ni Joviner M. Dumagan
Bryan - Umaga nanaman, tinatamad nanaman akong lumabas, lunes pala ngayon, pasukan nanaman,makikita ko nanaman sila, at alam ko na gaya ng mga dumaang araw ako nanaman ang bida, aasarin nanaman ako nito maghapon, nakakaasar sila sa totoo lang pero sinasanay ko nalang ang sarili kong maging manhid sa pangaasar nila, wala naman akong magagawa, sa payat kong to, pagpumalag ako siguradong masasaktan lang ako, ang lalaking tao kaya nila, kaya mas ok narin to kesa mabugbog.
Nakakatakot!!....
Ambiance – Nag-aaway na magulang, Sigawan
Bryan - Naalala ko bayaran pala ngayun sa school, kararating lang ni papa ngayung umaga galing OT daw , si mama naman automatic yan away ang ihahanda sa almusal, di na nga lang muna ako mageexam, di ako makalapit kay mama at papa at baka madamay pa ko .
Nakakatakot!!...
Scene # 3: External: Court, School, Magtatanghali
Bryan - Uy ayos may try out pala ngaun ng basketball. Gusto ko sana mag-try out kaso baka mapilayan lang ako o baka di man lang siguro ako pansinin ng coach, nakakahiya pala, aasarin lang din naman siguro ako pagnaglaro na ako tas babatuhin ng bola sa ulo kunwari di sadya, at magtatawanan ang lahat pati crush ko, aww!!.. wag nalang ok na siguro to, makapasok na nga sa room at di na ako komportable dito sa court.
Nakakatakot din pala dito!!....
Scene # 4: Interior: School, Sa loob ng Classroom, Tanghali
Bryan - Wow ok si maam mag discuss ngayun ah, anglabo, buti nalang na advance at napanuod ko na sa youtube yung tinuro nya, kaya kahit medyo malabo gets ko yan.
Teacher - Ok class sinong may alam o makakapagresite ng tools na merun ang photo editing software na tinackle natin.
Bryan - Ui alam ko yan, magtataas na ba ako ng kamay?,teka, mali ata yung sagot ko..., mapagtatawanan nanama ako nito, sasabihin nila dapat nanahimik na lang ako. Naiimagine ko na yung tawanan at pang aasar nila, ok na to mas safe ako kung mananahimik nalang ako, ok pass na sa tanong ni Ma'am......
Nakakatakot eh!!.....
Scene # 5: Exterior: School, Sa labas ng School Canteen
(Dadaan si Crush at magkakasalubong sila ni Bryan)
Bryan - Hay ayan nanaman siya ngiti ng ngiti, kahit anong angulo talaga cute siya, minsan o sabihin na nga natin madalas laman sya ng panaginip ko.
(Magkakatinginan Si bryan at ang Crush niya, namumutlang halos di alam ang gagawin, magiisip ng sasabihin pero mahihiya at tahimik na mamumula na lang.)
(Ngingiti si Crush at magsasalita)
Crush - Hi Bryan, kamusta ka?
(Titingin lang si Bryan, tila di alam ang gagawin, parang masusuka sa hiya, at aalis na si crush dahil sa tagal magsalita o mag-react ni Bryan.)
(Disappointed si Crush sa pinagkikilos ni Bryan.)
Bryan - Lagot wala nanaman akong nasabi, nastan ako dun ah, pano ba naman sobrang ganda nya, at ano naman sasabihin ko sa kanya?..aHHmm.... crush kita....., baduy, gusto sana kitang maging GF....., panget, baka mailang sa akin yun at bigla pa akong di pansinin, wag naman sana, kaya ok na to, sa akin nalang tong nararamdaman ko.
Nakakatakot eh!!....
Scene # 6: exterior: Daanan sa labas ng School
Mga Bully na Classmates - Oi Bryan sumama ka sa amin punta tayo sa SM sa TOMs tayo..... libre mo kame para di ka naming asarin at di kame maasar sayo...
(Defense Mechanism si Bryan, iwas at mabilis na sasakay ng Jeep pauwi sa kanila.)
Scene # 7: Interior: Sa loob ng Kwarto, Gabi
Bryan - Hay salamat nakauwi din dito sa kwarto ko, ligtas na ako ok na ko sa ganito, kahit bilang lang ang mga kaibigan ko may kompyuter, TV at gitara naman ako dito, ito ang paraiso ko, dito magisa akong nagdodota, kumakanta,gumagawa ng kanta at nagiisip ng mga bagaybagay, tuloytuloy ang buhay sa mundo ng regrets, pero wala akong magawa, mahina ako, malakas sila, magaling sila, ako ganito lang, gwapo sila at ako syempre gwapo rin nasa kwarto ko ako eh hehehe..... hindi ako masyadong lumalabas ng bahay, comfort zone ko ang kwarto ko, school/bahay lang ako, yun na ang nakasanayan kong mundo, ayoko masyado sa labas,
Nakakatakot!!.., nakakatakot ang mundo..,...
(Kinabukasan sa TV eksaktong News Flash.)
Reporter - Isang kilalang mall sa Quezon City ang kasalukuyang nasusunog di umano ay isang bomba ang sumabog sa Tom's World na siyang tenant nito. Di pa tiyak kung ilan ang patay at sugatan. Nagpapatrol, Cyron Rizon
Bryan - Patay nandun pa naman yung mga bully ko na classmates sana ok lang sila, buti nalang di ako sumama sa kanila, at buti nalang di ako lumabas.
Nakakatakot talaga sa labas!!..,..Nakakatakot talaga ang mundo..,..
Para kay Nietes:
Para sa mga taong biktima ng problema sa pamilya, sa pambubully ng mga classmate, sa mga taong di pinapansin ng crush at sa mga torpe, sa mga taong takot basagin at umalis sa kanilang comfort zone.
Sa mga taong walang tiwala sa sarili, self pity at takot harapin ang nakakatakot na mundo.
Live your life to the fullest....After all..we're all gonna die!