It's more fun in the Philippines. It's more fun in Pililia, Rizal.
An adventurous gateway to Mt. Sembrano
- Mark Wellman
Sa mga nakalipas na panahon, may ilang kaso nang nakawan ang naitala na karaniwang nabibiktima ay ang mga mountaineer na nag-oovernight sa nasabing bundok. Sa totoo lang isa ang Mt. Sembrano sa kilala bilang hiking destination ng mga mountaineer na dati ko pang gusto akyatin. Bunsod ng mga balitang nakawan ay nauudlot lagi ang aking plano na bisitahin at panikin ang nasabing bundok. Sa kabila ng mga negatibong ito ay napag-desisyunan ko na bisitahin at panikin na nga ito nang day hike lamang (buo ang loob).
Hindi ko alam pero parang may ibig sabihin. Sa umpisa pa lang nasira na agad ang itinerary na dapat sundin, ang planong assembly time na 6:00AM ay naging 8:15AM (Oo, ang layo ng pagitan). Nakakahiya tuloy kay Dave (naging travel buddy ko na siya sa ilang adventure) na siya ulit na ka-buddy ko sa expedition na ito. Tinanghali kasi ako nang gising dahil na din sa wala pa kong tulog at galing pa sa duty. Buti na lang nagising ako at natuloy pa ang aming adventure kahit alam kong hindi na namin masusunod ang itinerary at matiyagang naghintay sa akin si Dave. Sorry sa matagal na paghihintay Dave!
Ganap na 8:15AM nang makarating ako sa meeting place namin kung saan hinihintay ako nang aking travel buddy na si Dave (hindi naman siya badtrip medyo naiinis lang ngunit natatawa). Mula dito ay agad kaming sumakay nang bus patungong EDSA Crossing. Medyo tumagal din ang aming biyahe dahil sa trapik na kahit na araw nang Sabado ay meron pa din bunsod nang kabi-kabilang road maintenance/repair along EDSA. Ganap na 9:08AM nang makarating kami sa EDSA Crossing, maswerte kami sapagkat agad kaming nakasakay nang Jeep patungong Tanay, Rizal. Akala ko saglit lang ang magiging biyahe namin ngunit nagkamali ako, halos mahigit dalawang (2) oras ang naging biyahe namin patungong Tanay, Rizal pa lang. Hindi tuloy namin naiwasan magbiruan ni Dave na dapat pala sa Batangas na lang kami nagpunta. Mula dito ay namili ako nang aking packed lunch para sa aking pananghalian sa bundok. After mamili ay sumakay kami ulit nang jeep patungong Brgy. Malaya, Pililia, Rizal. May isang grupo ng mountaineer kaming nakasabay. Ganap na 12:00PM nang kami ay makarating ng maayos sa Brgy. Malaya, Pililia, Rizal. Sobrang init nung mga oras na iyon dahil tanghaling tapat at tirik na tirik ang sikat ng araw.
Nagsimula ang aming paglalakad sa kalagitnaan nang tirik na sikat ng araw. Sementado naman ang daan kaya kahit paano ay kaya pa. Hinanap namin ang barangay hall para magparehistro para sa aming pag-akyat sa bundok ngunit napag-alamanan namin na lumagpas na pala kami dito at napakalayo na namin. Nalaman lang namin nang may mapagtanungan kaming locals sa lugar. Talagang nakakadismaya at sumabay pa ang matinding init at sikat ng araw. Dahil sobrang layo na nga namin at talagang mainit na nung mga oras na iyon ay napagpasyahan namin na tumuloy na sa bundok kahit hindi kami nakapagparehistro. Sa umpisa pa lang nagduda na ko na parang may mali. Parang sign na talaga? Huwag tularan!
Maluwag ang campsite dito na maaaring mag-ukupa nang ilang bilang ng tents. Hindi din kami gaano nagtagal sa Manggahan Campsite dahil naghahabol kami ng oras. Bago kami makarating sa lugar na ito ay may naabutan kaming grupo ng mountaineers na aakyat patungong summit at mukhang mag-oovernight sila. May dalawa ding magkasamang mountaineers na katulad namin na mukhang galing naman sa Manggahan Falls at masayang nakipag-kwentuhan sa locals na nasa Manggahan Campsite.
|
Nang makalagpas kami sa entrance ng Manggahan Campsite ay narinig namin ang isang lalaki na nagpapaalam na at uuwi na daw siya. Pareho kami nang nasa isip ni Dave na makakasabay namin ito pababa at iba na nga talaga ang kutob namin dahil na din sa mga insidenteng naiulat sa Mt. Sembrano. Hind sa nanghuhusga kami ng kapwa pero iba talaga ang kutob (instinct) namin at nakakapagduda ang kilos at tingin niya sa amin. Mabilis kaming nag-trail run ni Dave pababa ng bundok, kahit alam namin na pagod na kami ay tuloy-tuloy ang pagbaba namin. Aldrenarine Rush kumbaga! Along the trail nakita ko ang solid na kawayan na ginamit ko before bilang natural trekking pole, agad ko itong dinampot incase na may mangyari. Hindi naglaon ay medyo malayu-layo na ang aming natakbo at dumating sa point na tama at alalay na lakad na lamang ang aming pacing. Pero nagulat ako nang biglang sinabi ni Dave "Tara, bilisan natin andyan na siya!", paglingon ko andun na nga siya ilang metro na lamang ang aming pagitan at kitang-kita ko na tumatakbo siya patungo sa direksyon namin. Oo nakakatakot dahil meron siyang dalang itak at ang aking hawak lamang ay solid na kawayan. Nagpatuloy kami sa pagtakbo at tila nahalata yata niya na aware na kami sa mga nangyayari. Deo Gratias sapagkat malapit na pala kami sa labasan ng kagubatan at may nakasalubong kaming locals at agad kaming nagtanong kung malapit na ba ang labasan habang hinihingal. Nakasabay na namin silang lumabas patungo sa patag na kalsada na may mga bahay na nakatayo. Patuloy pa din kami sa paglingon sa likod pero wala na yung lalaki na humahabol sa amin. Inuulit ko hindi sa panghuhusga, bigla ko lang nagpagtanto na baka gusto kaming holdapin nung lalaki. Ibang-iba kasi talaga ang kutob namin noong mga oras na iyon at maging ang mga pinagkikilos niya. May nabasa din akong ilang blog sa internet na ang masamang loob daw na tumitira ng mga gamit ng mga mountaineer na nag-oovernight ay nagpapanggap lang din daw na mountaineer sapagkat nakasuot ito ng mga branded na gamit. Biglang ko lang naisip na hindi kaya yung dalawang mountaineers na nagtanong sa amin ay sila yung sumasalisi sa mahimbing na pagkakatulog ng mga mountaineer. Sila din kasi yung kakwentuhan nung humabol sa amin. Parang eksena lang sa "Hunger Games" ang mga pangyayari.
Nakarating kami sa barangay hall nang maayos at doon din namin naabutan ang ilang mountaineers na maliligo din bago bumalik sa iba't-ibang lugar na aming pinanggalingan. May mag-ninightrek din na isang grupo na may bilang na limang (5) katao, ang tanging nasabi na lang namin ay "ingat kayo sir". Pagkatapos naming makapaglinis at makapag-ayos ay nagparehistro kami at nag-logout at humingi nang contact number incase of emergency (09307748724 Sir Efren Materiano -Collector). Hindi na namain naireport ang nasabing insidente sapagkat sarado ang mismong barangay hall at walang tao na mag-aasikaso sa amin dahil may paliga noong mga oras na iyon. Yung lugar na pinagliguan namin ay walang tao. Nakapag-parehistro lang kami nung may lalaking lumabas at napagtanungan namin ngunit mukhang busy siya. Konsehal pala siya, mabait siya at maasikaso ngunit nakalimutan ko tanungin ang pangalan niya. Siya din ang tumulong sa amin upang makasakay ng jeep pabalik ng Tanay, Rizal dahil inabutan kami ng last trip doon (7:00PM ang last trip ng jeep sa Brgy. Malaya, Pililia patungong Tanay). Nagpasalamat kami at nagpaalam bago kami tuluyang bumalik pa-Maynila dahil sa maayos na pag-aasikaso sa amin. Habang nasa byahe kami ng jeep ay inaaalala ko ang mga pangyayari. Pinag-uusapan namin ito ni Dave. Pinagmamasdan ko ang kahabaan ng Mt. Sembrano sa kadiliman at nasabi ko na lang sayang ang taglay mong ganda mo kung may mga iresponsableng mga tao ang sumisira sayo. Oo, mali aming ginawa at alam namin na isa sa mga lesson yun.
Sana mapanatili ang kaayusan ng bundok at sana maayos na suportahan ito nang ating gobyerno. Nag-enjoy talaga ako (kami) sa day hike adventure na iyon kahit medyo may muntikang hindi maganda sa amin. Kahit ganun pa man, pakiramdam ko na-relax ako kahit papaano dahil sa napakagandang mga tanawin talaga na nasaksihan ko mula sa summit nito. Pansamantala ulit nakatakas sa ingay at gulo ng lungsod. Sulit ang lakwatsa. More mountains to climb. More places to visit. More memories to be captured and treasured.
Looking for more adventures, read about:
Pagsanjan Falls
Mt. Batulao
Mt. Humarap (Tatlong Krus) and Matabungka Falls
Mt. Gulugod Baboy (Mt. Pinagbanderahan)
Mt. Tagapo
Mt. Talamitam
Mt. Maculot
Mt. Mariveles (Tarak Ridge-Peak)
Hundred Islands
La Mesa Eco-Park
A Photowalk Journey: Manila-Pasay
Proposed Itinerary - Mt. Sembrano
6:00AM - Assembly, Starmall - Crossing
6:30AM – Take a jeep/van going to Tanay, Rizal
8:30AM – ETA Tanay Market (take a jeep bound to Malaya, Pililia)
9:30AM – ETA Brgy. Malaya, Pililia, Rizal (jump-off)
10:00AM – start trek
10:30AM – ETA Campsite
11:30AM – ETA North Peak (Low Peak)
12:00NN – SUMMIT, lunch
12:30PM – Start descent
02:00PM – Campsite, rest
03:30PM – back to jump-off, clean-up, then take a jeep back to Tanay/Manila
07:30PM – ETA Manila
Actual Itinerary - Mt. Sembrano
As of May 17, 2014
Major jump-off: Brgy. Hall of Malaya, Pililla
LLA: 14°23'10"N; 121°21'57" E; 745 MASL
Days required / Hours to summit: 1 day / 3-4 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 3/9, Trail class 1-3
Features: Views of Laguna Lake and Southern Tagalog mountains
Source: pinoymountaineer.com
8:15 - Assembly, Waltermart Munoz-EDSA
9:08 - ETD EDSA Crossing to Tanay, Rizal
11:10 - ETA Tanay, Rizal
(buy packed lunch, take a jeep bound to Brgy. Malaya, Pililia, Rizal)
11:25 - ETD to Brgy. Malaya, Pililia, Rizal
12:00 - ETA Brgy. Malaya, Pililia, Rizal (Jump-off)
********Start Trek**********
13:09 - ETA Riverbed/Lagoon
(Lunch, Wash up, photo and video ops)
13:38 - Resume Trek
14:36 - Manggahan Campsite
(Rest, Drink fresh buko juice, photo ops)
14:52 - ETD Manggahan Campsite
15:36 - ETA North Peak
(Rest, Exploration, Photo and video ops)
16:15 - ETD North Peak to Summit (South Peak)
16:50 - ETA Summit (South Peak)
(Rest, Exploration, Photo and video Ops)
17:10 - ETD Summit
17:59 - ETA Manggahan Campsite
18:30 - ETA Jump-off (Brgy. Malaya)
(Chitchat, Photo ops, Wash up)
20:10 - ETD Brgy. Malaya, Pililia, Rizal
22:30 - ETA Manila
Expenses:
Transportation
Bus from EDSA Muñoz to EDSA Crossing Php 18.00/px (Ordinary Fare)
Jeep from EDSA Crossing to Tanay, Rizal Php 53.00/px
Jeep from Tanay, Rizal to Brgy. Malaya, Pililia, Rizal Php 20.00/px (Vice Versa)
Van from Tanay, Rizal to EDSA Crossing Php 70.00/px
Tricycle Php 20.00 (Php 10.00/px)
Food/Drink
Hot Dog Php 20.00
Rice 2pcs Php 20.00 (Php 10.00/per cup)
Buko Pandan (Palamig) 2 cups Php 6.00 (Php 12.00)
RC Cola Softdrink Php 36.00
Fresh Buko 2pcs Php 15.00 (Php 30.00)
Disposable Spoon and Fork Php 2.00
Registration/Others
Mountaineer's Registration Php 20.00/px
Manggahan Campsite's Registration Php 10.00/px