It's more fun in the Philippines. It's more fun in Cuenca, Batangas
An adventurous gateway to Mt. Maculot
Hindi ko maintindihan pero bigla kong naisip at bigla akong nakaramdam nang pagnanais na marating ang Mt. Maculot pati na din ang tanyag nitong Rockies. Base sa mga blog, kwento at video na nabasa, napanuod at narinig ko ay napakaganda ng 360 degree view nito sa Rockies. Hindi na ko nagdalawang isip at napag-desisyunan ko na tahakin ang Mt. Maculot.
Katulad ng mga nakaraan kong lakwatsa, mula trabaho ay diretso lakad na ulit. Nag-ayos lang ako ng ng mga gamit na dapat dalhin, napagplanuhan kasi namin (with Travel Buddies: Dave and Jeffrey) na mag-overnight doon.
Nagkita-kita kami ng mga kasama ko sa Balintawak sa ganap na 5:30 AM. Mula dito ay namili kami ng mga pagkain para sa aming hapunan at mga dapat dalhin sa kabundukan. Ganap na 6:12 AM na nang makarating kami sa Jam Liner Bus Station sa Cubao. Hindi kaagad kami nakasakay sa unang biyaheng pa-Lemery sapagkat pagdating namin ay puno na ito. Naghintay kami ng mahigit isang oras bago kami makasakay at sa ganap na 7:07 AM ay lumulan na ito patungong Batangas. Dating gawi, ninais kong samantalahin ang mahigit dalawang (2) oras na biyahe ngunit bigo ako hindi man lang ako nakaidlip. In-enjoy ko na lang ang biyahe habang nag-sasoundtrip.
Pagkatapos nang mahaba-habang biyahe ay maayos naming narating ang bayan ng Cuenca sa Batangas sa ganap na 9:33 AM. Medyo ramdam na namin ang init na nagmumula sa sikat ng araw, pakiramdam namin ay patanghali na ng mga oras na iyon. Mula sa bayan ng Cuenca ay matatanaw mo na agad ang Mt. Maculot. Tila maligayang hinahalina kami ng bundok sapagkat nakiayon ang panahon sa amin. |
Pagkatapos magpa-rehistro, magbayad at mag-photo ops ay natungo na kami sa jump-off. Ganap na 10:16 AM nang marating namin ito. Mula dito ay taimtim kaming nagdasal para sa aming kaligtasan at matagumpay na mapanik ang Mt. Maculot. Tamang Photo ops at Video ops lang kami bago magpatuloy sa paglalakad. Last minute check din ng mga gamit. |
Naging maganda ang pag-akyat namin sa summit noong mga oras na yun sapagkat sinamantala namin ang maaliwalas na panahon bago pa kami ulit abutan ng init. Puro matataas na damo ang aming nadaanan bago kami makarating sa mayabong na forest trail ng bundok. Payapa ang kagubatan ng Mt. Maculot.
Capture Only Memories, Leave No Traces
Looking for more adventures, read about:
Pagsanjan Falls
Mt. Batulao
Mt. Humarap (Tatlong Krus) and Matabungka Falls
Mt. Gulugod Baboy (Mt. Pinagbanderahan)
Mt. Tagapo
Mt. Talamitam
Hundred Islands
Actual Itinerary - Mt. Maculot
As of March 2-3, 2014
Major Jumpoff: Mountaineer's Store, Brgy. 7 "Siete", Cuenca Exit point (traverse): Brgy 5 (to Grotto), Cuenca LLA: 13°55 N; 121°2 E; 706 MASL (Rockies) / 930 MASL (summit)
Days required / Hours to Rockies / summit : 1 day / 1-2 hr / 2-4 hr Specs: Minor, Difficulty 3/9 (Rockies); 4/9 (Traverse) Trail class 1-3.
Features: Scenic views of Taal Lake, rock formations, forests
Source: pinoymountaineer.com
OVERNIGHT HIKE: March 2-3, 2014 (Sunday-Monday)
Day 1
05:30 Meet-up Balintawak
*******Buy foods and some neccessary things*********
06:23 ETA Jam Liner Bus Terminal Cubao
07:07 ETD to Cuenca, Batangas
09:33 ETA Cuenca, Batangas
***Breakfast, Buy foods, Register and pay a fee of Php 20.00/px (Subject to Change) per person at
the Registration Outpost.
10:16 ETA Jump-off
****Last minute check/Pray for our safety.
****Start Trekking*********
12:21 ETA Campsite
*****Pinch a Tent, Exploration, Photo Ops, Video Ops, Chitchat*******
12:45 ETA Rockies
*****Exploration, Photo Ops, Video Ops, Chitchat*******
13:45 ETD Rockies
14:15 ETA Campsite
*****Late Lunch, Exploration, Photo Ops, Video Ops, Chitchat, Rest*******
19:30 Dinner and Social
21:00 Lights off
Day 2
5:30 Wake up Call
*****Breakfast and packed up*******
6:58 ETD to Summit
******Pray for our safety
8:00 ETA Summit
*****Exploration, Photo Ops, Video Ops, Chitchat*******
8:20 ETD Summit - Traverse to Grotto
9:30 ETA Grotto
*****Exploration, Photo Ops, Video Ops, Chitchat*******
10:06 ETD Grotto
10:52 ETA Jump-off
12:54 ETA Taal Lake
*****Rest, Exploration, Photo Ops, Video Ops, Chitchat, Wash up*******
14:35 ETA Jump-off
******Rest, Loming Batangas Break and Wash up
16:54 ETD Cuenca, Batangas
19:21 ETA Metro Manila
Expenses:
Transportation
Bus from Jam Liner Cubao to Cuenca Php 155.00/px (vice versa)
Food/Drink
Adobong atay/Igado Php 35.00
Giniling Php 35.00
Ginataang Langka Php 20.00
Rice 3pcs Php 30.00 (Php 10.00/per cup)
Hot Chocolate Drinks Php 5.00
Halo-halo 2pcs Php 60.00 (Php 30.00/per cup)
Drinking Water 2pcs 1.5 L Php 70.00 (Php 35.00/per 1.5 L)
Cream O Biscuit 3pcs Php 25.00
Loming Batangas 3pcs Php 150.00 (Php 50.00/per bowl)
Registration/Others
Mountaineer's Registration Php 20.00
Wash up Php 15.00/px
Souvener T-Shirt Php 220.00 (Discounted Php 200.00)