Gumaganti na nga ba si Inang Kalikasan? O, ang Kataas-taasang may likha sa kanya at sa lahat ng bagay sa mundo? Ikaw sa tingin mo?
Ang lahat ng pagbabago o abnormal na pangyayari sa ating paligid at maging sa panahon ay dulot ng Global Warming. Ano ba ang Global Warming? Ang Global Warming o pag-init ng daigdig ay tumutukoy sa nararanasang pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at mga karagatan sa mundo. Ayon sa siyentipikong opinyon, “ang naranasang pag-init nitong huling 50 taon ay gawa ng tao”. Ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gases na resulta ng pagsunog ng produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, at iba pang kagagawan ng tao ang mga pangunahing sanhi ng pag-init ng mundo. Sinasabing ang pagtaas sa pandaigdigang temperatura ay magdudulot ng malaking pagbabago kasama rito ang pagtaas ng karaniwang taas ng dagat at pagbabago sa dami ng mga pag-ulan. Ang mga pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami sa dalas at lakas ng mga mapanirang kalagayan ng panahon tulad ng baha, tag-tuyot, bugso ng init (heat waves), bagyo at buhawi. Sinasabing ang pag-init ay makaaapekto sa bilang at tindi ng mga ito, Mahirap na iakibat ito sa partikular na kalagayan ng panahon sa pag-init ng mundo. Gayunman, ang mga pag-aaral ay nakatuon sa panahon hanggang taong 2100 na ang pag-init (at pagtaas ng pantay laot mula sa pag-aalsang dulot ng init) ay patuloy na mangyayari dahil sa ang CO2 ay may mahabang buhay sa himpapawid.
source: http://tl.wikipedia.org/wiki/Pag-init_ng_daigdig
Nangyayari ang lahat ng ito dahil sa kapabayaan at kalapastanganan ng mga tao. Ang pagdaragdag ng carbon dioxide (CO2) o methane (CH4) sa himpapawid ng mundo nang walang ibang pagbabago ay makapagpapainit sa balat ng ating planeta. Lumilikha ang mga greenhouse gases ng likas na greenhouse effect na kung wala nito tinatayang ang temperatura sa mundo ay mas higit ng 30 °C at hindi na matitirahan. Ang tinutukoy na mga greenhouse gases sa atmophere ng ating mundo ay ang mga sumusunod: water vapor, carbon dioxide, methane, nitrous oxide at ozone. Buhat ng modernong panahon, maging ang di-wastong paggamit ng teknolohiya ay may malaking epekto sa ating paligid. Sinasabing "Sa tulong ng teknolohiya mas napapadali ang buhay", mas napapadali nga ba patungong modernasyon o patungong hukay?
Tanong ng lahat: Ano nga ba dulot nito sa ating paligid?
Malaki ang epekto ng Climate Change o Global Warming sa ating buhay at lalong-lalo na sa ating paligid. Ilan sa mga ito ay ang pagtaas ng katamtamang pantay laot, dulot sa sakahan, paghupa ng ozone layer, pagtindi at pagdalas ng mga matitinding klima (extreme weather events), at pagkalat ng mga sakit.
Kung may malasakit at pagmamahal ka sa iyong paligid, kapwa at maging sa iyong sarili tulungan mong ihinto ang masamang dulot ng Global Warming. Kung papaano, narito ang ilang hakbang upang makatulong sa pagresolba sa mga problemang dala ng Global Warming.
1. Bago ang lahat, dapat desidido ka na magbago o sa pagbabago. Tandaan, ang lahat ng pagbabago ay dapat sinisimulan sa ating sarili.
2. Itapon ang mga basura sa tamang tapunan lalo na yung mga basura na maliliit gaya ng ticket sa bus, maari muna natin ito pansamatalang itago sa ating bag at itapon sa tamang tapunan. (Base kasi sa aking obserbasyon, karamihan sa atin ay tinatapon na lang ang ticket sa bus o kaya iniipit na lang ito sa kung saan-saan.
3. Sa halip na gumamit ng plastic, mas makakabuti na gumamit ng telang bag o anumang alternatibo katulad ng bayong sa pamamalengke.
4. Magtipid ng kuryente at tubig. Patayin kung hindi ginagamit.
5. Maglakad na lang kung kaya't maari. Healthy lifestyle pa.
6. Maging Eco-friendly.
7. Mas makakabuti kung sasali ka sa mga eco-friendly organizations na makakatulong sa iyo upang maging aware ka sa lahat ng bagay lalo na sa pangangalaga sa ating paligid.
Nakakatakot isipin ang kahihinatnan ng ating mga buhay at lalo na ang ating iisang tahanan, ang ating planeta sa paunti-unting pagdudurusa at paghihirap na dadalhin o dala ng Climate Change o Global Warming. Ating tandaan, kailangan nating magkaisa upang laban ang problemang ito. Tayong lahat ang gagawa ng solusyon laban dito. Hindi pa huli ang lahat.