An Adventurous gateway to Mt. Sipit Ulang and Payaran Falls.
Good Health (Family, Friends and Myself), More Savings, More Freelance Projects and Improving my relationship with God. Ilan lamang ito sa mga bagay na nais kong makamit at syempre MORE TRAVELS this new year. I will travel more!
A New Year Climb. Naimbitahan ako sa isang new year climb sa pangunguna ni Sir Rex, sa madaling salita sabit ako. Hindi din ako makakasabit sa adventure na ito kung hindi ako natulugan ni Sir Ron (Thank you Sir, kung mababasa mo ito alam mo na iyon :).) Magandang panimula ng taon at kahit papaano sa wakas ay nakapagbawas din muli ng bilbil sa tiyan.
Tamang adventure lang ang naging plano kung saan kahit papaano ay makakapag-exercise kami at ma-bu-burn ang mga bilbil na naipon noong nagdaang holiday season. Naganap ang aming climb noong araw ng Sabado kaya inasahan na din namin na medyo madami-dami din ang mga papanik noong araw na iyon sa Mt. Sipit Ulang.
Mt. Sipit Ulang, isa lamang ito sa mga bagong discover na bundok at binuksan sa mga mountaineer na matatagpuan sa Rodriguez, Rizal. Kilala din ito bilang "Crab's Claw Mountain" dahil sa rock formation na tila sipit ng isang alimango na matatagpuan sa summit nito. Ito ay may dalawang trail, ang banayad at paniki trail. Mahahalintulad ko ang Banayad Trail sa new trail ng Mt. Pico de Loro sapagkat mapuno ito at may part din na may mga kawayanan. Ayon sa aming guide na si Kuya Jun, pinangalanan daw ni Sir Gideon (www.pinoymountaineer.com) na "Paniki" ang bagong bukas na trail dahil during their climb ay may mga nakita silang mga paniki na naninirahan sa mga kuweba na parte din ng nasabing trail.
Tinagpo namin ni Sir Mel sina Sir Rex at Jay sa Farmers Plaza Cubao kung saan kami sasakay ng UV Express patungong Rodriguez (Montalban). Mag-i-isang oras din ang tinagal ng aming biyahe mula Cubao patungong Eastwood. Sa Total Gas Station kami bumaba kung saan matatagpuan ang pila ng mga tricycle na pwedeng sakyan patungong Brgy. Mascap. Napakalamig ng mga oras na iyon at ramdam ko ang simoy nang hangin na amoy probinsya. Makalipas ang mahigit fifteen to twenty (15 - 20) minutes na biyahe ay narating din namin ang Brgy. Mascap. Mula dito ay nag-register, nagbayad at kumuha kami ng guide para sa aming hike. Nagkaroon din ng isang maikling orientation tungkol sa Mt. Sipit Ulang, mga dapat at hindi dapat gawin at ilang karatig bundok at side trips na maaaring puntahan.
May river crosssing din dito na during our hike ay gapaa hanggang gabintin ang taas ng tubig. Ngunit sa tuwing tag-ulan ay tiyak na mapanganib ito.
Kakakaliwa pa lang namin ay makikitid na batong matutulis na agad ang bumungad sa amin, halos puro matutulis at matatarik na bato nga ang aming nadaanan, unting pagkakamali mo lang ay siguradong may kalalagyan ka.
Hindi katulad ng ibang bundok na maaaring magkasabay-sabay sa trail patungong summit. Dito kinakailangang magbigayan at magpaubaya sa isa't-isa dahil maihahalintulad sa Monolith ng Mt. Pico de Loro ang trail patungo sa itaas na one way lang. Habang kami ay nagpapahinga, pinagmamasdan namin ang ilang grupo na papanik sa itaas. Tanaw din dito ang mga naglalawakang subdivision ng Rodriguez, Rizal, ilang karatig bundok at maging ang mga nagtataasang mga gusali sa Metro Manila. Bago pa man tuluyang tumirik ang araw at dumami ang mga nagnanais tumuloy sa taas ay pumanik na kami. Nakakamangha ang three hundred sixty (360) degree picturesque view na matatanaw mo mula sa itaas nito. Bagamat nakakalula ay talaga namang namangha ako sa nag-gagandahang tanawin na makikita.
Nakakatawa sa sapagkat nadulas ako during our river crossing at ang masama pa dun ay malapit na ko makatawid sa kabila. Nabasa ang cellphone at pera ko, thank God buti na lang hindi nasira at gumagana pa. Kinantyawan tuloy ako nila Sir Rex at binibiro pa ko na sabihin ko lang daw kung need ko magpahinga at makikinig daw kasi ako kay Strong Mel. Nakakatawa dahil excited ba ko maligo pero ang lamig ng tubig ah. Pagkatapos naming makatawid sa river ay pataas na trail naman ang aming tinahak. Ramdam namin ang haba ng trail patungong falls maaaring dahil sa mahabang patag na lakaran na aming tinahak. Matapos ang mahigit isang (1) oras na lakaran at pagpanik ay narating din namin sa wakas ang Payaran Falls. Ang nasabing waterfalls ay may pitong (7) series ngunit during our adventure, hindi na kami nagtungo sa pinakahuli at pinakamataas dahil napakadaming tao noong mga oras na iyon. Dito na din kami kumain ng aming lunch, nagpahinga, nagpalamig at nagpalipas oras. Nakakaantok ang anggi ng tubig na malamig na nagmumula sa Waterfalls.
Looking for more adventures, read about:
Pagsanjan Falls
Boracay: The flagship beach destination of the Philippines
The Waterfront Beach Resort
Bohol Escapade: The Voyage of Life
Where to Dine and Stay in Bohol, Philippines
Mt. Batulao
Mt. Humarap (Tatlong Krus) and Matabungka Falls
Mt. Gulugod Baboy (Mt. Pinagbanderahan)
Mt. Tagapo
Mt. Talamitam
Mt. Maculot
Mt. Mariveles (Tarak Ridge-Peak)
Mt. Sembrano
Mt. Balagbag and Kaytitinga Falls
Mt. Pico de Loro (Mt. Palay-Palay) and Boracay de Cavite (Katungkulan Beach)
Mt. Tabayoc, Mystical Lakes (Tabeo, Ambulalakao, Letep-ngapos, Incolos) and Junior Pulag
Hundred Islands
La Mesa Eco-Park
A Photowalk Journey: Manila-Pasay
Manila Seedling Bank: Nature is the art of God
Bakit karamihan sa mga namumundok walang lovelife?
Aking Diwata
May Forever sa Bundok (Finding Neverland and Love at First Sight)
Rodriguez, Rizal
Major jumpoff: Brgy. Mascap, Rodriguez, Rizal
LLA: 14°45′20.7′′ N, 121°10′38.2′ 252 MASL (+210m)
Days required / Hours to summit: 1 day / 2-3.5 hours
Specs: Minor, Difficulty 3/9 (Paniki Trail), Trail class 1-4 with limestone scrambling
Features: Limestone formations, scenic views of Wawa
Source: pinoymountaineer.com
Proposed Itinerary
04:00 Meet-up in GMA Network Center.
05:00 ETD Cubao
06:00 ETA Eastwood. Ride a tricycle
06:30 ETA Brgy. Mascap. Register. Secure Guide. Prepare.
07:00 Start trek to Mt. Sipit Ulang via Paniki trail.
10:15 ETA Mt. Sipit Ulang Summit. Explore.
10:45 Start descent
12:00 ETA in a Eatery. Lunch.
12:30 Trek to Payaran Falls
02:00 ETA Payaran falls. Explore.
02:30 Back to jump-off
04:00 ETD Jump-off. Tidy up
05:00 Logout in Registration area. Back to Manila
Actual Itinerary
As of January 9, 2016
05:00 Meet-up in Farmers Cubao.
05:55 ETD Cubao to Eastwood (Total Gasoline Station)
06:47 ETA Eastwood. Ride a tricycle
07:13 ETA Brgy. Mascap.
*******Register. Secure Guide. Orientation and Preparation******
07:30 Start trek to Mt. Sipit Ulang via Paniki Trail (Super Trail)
09:45 ETA Mt. Sipit Ulang Summit
*****Chitchat, Photo and Video Ops, Explore****
10:30 Start Descent to Brgy Mascap via Banayad Trail
11:15 ETA Brgy. Mascap
******Rest and Drinking Soft drink******
11:20 Start trek to Payaran Falls
12:25 ETA Payaran falls.
*****Explore, Photo and Video Ops, Lunch, Freshen Up******
02:15 Back to jump-off
03:20 ETD Jump-off.
******Tidy up and Log-out to the registration*******
04:00 Back to Manila
Expenses:
Transportation:
UV Express Cubao – Eastwood (Total Gasoline Station) – Php 50.00/pax (Vice Versa)
Tricycle Eastwood Gasoline Station to Brgy. Mascap – Php 150.00/4pax = Php 38.00 (Vice Versa)
Food and Drinks:
Sprite Soft drink 1.5L – Php 60.00/4pax = Php 15.00
Lumpia Shanghai with Java Rice (Nid’s Binalot) plus extra java rice = Php 61.00
Other Expenses:
Guide (Mt. Sipit Ulang) – Php 400.00
Guide Sidetrip to Payaran Falls – Php 200.00 (It’s up to you)
****According to the Brgy. Masacap Eco-Tourism Management, the Guide Service Payment anytime might change soon due to the completion of Super Trail.*****
Tidy Up – Php 20.00
Environmental Fee – Php 50.00