Noong taong 2009, isang trahedya ang hindi malilimutan na naganap sa ating bansa. Ito ay nang manalasa ang Bagyong Ondoy o Typhoon Ketsana na nag-iwan nang malaking pinsala at kumitil sa maraming buhay sa ating bansa na nagbigay ugat upang mapasailalim sa State of Calamity ang Metro Manila at iba pang mga karatig probinsya.
Bunsod nang magdamagang malakas na buhos ng ulan ay tila nag-mukhang palaisdaan ang mga kapatagan at mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Kinailangang mag-release ng tubig o buksan ang ilang gates ng mga Water Dam na nagdulot nang mabilis na pagtaas ng tubig sapagkat ito'y halos umabot na sa critical level na kung hindi gagawin ay maaaring mas makapagdulot ng malaking pinsala sa mga bayan o lalawigan. Kabi-kabila din ang mga pagguho ng lupa sa mga bulubundukin katulad nang pangyayaring naganap sa Benguet; Sa Quezon City naitala din ang pagguho ng lupa sa Commonwealth Avenue na kung saan ilang pamilya ang binawian ng buhay kabilang ang isang sanggol bunsod ng masungit na panahon. May ilang early warning systems o devices din ang hindi nagsigana kaya marami ang hindi kaagad nakalikas. Kakulangan naman sa mga kagamitan ang naging problema ng mga rescuer sa pagliligtas ng mga napinsalang tao. Saan kaya napunta ang mga calamity fund? Halos magkahawaan na din ng mga sakit sa mga evacuation center dahil sa dami ng mga evacuee at dahil na din sa kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan kagaya ng mga gamot, pagkain at mga palikuran.
Sa kabila ng trahedya at kakulangan sa mga kagamitan muling namayani ang bayanihan ng mga tao, mahirap man o mayaman ay nagtulugan upang iligtas ang isa't-isa at pahalagahan ang buhay. Hindi lang tao maging ang mga hayop ay iniligtas din. Ika nga nila, that's what we called life; bumangon kapag nadapa ka.