An Adventurous gateway to Mt. Tabayoc, Mystical Lakes and Junior Pulag.
Karamihan sa mga lugar na pinagdalhan nang aking mga makakating paa ay sa CALABARZON. Halos lahat yata nang lakwatsa ko ay doon nangyari, maaaring dahil sa malapit lang ito sa Metro Manila at budget friendly pa.
After Mt. Pico de Loro adventure, napag-isip-isip ko na baka Ber Months na ulit masundan ang lakwatsa dahil magtatag-ulan na. Ngunit biglang nagyaya sila Sir Rex na pumanik ng bundok at sa Cordillera pa! Dahil hindi din ako nakasama sa kanilang Sagada adventure ay hindi na ko nagdalawang isip pa na hindi sumama dahil sa minsan lang ito at hindi pa ko nakakarating doon, nakakahiya at nakakatawa man pero maging ang Baguio ay hindi ko pa nasisilayan. Sinabi din ni Sir Rex na kahit hindi daw kami sumama ni Byaherong Kaskasero (Rommel) ay tutuloy pa din daw sila nila Sir Jester at ilang barkada nila. Dahil sila ang organizer ng lakwatsang ito, ang napili nilang akyatin ay ang Mt. Tabayoc at sidetrips sa apat na mystical lakes (Tabeo, Ambulalakao, Letep-ngapos at Incolos) at ang tinatawag na Junior Pulag.
At dahil long weekend, dagsa-dagsa ang mga pasahero sa mga terminal ng bus at ang unang kamalasan na nangyari sa amin ay ang pagkalimot na magpa-reserve ng biyaheng patungong Baguio. Mula opisina ay nagbakasakali kaming tumawag sa ilang terminal ng bus sa Cubao kung may vacancy pa pa-biyaheng Baguio ngunit bigo kami dahil fully booked na daw at kinabukasan pa daw ng 5:00 PM magkakaroon ng biyahe. Ang saklap, noong mga oras na iyon ay nagbibiruan na kami na sa Mt. Maculot na lang kami umakyat. Ngunit may isa pa kaming option upang makarating sa Baguio, ito ay ang mag-cutting trip patungong Pangasinan at mag-biyahe patungong Baguio pero hindi din ito nangyari dahil nakatawag yata sila Sir Rex sa Dagupan Bus Terminal sa Cubao at may biyahe pa patungong Baguio. Swerte! Sa byahe na lang kami babawi nang tulog ni Byaherong Kaskasero (Rommel) dahil galing pa kaming duty. Actually, nag-undertime pa ko (:P) para lang huwag maiwan. Ganap na 11:00 PM ang napag-usapang meet-up sa Dagupan Bus Terminal sa Cubao. Grabe ang dami at pila ng mga taong magsisiuwian sa kanya-kanyang mga probinsya, halos mag-aaapat na oras kaming matyagang pumila at naghintay matuloy lang lakad na ito kaya nung makasakay kami ng bus ay ang sarap sa pakiramdam at laking ginhawa. Senyales na tuloy nga ang aming adventure sa Mt. Tabayoc! Matapos ang tamang kwentuhan sa bus habang nasa biyahe ay biglang nagsipag tahimikan na lang ang lahat dahil kanya-kanyang idlipan na para may enerhiya sa pag-akyat.
Muli kaming inabot nang kamalasan dahil hindi na kinaya nang makina ng bus ang patarik na kalsada patungong Baguio, mahigit isang oras na lang ay nandoon na sana kami. Napilitan tuloy kaming maghintay sa ibang bus na lululan sa amin patungo sa nasabing lugar. Matapos ang ilang kamalasan at mahabang biyahe ay nakarating kami nang maaayos sa Baguio. Mula dito ay hinati namin sa dalawa ang aming grupo (Unang Grupo: Bibili ng mga pagkain na aming lulutuin, inumin at ilang bagay na kakailanganin namin sa bundok. Ikalawang Grupo: Magpapa-reserve sa terminal ng bus pabalik ng Maynila.) upang sa ganun ay hindi tuluyang masira ang sinusunod naming itinerary at hindi kami maiwan ng minibus patungong Benguet. Muling nagkita-kita ang aming grupo sa Slaughter House kung saan naghihintay sa amin ang isang minibus na lululan sa amin patungong Brgy. Ballay, Kabayan, Benguet. Halos puno na nang pasahero ang nasabing bus na bukod tanging ito lamang ang nag-iisang may biyahe patungong Brgy. Ballay nang kami ay makarating. Nagbakasali kaming makarenta ng van o jeepney ngunit mahal ang singil sa amin kaya napilitan kaming sumakay na sa minibus kahit nakatayo na lang kami. Aaminin ko, kahit alam kong aabutin kami nang ilang oras na nakatayo sa biyahe, mapapagod at mangangawit ay nag-enjoy ako sa kadahilanang first time ko makasakay sa minibus (provincial bus na ang ruta ay doon lang at hindi yung bus na makikita sa syudad) at syempre dahil sa nag-gagandahang view na makikita mo. Talagang sinisilip ko sa siwang ng bintana ang view kahit nakatayo ako, medyo nakakatakot at nakakakaba lang dahil sa matatarik na bangin ang makikita mo. Sa katagalan ng biyahe ay unti-unti kong naramdaman ang pagkahilo dahil sa siksikan sa loob ng bus, hindi sapat na tulog, zigzag na daan (isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi ako kumakain sa biyahe lalo na't may ganitong dadaanan) at init sa loob ng bus. Buti na lang nakarating kami sa stopover kung saan agad kaming bumaba upang magpahangin at bumili nang makakain. Napakaganda ng view, makikita mo ang pine trees na nasa paligid lang ng bangin. Makalipas ang ilang minutong pagpapahinga at pagpapahangin ay nagpatuloy na kami sa aming biyahe ngunit wala pang isang oras ang nakakalipas ay minalas ulit kami dahil na-platan ng gulong ang minibus na aming sinasakyan.
Malakas ang ulan at ang lamig ng ihip ng hangin noong mga oras na iyon. Wala pang ilang minuto nang mapansin namin na medyo bumaba na ang mga ulap na nakakaapekto sa visibility ng daan. Hindi naman nagtagal ang malakas na ulan at unti-unti na itong humina hanggang sa maging ambon na lang. Unti-unting sumulyap ang haring araw sa kalayuan na tila nagtago sa sea of clouds. Along the trail ay makikita mo ang ilang hagdan-hagdang taniman ng mga gulay katulad ng carrot, repolyo at marami pang iba. Aming napansin ang ilang gulay na nakatihaya lamang sa daan at sa taniman, sabi sa amin ni Sir Josiah ang aming guide ay mga rejected na klase na daw yun pero pagdating ng Manila ay mahal pa din daw yun. Totoo at tama nga siya, ang mura ng mga gulay doon at pagdating sa Manila ay may patong na nga ito. Dahil rejected at nagkalat lang sa daan ay kumuha lang kami ng ilang piraso upang isahog sa aming lulutuin. Sabi ni Sir Josiah ay ok lang naman daw dumampot dahil mga rejected na iyon at iyong mga locals doon ay ibinibigay lang daw yun ng libre lalo na kung bisita ka lang sa lugar. Sementado ang unang parte ng trail na may kahalintulad sa Mt. Gulugod Baboy at magiging rocky road na parang sa Mt. Tapulao base sa mga picture at video na nakita ko at hanggang sa maging sementado ulit ang daan patungong Tabeo Lake. Along the trail din ay masisilayan mo ang Mt. Pulag, Mt. Al-al at ilang karatig bundok ng Cordillera.
Matapos ang ilang minutong lakadan ay maaayos naming narating ang Tabeo Lake na nagsisilbing basecamp. May isang grupo kaming naabutan doon at na nakapag-camp na din. Noong mga oras na iyon ay masaya kaming nagbibiruan kung saan kami magtatayo ng tent at nang biglang may mag-offer sa amin na locals doon na rent ng bahay kasama na tubig (hugas, ligo at ihi/dumi), kuryente at pagluluto sa halagang Php 150.00 per head. Oo ang mura na kung iisipin kaya kahit may mga dala kaming tent ay kinuha na namin ang offer na iyon dahil mas comfortable ito at kahit papaano ay tulong na din sa locals. Si Lola pala ang may-ari ng bahay na kilala ng guide namin. Mabait siya ngunit may house rules lang siya sa kanyang pinaparentahang bahay, ilan sa mga ito ay ang: ayaw niya na may nag-iinuman na parang wala ng kinabukasan at nagsisigarilyo sa loob ng bahay. Sabagay mukhang healthy living ang mga taong nakatira doon dahil sigurado ako gulay ang pangunahin nilang pagkain. Pagkatapos namin na mag-ayos nang kanya-kanyang mga gamit ay nagluto na kami (sila pala :p), photo/video ops at ako naman ay sinamantala ang magandang panahon upang makakuha ng magandang larawan bilang souvenir sa adventure na ito.
Mossy Forest up to the summit! Ika nga ni Sir Rex ang dami ko daw first time experiences sa adventure na ito. Madaling araw pa lang ay nagsimula na kami sa pag-trek, pagkalagpas namin sa Tabeo Lake ay agad na bumungad sa amin ang trail na puro halaman agad. Sa gitna nang dilim at tila liwanag lamang ng head lamps at flash lights namin ang nagbibigay tanglaw sa aming daan ay bigla kong naisip na kung dito ko na ba ma-eencounter ang green viper na minsan nabasa at nakita ko sa ibang blog. Panay tingin ako sa mga halaman at mga puno, grabe talaga ang ganda at yaman ng gubat na ito dahil makapal pa ang kagubatan nito at kung wala kang kasamang nakakaalam ng daan ay siguradong maliligaw ka. Malaking tulong ang malamig na klima sa pagpanik namin dahil ramdam ko sa sarili ko na hindi agad ako nakaramdam ng pagkapagod kumpara sa mga previous hike ko na expose sa init ng araw na talagang mapapainom ka ng madaming tubig. Dagdag pa ang mga naglalakihang mga sanga at ugat ng mga puno na malaking tulong sa pag-akyat.
Sabi ng guide namin na mabilis daw ang pacing namin kahit papaano pero kailangan naming mag-double time sa pag-akyat kung gusto naming abutan ang Sea of Clouds na tinatawag. Sa pagtahak namin may pagkakataon na hindi maiwasan ang pagkadulas dahil sa mossy ang trail nito. Pagkatapos nang aming monkey trail adventure ay matagumpay naming narating ang summit ng Mt. Tabayoc at ang viewdeck nito. Dati daw ay wala pa daw itong viewdeck at talagang wala kang makikita sapagkat mayayabong na puno at halaman ang namamayani sa bundok na ito. Kahit papaano ay umabot kami sa sunrise dahil noong mga oras na iyon ay maaga sumikat ang araw.
Looking for more adventures, read about:
Pagsanjan Falls
Boracay: The flagship beach destination of the Philippines
Mt. Batulao
Mt. Humarap (Tatlong Krus) and Matabungka Falls
Mt. Gulugod Baboy (Mt. Pinagbanderahan)
Mt. Tagapo
Mt. Talamitam
Mt. Maculot
Mt. Mariveles (Tarak Ridge-Peak)
Mt. Sembrano
Mt. Balagbag and Kaytitinga Falls
Mt. Pico de Loro (Mt. Palay-Palay) and Boracay de Cavite (Katungkulan Beach)
Hundred Islands
La Mesa Eco-Park
A Photowalk Journey: Manila-Pasay
Manila Seedling Bank: Nature is the art of God
Bakit karamihan sa mga namumundok walang lovelife?
Aking Diwata
May Forever sa Bundok (Finding Neverland and Love at First Sight)
Benguet and Ifugao
Major jump-off: Major jump-off: Brgy. Ballay, Kabayan, Benguet
LLA: 16.7000° N; 120.88333° E
Elevation: 2842 MASL
Days required / Hours to summit: 2-3 days /4-6 hours
Specs: Major climb, Difficulty 6/9, Trail class 2-4
Luzon's 2nd highest mountain and 6th in the Philippines.
Source: pinoymountaineer.com
Suggested Itinerary/Proposed Itinerary - Mt. Tabayoc
Day 1
12AM - Meet up Victory Liner Cubao
1AM - ETD Manila (baguio 450 pesos)
7AM – ETA Baguio city (victory liner terminal) , Slaughterhouse is 1hr walk or taxi pay 60 pesos+
9AM – ETD Slaughter house, Norton bus P155pesos
2:30PM ETA Brgy. Ballay. Preparation of fees
3PM Start Trek
4PM ETA Lake Ambulalakao Jump off
4:20PM ETA Lake Ambulalakao
4:35PM ETA Lake Letep Longos
4:45PM ETA Lake Incolos
5PM ETA Junior Pulag
5:30PM ETA Lake Tabeo
(set camp,dinner ,socials)
Day 2
2AM – Wake up call
3:00AM – Start Trek
4:30AM – ETA peak 1
6:00AM – ETA Mt. Tabayoc Summit 2845MASL
7AM – Start Descend
8:30AM – ETA Lake Tabeo (pack up)
9AM – ETD lake Tabeo walk in Habal-habal
9:30AM – ETD habal habal
10:30AM – ETA Van Station Kabayan Central
4PM – ETA Baguio City
7PM – ETD Baguio
Day 3
12AM – ETA Quezon City
Actual Itinerary - Mt. Tabayoc
As of May 1-3, 2015
Day 0 - Thursday
11PM - Meet up Dagupan Bus Terminal Cubao
Day 1 - Friday
230AM - ETD Manila to Baguio City (Php 455 pesos)
730AM – ETA Baguio City (Victory Liner Terminal)
*******Divided the team into 2: Bought foods, drinks and some stuffs, make a bus reservation to Manila*******
810AM- ETD to Slaughterhouse (Estimated 1 hourr walk or ride a taxi for Php 50.00 +)
930AM – ETA Slaughter House
1037AM – ETD to Slaughter house to Brgy. Ballay, Kabayan, Benguet
********Ride a (Norton or A-Liner Bus bound to Kabayan) for Php 145.00************
15:30PM ETA Brgy. Ballay, Kabayan, Benguet (Jump-off) to Tabeo Lake (Campsite)
*******Register, pay the registration and environmental fee and look for your arrange guide*******
*******Final Preparation**********
15:50PM Start Trek
16:35PM ETA to Tabeo Lake (Campsite)
*******Rented a small house for Php 150.00/pax offered by our guide/local (Included: Water and Electricity Consumption, Cook, Freshen-up or Take a bath*****
**********Fix our things and some stuffs*********
********Preparing our dinner and some stuffs for the socials******
*********Exploration, Photo and Video Ops*******
*********Freshen Up or Take a quick bath*******
18:05PM Dinner
20:00 PM Socials
********Story Telling and some horrific experiences***********
2300PM Sleep
Day 2 - Saturday
1:20AM – Wake up call
*******Quick Breakfast or Coffee Break******
2:00AM – Start Trek
4:30AM – ETA Peak 1
*********Rest, Chit Chat, Photo and Video Ops*****
5:40AM – ETA Mt. Tabayoc Summit/View Deck
*********Exploration, Rest, Chit Chat, Photo and Video Ops*****
6:10AM – Start Descend
8:55AM – ETA Lake Tabeo (Campsite)
***********Breakfast**********
***********Rest and Nap******
1030AM – ETD to Four Lakes (Tabeo, Ambulalakao, Incolos and Letep – ngapos) and Junior Pulag
******* Estimated 20-30 Minutes each gap between each lakes********
13:30PM – ETA Lake Tabeo (Campsite)
******Exploration, Photo/Video Ops, RestPack Up, Clean up and Freshen Up******
14:15AM – ETD Lake Tabeo (Campsite) to Baguio City (Victory Liner Bus Terminal)
2035PM – ETA Baguio City
********Dinner at Taste Good Restaurant********
******** The team divided into 2 again: Exploring Baguio City and have a visit to Sir Christian's House*******
Day 3 - Sunday
12:30AM ETA Victory Liner Bus Terminal (Baguio City Terminal)
1:30 AM ETD Baguio City to Manila
6:30 AM ETA Victory Liner Bus Terminal (Cubao Terminal)