"Hindi na talaga pwede ito...." ang tanging naiisip ko sa tuwing nakakaramdam ako nang kakatihan sa mga paa at pakiramdam (Fernweh) dahil na din siguro sa mga nakikita kong adventures nang iba sa ilang facebook group at marahil sa stress, sa ingay ng syudad at kung anu-ano pa.
Thank God! Finally natuloy din ang isang pagbabalik na lakwatsa. Well, honestly nagparamdam ulit sa akin si katamaran habang papalapit ang mismong araw ng adventure ngunit hindi pwedeng magpadaig lagi sa nararamdaman. "Kung gusto mo nang work-life balance eh ayusin mo ang buhay mo." tanging sambit ko lang sa isipan ko. Hindi naman masamang mag-lakwatsa paminsan-minsan dahil kailangan din natin talaga ito. Hindi pwedeng mabuhay na lang tayo upang mag-trabaho na lang. Tamang pag-ma-manage lang nang oras at panahon. Kailangan din nating mag-reconnect with mother nature upang malinis ang ating isipan at makapagdesisyon nang tama sa buhay.
Bring back the momentum! Early this year, may panibago na namang hiking destinations at waterfalls ang binuksan sa mga adventurer at ito ay matatagpuan lamang sa Tanay, Rizal. Ayon sa ilang blogs na nabasa ko, mas malaki daw ang chance na maka-saksi ng sea of clouds sa bundok na ito within Rizal Mountains. Upang mapatunayan, tinungo namin ang Mt. Cayabu - Mt. Maynoba (Mt. Maynuba) at maging ang sinasabi nilang 8 waterfalls (wonderfalls) nito.
From duty, pagkatapos mag-double check ng mga gamit ay dumiretso na kami nila Sir Rommel at Sir Jhanssen sa Cubao upang tagpuin sina Maám France kasama ang kanyang kapatid (forgot her name). Sakay ng isang pampublikong van, mula Cubao ay bumiyahe kami patungong Cogeo Gate 2 upang tagpuin naman ang iba pa naming mga kasamahan na mula naman sa Taytay, Rizal. Matapos ang pagtatagpo ng buong grupo ay agad na kaming nagtungo sa Batangas o Batangasan kung tawagin ng locals sakay ng isang jeep. Noong mga oras na iyon ay wala pang bumabiyaheng jeep patungong Batangas o Batangasan, mabuti na lamang ay may nakasabay sila Ma'am Gerlie na ibang hikers na papanik naman sa Mt. Batolusong. Napagkasunduan namin na i-hire na lang ang jeep na nakikipag-negosasyon sa amin. Mula Batangas o Batangasan ay sumakay naman kami ng tricycle patungong Marning's Farm o Brgy.Cayabu kung saan nagsisilbing jump off point patungo sa mga nasabing bundok. Matapos ang mahaba-habang biyahe ay narating din namin ang nasabing lugar. Medyo umaambon at foggy noong mga oras na iyon, mukhang senyales ng isang maputik na adventure. Trivia! Bago marating ang Marning's Farm o Brgy. Cayabu ay madadaan ang jump off point ng Mt. Batolusong.
Medyo madilim pa noong mga oras na iyon nang kami ay magsimula sa pag-hike. Tama nga, sa umpisa pa lang ay bumungad na sa amin ang maputik na daan. Pero sa totoo lang na-miss ko ang amoy probinsya at yung excitement na nararamdaman mo sa adventure.
Ang nakakatuwa at isa sa mga na-miss ko sa pag-hike ay yung biruan at tawanan along the trail. Malalaman mong napapagod o pagod na ang mga kasamahan mo at maging sa sarili mo kapag tumatahimik na marahil siguro ramdam na ang pagod at humahabol na nang hininga o hangin. Dagdag pa, nagkakatamadan na nga din bumunot sa bag ng mga camera kaya kung gusto mo magpa-litrato ay malas ka. Malas ka din kung ikaw ay may bibit na camera dahil magiging taga-litrato ka na. Ngunit kung hilig mo lang din naman talagang kumuha ng mga litrato ay marahil mas pabor pa sa iyo.
Matapos ang assault ay narating din namin ang campsite 1 ng Mt. Maynoba kung saan inabutan din namin ang ilang hikers na nag-overnight at kapwa naming day hike lamang. Pagkadating namin ay wala din kaming clearing na inabutan mula dito ngunit katulad nga nang sinabi ko mukhang ginagabayan kami ni Lord sapagkat makalipas lamang ang ilang minuto ay unti-unting lumilitaw ang mga naggagandahang mga tanawin. Dahil sa pagod ay napag-desisyunan namin na dito na din kami mag-breakfast at magpahinga saglit.
Sa kabila ng init at pagod ay hindi matatawaran ang ganda ng mga tanawin na aming nakikita. Ang galing talaga ni Lord, ang galing ng pagkakalikha niya sa lahat ng bagay dito sa mundo.
1. Natatagong Paraiso Falls
2. Maykatmon Falls
3. Ayngas Falls
4. May Gugulong na Bato Falls
5. Maynoba Falls
6. Lantay na Bato Falls
7. May Bangka Falls
8. Magpantay Falls
Dahil marami-rami ang bisita noong araw ding yun ay napag-usapan namin na sa pang-apat na waterfalls na lang kami magpalamig. Ang ibang waterfalls ay dinaanan na lang namin kaya hindi namin ito gaanong nasilayan. Mahigit 30 minutes din kaming namalagi dito bago bumalik sa jump off. Ganap na 1:03 PM nang kami ay makabalik sa jump off area.
Kaibigan Sould Camp: Keep On Traveling Palawan
30 Wedding Reception Centrepiece Ideas To Spice Up Your Reception
Wander To Know The Wonder: A Day In My Outdoor Life
Pagsanjan Falls
Boracay: The flagship beach destination of the Philippines
The Waterfront Beach Resort
Taal (The Heritage Town)
Discover Tanay, Rizal: A True Adventure Experience
Bohol Escapade: The Voyage of Life
Where to Dine and Stay in Bohol, Philippines
Interesting Places To Visit In The South Of Metro Manila
Awesome Destinations To Explore In The Philippines
Packing Tips: How To Pack The Right Way
Best Travel Gadgets Actually Worth Buying
Mt. Batulao
Mt. Humarap (Tatlong Krus) and Matabungka Falls
Mt. Gulugod Baboy (Mt. Pinagbanderahan)
Mt. Tagapo
Mt. Talamitam
Mt. Maculot
Mt. Mariveles (Tarak Ridge-Peak)
Mt. Sembrano
Mt. Balagbag and Kaytitinga Falls
Mt. Pico de Loro (Mt. Palay-Palay) and Boracay de Cavite (Katungkulan Beach)
Mt. Tabayoc, Mystical Lakes (Tabeo, Ambulalakao, Letep-ngapos, Incolos) and Junior Pulag
Mt. Sipit Ulang and Payaran Falls
Mt. Ulap (The Beauty Behind The Pines)
Mt. Pinatubo: A Majesty after a Tragedy
Hundred Islands
La Mesa Eco-Park
A Photowalk Journey: Manila-Pasay
Manila Seedling Bank: Nature is the art of God
Bakit karamihan sa mga namumundok walang lovelife?
Aking Diwata
May Forever sa Bundok (Finding Neverland and Love at First Sight)
Tanay, Rizal
Trailhead: Brgy. Cayabu, Tanay, Rizal
LLA: 14°36'22.4''N, 121°25'18.6'' E, 728 MASL (+470m)
Days required / Hours to summit: 1 day / 2-3 hours
Specs: Minor hike, Difficulty 3/9 (Summit); 4/9 (Loop hike), Trail class 1-4
Features: Sea of clouds, scenic views of the Sierra Madre, waterfalls
Source: Gideon Lasco/pinoymountaineer.com and skookummountaineers.blogspot.com
Proposed Itinerary - DAYHIKE (PUBLIC TRANSPORT)
0200 Leave Manila for Antipolo (Cogeo Gate 2)*
0300 Take jeep from Antipolo to Batangasan junction
0400 ETA junction. Take tricycle to Brgy. Cayabu
0430 ETA Maynoba trailhead, Brgy. Cayabu. Register / secure guides
0500 Start trekking
0600 ETA “Mt. Cayabu”
0700 ETA “Mt. Maynoba” viewpoint.
0730 Continue with loop hike
0830 Pass through the eight waterfalls. Take a dip (optional)
0930 Continue trek back to trailhead
1100 Back at Brgy. Cayabu trailhead. Lunch / Tidy up.
1200 Head back to Manila
1430 ETA Manila
Actual Itinerary - DAYHIKE (PUBLIC TRANSPORT) as of October 2, 2016
1:30 AM - ETD GMA Kamuning to Cubao
1:50 AM - ETA Cubao
*******Meet up with other members********
2:10 AM - ETD Cubao to Cogeo Gate 2
*******Via Public Van (UV Express)
3:05 AM - ETA Cogeo Gate 2
*******Meet up with other members********
3:36 AM - ETD Cogeo Gate 2 to Batangas/Batangasan
*******Via Hired Jeep with other Hikers going to Mt. Batolusong******
4:17 AM - ETA Batangas/Batangasan
4:18 AM - ETD Batangas/Batangasan to Marning's Farm/Brgy. Cayabu
4:50 AM - ETA Marning's Farm/Brgy. Cayabu
*******Registered, Secured Guide and a short orientation******
5:00 - Start trekking
6:00 - ETA Mt. Cayabu
7:10 - ETA Campsite 1
*****Breakfast, Photo Op and Rest******
8:00 - ETD Campsite 1 to Mt. Maynoba Summit (Campsite 2)
8:35 AM - ETA Mt. Maynoba Summit
9:00 AM - ETD to Waterfalls
11:30 AM - ETA Waterfalls
1:02 PM - ETA Jump Off
2:30 PM - ETA Manila
PRACTICALITIES: Mt. Cayabu - Mt. Maynoba (Mt. Maynuba) and 8 Waterfalls
Public Transportation:
From Cubao, take a jeep or FX to Cogeo Gate 2 Antipolo. Once in Cogeo, proceed to the jeepney terminal and take the jeepney going to Sampaloc/Tanay. Tell the driver to drop you off at Batangasan/Batangas. (1 hour travel time).
Hire a habal-habal or tricycle to Marning's Farm and Resort in Barangay Cayabu. (25 minutes travel time). You can ask the habal-habal/tricycle driver to fetch you at Marning's on your desired time. The drivers would sometimes ask for advance payment. The guides at Marning's can also make arrangements with the tricycle drivers in the area.
Jeeps from Sampaloc/Tanay heading back to Cogeo Gate 2 usually pass by Batangas until 7pm (they leave Sampaloc at 6:30PM). Once in Cogeo, you can finally hail a ride (FX or jeepney) going to Cubao.
Guides:
Local guides are mandatory and the prevailing guide fee is Php 500.00 for a dayhike, which is good for five (5) persons. Overnight guide fee is Php 1,250.00.
Registration Fee:
There is a registration fee of Php 40.00 per person to be paid at Marning's.
Dayhikable:
Yes (4-6 hours to complete the whole circuit)
Estimated budget:
P400-500 from Manila
Expenses:
Transportation:
Taxi (GMA Kamuning) to Cubao – Php 70.00/3 = Php 23.00/pax
UV Van (Cubao) to Cogeo Gate 2 – Php 35.00/pax
Hired Jeep (Cogeo Gate 2) to Batangas or Batangasan – Php 60.00/pax
Tricycle (Batangas or Batangasan) to Marning's Farm/Brgy. Cayabu - Php 200.00/4pax = Php 50.00/pax
Tricycle (Marning's Farm/Brgy. Cayabu) to Batangas or Batangasan - Php 250.00/4pax = Php 62.00/pax
Jeep (Batangas or Batangasan) to Cogeo Gate 2 – Php 42.00/pax
UV Van (Cogeo Gate 2) to Cubao – Php 35.00/pax
Food and Drinks:
Gardenia Chocolate Bread - Php 69.00
Nagaraya Snack - Php 34.00
Banana - Php 17.00
Other Expenses:
2 Guides – Php 1,000.00/8 pax = Php 125.00/pax
Registration Fee = Php 40.00/pax
Tidy Up – Php 20.00