It's more fun in the Philippines. It's more fun in Anilao-Ligaya, Mabini, Batangas!
An adventurous gateway to Mt. Gulugod Baboy (Mt. Pinagbanderahan)
Dumating ang araw na pinakahihintay namin (My 3rd Mountain to be conquered), ang akyatin ang Mt. Gulugod Baboy sa Anilao, Mabini, Batangas. Based sa ginawa kong itinerary sa tulong na din ng mga source sa Internet, ang assembly time namin sa Cubao Bus Station ay 9:00 AM ngunit dahil sa Filipino Time ika nga nila ay naging 10:40AM ito. Actually, pareho kaming dalawa ng kasama ko na wala pang tulog dahil pareho kaming galing duty (work). Sa isip-isip ko, sa bus na lang ako babawi ng tulog dahil almost 2 hours din naman ang byahe pero hindi din ako nakatulog (Malas). Ganap na 1:09 PM ng tanghali nang makarating kami sa Batangas City Bus Terminal. Maganda ang panahon noong mga oras na yun sapagkat hindi tirik ang araw at mainit. Mula dito ay sumakay kami ng Jeep byaheng Anilao, Mabini, almost 40 minutes ang tinagal ng byahe namin papuntang Anilao, Mabini. Habang nasa byahe ay may nakausap kaming taga-Mabini (taga-Quezon City din siya sa Manila), natanong niya kung san kami pupunta. Sinabi namin na sa Mt. Gulugod Baboy ang lakad namin at sa Philpan Dive Resort ang daan namin base na din sa itinerary namin. Sinabi niya na may mas mabilis na daan papunta sa Mt. Gulugod Baboy, almost 20 minutes lang daw ito at nasa taas na kami pero kung gusto daw namin magpakahirap ay doon daw kami dumaan sa Philpan Dive Resort kasi mas matagal daw dun. As part of itinerary, ito pa din ang sinunod namin at mas challenging ito compare dun sa sinaggest ni Ate. Nagpasalamat na lang kami sa kanya at bumaba na sa Anilao, Mabini.
For more pictures click here |
Ganap na 2:05 PM na nang makarating kami sa Anilao, Mabini. Late na kami nag-lunch. Syempre kapag dadayo o pupunta ka sa isang lugar, hindi mo palalagpasin ang specialty or Cuisine Version ng isang lugar. Mula dito ay tinikman namin ang Bulalo at Goto (Batangas Version) Ala eh! Biruin mo yung pagkasarap-sarap.
Masarap ang pagkakaluto ng Bulalo sapagkat napakalambot ng laman ng Baka. Nagulat ako sa Goto kasi ang inaasahan namin ay yung Goto (Lugaw kung tignan) pero ibang klase ang version ng Batangas. Ala eh! Talagang masarap!
3:20 PM nang magsimula ang aming adventure sa isang long paved trail. Ika nga nila "Don't underestimate a Mountain", sa totoo lang madaling ang trail na ito ngunit nakakapagod sapagkat pataas ito at medyo may kahabaan. Dito pa lang pinagpawisan na agad kami sa kabila ng magandang panahon. Laging sambit ng kasama ko "Matagal pa ba tayo?" Tugon ko naman "Kakasimula pa lang natin"
Along the trail, may nakasalubong kaming mga local na may dalang kambing na patay. Sabi nila sumabit daw ito kaya namatay, pero nakita namin na may laslas ito sa bandang leeg.
Finally, natapos din kami sa Paved Trail. Simula na nang tunay na trek. Excited talaga kami, lalo na ako dahil gusto ko talaga makita ang view from the summit. Nagpatuloy kami sa pag-akyat. Ok ang trail dito sapagkat established na ito, susundan mo na lamang ito. May part nga lang dito na may matataas na damo at nag-cross na daan. |
Capture Only Memories, Leave No Traces
Looking for more adventures, read about:
Pagsanjan Falls
Mt. Batulao
Mt. Humarap (Tatlong Krus) and Matabungka Falls
Hundred Islands
Actual Itinerary - Mt. Gulugod Baboy (Mt. Pinagbanderahan)
As of December 7-8, 2013
Anilao-Ligaya, Mabini, Batangas
Jump-off point: Philpan Dive Resort, Anilao, Mabini
LLA: 13°42'55"N; 120°53'43"E; 525 MASL
Days required / Hours to summit: Half-day / 1-2 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 2/9, Trail class 1-2
Features: Scenic views of Batangas Bay and Balayan Bay
Source: pinoymountaineer.com
DAY 1: December 7, 2013 Saturday
10:40 Assembly JAM Bus Station (Batangas City-bound), Kamuning near GMA Network Center
11:02 ETD Cubao Bus Station to Batangas City Bus Terminal
13:09 ETA Batangas City Bus Terminal.
13:10 ETD to Mabini. Take jeep to Anilao, Mabini, Batangas.
***Take/Hire a Jeepney to Philpan Dive Resort in Anilao*******
or
***Ride a Jeepney to Mabini then take a tricycle to Philpan Resort, fare is Php50.00/px (Subject
to change) one way.
14:05 ETA Anilao, Mabini, Batangas. Late Lunch Bulalo and Goto. Rest and Photo Ops.
15:00 ETD to Philpan Dive Resort.
15:18 ETA to Philpan Dive Resort. Mountaineer's Registration. Jump-off point for the trail up
the mountain.
***Register and pay a fee of Php 20.00/px (Subject to Change) per person at the jump-off
point.Last minute check/Pray for our safety.
15:20 Start of trek.
16:30 Arrive at the summit
*****Exploration, Photo Ops, Pinch Tent, Prepare Dinner *******
18:00 Prepare dinner
19:00 Dinner/Socials
21:30 Lights Off
DAY 2: December 8, 2013 Sunday
05:00 Wake up call, Prepare Breakfast
06:30 Break Camp, Photo Ops
07:43 ETD Summit
08:43 ETA Paved Trail near Philpan Dive Resort. Rest, Chitchat and eat Halo-halo, Pulboron and
drink fresh buko juice
09:30 ETA Philpan Dive Resort, Eat Lomi and Gising-gising at Balayan View Restaurant and Swim
11:20 ETD Philpan Dive Resort to Diversion Rd.
12:25 ETA Diversion Rd.
12:33 ETA Batangas City Bus Terminal
12:40 ETD Batangas City Bus Terminal to Manila
14:32 ETA Manila
Expenses:
Transportation
Manila (Kamuning, Cubao) to Batangas Jam Liner Bus Php 165.00/px
Batangas City Bus Terminal to Anilao, Mabini Jeep Php 33.00/px
Tricycle to Philpan Dive Resort Php 50.00/px
Tricycle to Anilao Php 50.00/px
Jeep from Diversion Rd. to Batangas City Bus Terminal Php 29.00/px
Batangas City Bus Terminal to Manila Alps Bus Php 175.00/px
Food
Foods (Self Contribution) Php 200.00
Goto Php 60.00
Bulalo Php 150.00
Lomi Php 40.00
Gising-gising Php 100.00
Rice 2pcs Php 12.00/pc (Php 24.00)
Halo-halo Php 25.00
Fresh Buko Juice Php 10.00
Snack Foods Php 100.00
Pulboron Php 5.00
Registration
Mountaineer's Registration Php 20.00
OPTIONAL SIDE TRIPS:
Option 2: Sombrero Island
Option 3: Maricaban Island
Option 4: Marine Sanctuary