Birthday, sahod, pag-graduate ni kaibigan, wala ako dahil natatakot ako sa kanya. Oras at panahon igugugol mo, investment na din yun. Pero sa takdang panahon, magkakahiwalay din kayo. Mahirap magsimula sa umpisa lalo't nasanay ka na may kasama lagi. Dati kasama ko lagi ang mga kaibigan ngunit nawala sila. Siguro kasalanan ko na din na pinalit ko siya, masaya ako kahit masakit na namili ako. Ngayon wala na siya, pamilya na lang ngunit nagkataon pa sila'y nasa probinsya. Lumipas ang linggo, naging Robot ako, laging may Long Quiz sa utak ko tungkol sa kung BAKIT.
Pag pasok sa school pang samantalang makakalimot. Pag pasok sa trabaho pang samantalang malilibang at magpapalipas oras. Tutulala, bonus na yun dahil parang wala ka talagang problema dahil walang iproproseso ang utak mo. Hang time 'yan (Parang Computer na nag-100% ang usage ng CPU o RAM). Nakakatuwang matulala, sayang sa oras pero at least pang samantalang nakatakas ka.
Mahirap mag-open up ng problema sa ibang tao dahil kahit alam ko na nakikinig sila, sa huli pagkatapos ng kwento mo (they just listen but never really care enough) may mga sariling problema din yan na i-oopen katulad ko. Tamang listen lang hehehe.... 24 years old na ako ngayon at pinipilit matapos ang binubuo ulit na mga pangarap. Madami na akong regrets sa buhay. Mga trabahong nasira na dapat ay regular na. Mga nawalang kaibigan. Mga maling number na natayaan sa lotto. At mga desisyon na nagawa ko na humantong sa pagiging ako sa ngayon. Madami pa akong kwento ngunit hanggang dito na lang. Siguro alam ko naman the world doesn't care. Pero hindi ito dahilan para hindi sumabay sa agos ng buhay at muling bumangon. Life goes on.
11/28/12 11:25 PM - 11:42 PM Isinulat habang nakikinig ng radyo.