feet at may bigat na five (5) kilos. At noong 2013, si Prony ay mas lalong lumaki, humaba at bumigat pa; humaba lamang siya nang twenty-seven (27) feet, thirty-four inches circumference of body at may bigat na two hundred eighty (280) kilos. Unbelivable? Oo kaya mas lalong nakilala si Prony. Ayon sa mga Reptiles Experts, ang paglaki at paghaba daw ni Prony nang ganun ay cause ng abnormality. Ayon sa guide at caretaker na nag-tour sa amin, kumakain lamang si prony ng kambing, manok at biik. Ngunit noong August 14, 2013 sa ganap na 11:13 PM, ang dambuhalang python na si Prony ay pumanaw dahil sa hindi malamang kadahilanan o sakit. May ilang sabi-sabi na ang ugat ng kamatayan ni Prony ay dahil sa sakit sa liver na nahawa o napasa sa kanya ng may-ari nito. Ang labi ni Prony ay napag-desisyunan na i-preserve bilang alaala sa mga nagmamahal at nag-alaga sa kanya. Para na din sa mga hindi siya nasilayan noong nabubuhay pa siya tulad namin.
Day two (2), our free time. Naging masaya ang unang araw namin sa Bohol at talaga namang enjoy kahit medyo nakakapagod. Late na kami nakatulog dahil sa kwentuhan, food trip at panunuod ng tv kaya ang naging resulta, tinanghali kami ng gising! Part ng day two (2) itinerary namin ay gumising ng 3:30 AM dahil ang unang lugar na pupuntahan namin ay ang Himontagon Hills sa bayan ng Loay para habulin ang sunrise mula sa highest peak nito ngunit nagising kami ay 5:00 AM na. Ang masaklap pa ginigising mo na ang iba mong mga kasama ngunit sarap na sarap pa sa pagtulog ang mga ito at puro "sige lang ang sagot sayo."
Sumakay kami ng bus patungong Carmen, Bohol at nagpababa na lang kami sa Loay. Isa sa mga Golden Rule or Ethic kapag mag-tra-travel ka, huwag kang mahiya magtanong sa ibang tao dahil sila ang susi sa iyong pakay at sa kabilang banda ikinakagalak nila na makatulong sila sayo sa abot ng kanilang makakaya. Natutuwa ako habang nasa biyahe (observing) kami dahil marahil siguro halatang dayuhan kami sa kanilang lugar. Bigla na lamang ilan sa mga local na nakasabay namin sa biyahe sa bus ay nagtatanong kung saan daw ba ang aming punta at saan daw ba kami galing, tinanong tuloy ako ni Dave kung saan daw ba kami bababa tumugon na din ako, sinabi ko sa Loay sa Himontagon Hills (Morning Hills) at galing kaming Maynila. Huwag magtaka kung sakaling maranasan niyo din ang nangyari sa amin, may ibang locals na hindi sila familiar pa sa Himontagon Hills dahil hindi pa ito gaano ka-popular katulad ng chocolate hills na dinarayo ng mga turista. Sa tulong ng mga local, konduktor ng bus at driver ay ibinaba kami sa Loay Interior Road (Carmen - Loay Junction) dahil didiretso na ang bus patungong bayan ng Carmen kung saan matatagpuan ang Chocolate Hills. A friendly reminder sa mga may plano, kung magtutungo sa Himontagon Hills (Morning Hills) mula Tagbilaran City (Dao - Integrated Bus Terminal) ang sakyan niyong bus ay biyaheng Jagna/Anda dahil mas makakamura kayo at sa jump-off na mismo ang inyong baba. In our case nagkamali kami ng sakay ng bus kaya sumakay kami ulit ng Jeep patungong jump-off ng Himontagon Hills sa Botoc Oriental, Loay. Pwede din kayong sumakay ng tricycle hanggang sa Himontagon Hills na mismo. Mas pinili namin na mag-hike simula sa jump-off mismo para ramdam namin ang saya ng adventure. Isang sari-sari store ang nagsisilbing landmark na nasa jump-off na kayo, unting lakad lang pa diretso sa highway sa may bandang kaliwa ay may mapapansin kayong kalsada na may mga bahay kung saan ito ang daan patungon sa Himontagon Hills. Maiiwasan ang pagkaligaw sapagkat established ang sementadong kalsada, although along the trail may part na inaayos pa pero impossible talagang maligaw pa kayo dahil dirediretso lamang ang trail nito. May mga bahay naman kayo na madadaanan at mga local na inyong makakasalubong na pwede niyong mapagtanungan, very approachable naman sila.
Isang kadahilanan nga din pala kaya kami naparoon sa Loay upang hanapin at bisitahin ang actual site ng Blood Compact nina Miguel Lopez de Legazpi at Datu Sikatuna. Mula town proper ay nagtanung-tanong kami kung saan ang mismong actual site at kung malayo ba ito. Good thing ay possible ito lakadin mula town proper ngunit depende pa din sa inyo kung masipag kayo maglakad at nagtitipid. Kung tinatamad o pagod na kayo, pwede kayo sumakay ng jeep, bus o tricycle at magpababa na lang kayo sa driver dahil along highway lang ito. In our case nilakad lang namin ito, sanay naman kami maglakad at ang maganda pa, mas na-appreciate namin ang lugar dahil hawak namin ang oras upang mapagmasdan ang taglay nitong ganda.
Bago pa man namin marating ang sinasabing actual site ng blood compact ay nadaanan din namin ang isa sa mga dinarayo ng mga turista sa bayan ng Loay, ito ay ang Loay Blacksmith Shop. Magkakasunod ang ilang pandayan dito na libre mong mapapanuod kung paano nila ginagawa ang mga bolo. Maaari ding bumili dito bilang souvenir o pang-personal na gamit. Ang maganda pa dito bukod sa authentic ay meron din silang i-no-offer na customization at repair service ng bolo, maging ang handle o hawakan nito ay yari mula pa sa sungay ng kalabaw. Ang maganda pa dito ay napakamura lang kung ikukumpara sa iba o sa Manila. Ang presyo ng bolo ay nagkakahalaga mula Php 450. - Php 1,000.00 depende sa klase at style nito.
Matapos ang ilang minutong biyahe ay nakabalik kami ng maayos sa aming tinutuluyan. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa kwarto ay agad na nagsipag higa sila Jeffrey sa kama at ang pagpapahinga na dapat sana ay saglit lang ay nauwi sa pagtulog, maging pagkain ng lunch ay nakalimutan na. Halatang napagod sila at maging ako din naman ay medyo inaantok na noong mga oras na iyon. Dahil sa himbing nang kanilang pagtulog ay hindi na kami nakapag-tour sa Tagbilaran sayang dahil part iyon ng kaming itinerary for our day two (2) do it yourself tour.
Ang aming lunch ay naging dinner na. Oo, gabi na kami kumain simula nang dumating kami ng hapon. Kahit papaano ay naglibot kami sa Tagbilaran. Halos progresibo na din ang pamumuhay sa lungsod, may mall, computer shop at iba pang establishment pero isa ang napansin ko, maaga pa din matulog ang mga tao dito dahil napansin ko lang medyo maaga magsara ang ilang tindahan at kabahayan. Bumili lamang din kami ng pagkain at bumalik sa guest house para doon na lamang manuod ng tv at makapagpahinga dahil kinabukasan ay sa Panglao Island naman ang aming destinasyon.
Our last day in Bohol. Ang aming day three (3) adventure ay nangyari sa Panglao Island. Ang isla ay nahahati sa dalawang munisipalidad, ang Dauis at Panglao. Bukod sa white sand beaches, dito din matatagpuan ang Bohol Bee Farm at Hinagdanan Cave na talaga namang ipinagmamalaki ng Panglao. Una naming pinuntahan ay ang Bohol Fee Farm, mula dito isang guide ang nag-tour sa amin sa loob ng farm kung saan ipinaliwanag niya sa amin ang tungkol sa farming at syempre maging ang tungkol sa mga bubuyog. Organic Farming ang form ng agriculture nila dito at ang sineserve nila sa kanilang restaurant ay fresh harvest. European Bees naman ang kanilang kinu-culture kung saan nagmumula ang mga honey na kanila namang ginagamit sa pagkain. May shop din sila dito kung saan maaari mong libreng matikman ang kanilang mga produkto na likha mula sa honey, cacao (chocolate tablea), tinapay, organic ice cream at kung anu-ano pang pagkain. May mga paninda din silang mga bag, lamp shades at mga accessories na kanilang likha. Hindi din sila magpapahuli sa restaurant, actually recommended ito sa mga couple na nais ng mapayapang dinner or lunch date sa tabi ng dagat.
PS. Maraming salamat sa staff ng Marcelina's Guest House at Royal Fantasy Tours lalo na kay Kuya Allan na very approachable at napakabait.
Looking for more adventures, read about:
Pagsanjan Falls
Boracay: The flagship beach destination of the Philippines
The Waterfront Beach Resort
Mt. Batulao
Mt. Humarap (Tatlong Krus) and Matabungka Falls
Mt. Gulugod Baboy (Mt. Pinagbanderahan)
Mt. Tagapo
Mt. Talamitam
Mt. Maculot
Mt. Mariveles (Tarak Ridge-Peak)
Mt. Sembrano
Mt. Balagbag and Kaytitinga Falls
Mt. Pico de Loro (Mt. Palay-Palay) and Boracay de Cavite (Katungkulan Beach)
Mt. Tabayoc, Mystical Lakes (Tabeo, Ambulalakao, Letep-ngapos, Incolos) and Junior Pulag
Hundred Islands
La Mesa Eco-Park
A Photowalk Journey: Manila-Pasay
Manila Seedling Bank: Nature is the art of God
Bakit karamihan sa mga namumundok walang lovelife?
Aking Diwata
May Forever sa Bundok (Finding Neverland and Love at First Sight)
Bohol Adventure Final Itinerary (Proposed Itinerary)
Nov 30 - December 3, 2015
Tour Package by Royal Fantasy Tours and DIY
Day 0
1:00 AM - Meet up EDSA-Timog Ave(Condo)/Nap/Preparation of things/stuffs
2:00 AM - Departure to NAIA Terminal 4
3:00 AM - ETA NAIA Terminal 4
7:25 AM - ETD from NAIA Terminal 4 to Tagbilaran Airport (Bohol)
8:50 AM - ETA to Tagbilaran Airport (Bohol)
Day 1 (Countryside Tour)
9:00 AM - Pick-up (Service Vehicle) at Tagbilaran Airport and drop off at Marcelina’s
Guesthouse
9:30 AM - Proceed with Countryside Tour.
• Blood Compact Site
• Baclayon Church
• Baclayon Python and Wildlife Park
• Loboc River Cruise
• Tarsiers Conservation Area
• Bilar man-made forest
• Butterfly Garden
• Tigbao Hanging Bridge
• Chocolate Hills
5:30 PM - Back to Guesthouse
6:00 PM - Dinner (Somewhere) and buy some foods/snacks for the second day adventure.
9:30 PM - Lights Off
Day 2 (Free Time - Do-it-yourself)
3:30 AM - Wake up/ Call Time
**** Breakfast, take a Bath/Shower and Preparation of Stuffs*****
4:30 AM - Departure to Himontagon Hills/Morning Hills
Morning Hills is located at Botoc, Loay, Bohol, 15 – 20 Minutes bus ride from Tagbilaran City.
Take a bus, jeepney or tricycle going to Botoc, Loay,Bohol (Jump off)/DAO Bus Terminal of Tagbilaran City*******
******Stop/Drop at the Morning Hills Store (The Store named after the site). Near the Store, there is a street that leads up to Morning Hills. Don't be afraid to ask directions if you find an intersection somewhere near a chapel******
******Fare is Php 25.00 but subject to change*****
5:30 AM - ETA to Himontagon Hills/Morning Hills
*****Sunrise Viewing, Photo and Video Ops*****
7:30 AM - ETD Morning Hills
8:30 AM - ETA Loay Church
9:30 AM - ETD Loay Church
10:00 AM - ETA Loay Watchtower
10:30 AM - ETD Loay Watchtower
11:00 AM - ETA Loay Bolo Making Industry
11:30 AM - ETD Loay Bolo Making Industry
12:00 PM - ETA Clarin Ancestral House and Café Olegario
***** Poblacion Ubos, Loay, Bohol. 20-30 mins by Jeepney, Bus, V-hire & Private Vehicles.
Php. 20.00/Person. Honey Claire Clarin 0917 321 5167 / 038 538 9388 café[email protected]***
1:00 PM - ETD Clarin Ancestral House
***Lunch Time*****
1:30 PM - Loay Blood Compact Site
**** Hinawanan Loay, Bohol. To get there you can go to Dao Integrated bus terminal, by jeep, by SouthernStar bus or by your own car. Blood Compact Site lies about 18.42 kilometers to the east of the City of Tagbilaran.********
2:00 PM – ETD Loay Blood Compact Site
******Proceed to Tagbilaran City Tour*****
2:30 PM – Tagbilaran City Tour
• Kaingit Beach
• Provincial Capitol of Bohol
• Plaza Rizal (Plaza Principe)
****The Plaza was previously known as Plaza Principe and it is located between the Capitol Building and the St. Joseph’s Cathedral.*****
• Bohol Cathedral (St. Joseph the Worker Cathedral)
• Pres. Carlos P. Garcia Memorial Park
• Bohol Museum
• Banat-I Hill
• Jaycee Promenade
Day 3 Beach Fun and Panglao Tour
5:30 AM – Depart for Panglao
***Swimming/Beach Fun at Dumaluan Beach Resort****
Afternoon: Panglao Tour
• Bohol Bee Farm
• Hinagdanan Cave
• Dauis Church
5:00 PM – End of Tour
5:30 PM – Back to Guesthouse
Day 4: Departure
6:00 AM - Drop off at Tagbilaran City Airport
9:30 AM – Depart for Manila
Bohol Adventure Final Itinerary (Actual Itinerary)
Nov 30 - December 3, 2015
Tour Package by Royal Fantasy Tours and DIY
Day 0
1:00 AM - Meet up EDSA-Timog Ave(Condo)/Nap/Preparation of things/stuffs
3:00 AM - Departure to NAIA Terminal 4
3:45 AM - ETA NAIA Terminal 4
7:40 AM - ETD from NAIA Terminal 4 to Tagbilaran Airport (Bohol)
(Delayed flight for 15 minutes)
8:45 AM - ETA to Tagbilaran Airport (Bohol)
(5 minutes earlier based on our flight itinerary ETA in Tagbilaran Airport)
Day 1 (Countryside Tour)
8:50 AM - Pick-up (Service Vehicle) at Tagbilaran Airport and drop off at Marcelina’s Guesthouse
9:15 AM - Proceed with Countryside Tour.
• Blood Compact Site
• Baclayon Church
• Baclayon Python and Wildlife Park
• Loboc River Cruise
• Loboc Tarsiers
• Bilar man-made forest
• Butterfly Garden
• Hanging Bridge
• Chocolate Hills
5:00 PM - Back to Guesthouse
*****Rest, Chitchat, Photo and Video Ops*****
6:00 PM - Dinner (Somewhere) and buy some foods
*****Rest, Chitchat, Photo and Video Ops*****
1:30 AM - Lights Off
Day 2 (Free Time - Do-it-yourself)
5:00 AM - Wake up
**** Breakfast, take a Bath/Shower and Preparation of Stuffs*****
6:30 AM - Departure to DAO - Integrated Bus Terminal/Island City Mall
6:45 AM - ETA DAO - Integrated Bus Terminal/Island City Mall
7:20 AM - ETA Loay Interior Road (Carmen-Loay Junction)
****Waiting for Jeepney/Trike/Bus going to Jagna or Anda*****
7:25 AM - ETD Botoc, Loay
******Stop/Drop at the Morning Hills Store (The Store named after the site). Near the Store, there is a street that leads up to Morning Hills. Don't be afraid to ask directions if you find an intersection somewhere near a chapel
7:45 AM - ETA Botoc, Loay (Jump-off)
******** Start of the hike******
********Took some rest during the hike. Although you can reach the summit within 30-45 minutes depending on your pace. In our case, we enjoyed the hike, took some photos and videos. We're not in a hurry.*****
8:45 AM - ETA to Himontagon Hills/Morning Hills
******Rest, Photo and Video Ops and enjoying the majestic view******
9:30 AM - ETD Summit
****** Traverse to the established trail (We just called it Rosary Trail)
10:05 AM - ETA Jump-off
10:30 AM - ETA Loay Town Proper
*******We walked to Loay Church for about 5 minute*****
10:35 AM - ETA Loay Church
*******We walked to Clarin Ancestral House for about 15 minutes *****
10:45 AM - ETD Clarin Ancestral House
11:15 AM - ETA Loay Commercial Port/Lighthouse
*******We walked to Loay Commercial Port/Lighthouse for about 30 minutes*****
12:00 PM - ETD Loay Commercial Port/Lighthouse
12:20 PM - ETA Loay Blacksmith Shop
*******We walked to Loay Blacksmith Shop for about 20 minutes*****
12:40 PM - ETA Actual Blood Compact Site
*******We walked to Actual Blood Compact Site for about 20 minutes*****
1:30 PM - ETA Marcelina's Guest House
*******Rest and Sleep********
Day 3 Beach Fun and Panglao Tour
5:30 AM – Depart for Panglao
***Swimming/Beach Fun at Dumaluan Beach Resort****
Afternoon: Panglao Tour
• Bohol Bee Farm
• Hinagdanan Cave
• Dauis Church
5:00 PM – End of Tour
5:30 PM – Back to Guesthouse
Day 4: Departure
6:00 AM - Drop off at Tagbilaran City Airport
9:30 AM – Depart for Manila
Expenses:
Marcelina's Guest House and Royal Fantasy Tours - Php 12,000.00/3 = Php 4,000.00/Pax
4D/3N BOHOL TOUR PACKAGE
Inclusion:
Airconditioned transport service
4 days/3 nights Night stay at Marcelina’s Guesthouse – (1 Deluxe Quad)
Buffet Lunch at Loboc River Cruise
Hut & shower at the beach resort
Entrances to tourist spots
Country Side Tour:
• Blood Compact Site
• Baclayon Church
• Baclayon Wildlife (Python)
• Loboc River Cruise
• Tarsiers Conservation Area
• Bilar man-made forest
• Butterfly Garden
• Tigbao Hanging Bridge
• Chocolate Hills
Beach Fun and Panglao Tour
• Bohol Bee Farm
• Hinagdanan Cave
• Dumaluan Beach Resort
Transportation:
Air Fare via Air Asia (Seat Sale Promo)- Php 1,313.00 (Returned Flight)
Trike to DAO - Integrate Bus Terminal - Php 15.00/pax
Bus to Loay - Php 20.00/pax
Jeep to Botoc, Loay - Php 10.00/pax
Trike to Marcelina's Guest House - Php 15.00/pax
Jeep from Loay to Tagbilaran - Php 20.00/pax
Foods:
Coke - Php 10.00
Bread - Php 40.00
Adobong Atay with Rice - Php 30.00
Kalderetang Baka with 3 rices - Php 55.00
Other Expenses:
Tagbilaran Airport Domestic Passenger Terminal Fee - Php 100.00
Grocery - Php 310/4 = Php 77.00
Pasalubong - Php 500.00