It's more fun in the Philippines. It's more fun in Talim Island, Binangonan, Rizal
An adventurous gateway to Mt. Tagapo (Mt. Susong Dalaga)
Ngayong bagong taon napagplanuhan na magkaroon ng day hike climb sa Mt. Palay-Palay o mas kilala sa tawag na Mt. Pico de Loro ngunit hindi ako nakasama dahil nagkasakit ako (Wrong timing talaga). Nakakadismaya sapagkat yun pa naman ang magsisilbing New Year Climb ko dahil sa unang buwan nang panibagong taon. Hindi ko maintindihan pero bigla kong naramdaman na gusto kong gumala sa rest day ko. Marahil dahil sa pagkadismaya ko na hindi ako nakasama sa Mt. Pico de Loro at dahil na din siguro sa stress. Napagplanuhan ko na akyatin ang Mt. Tagapo o Mt. Susong Dalaga (sapagkat sa korteng dibdib ng babae ang hugis nito) kasama ang aking travel buddy na si Joviner kinabukasan na malapit lang sa Metro Manila at swak na swak sa budget. Sa totoo lang last year ko pa gusto akyatin at marating ang bundok na ito ngunit hindi ako matuloy-tuloy, pero ngayon natupad ko na. Binibiro nga ako nang iba na baka maging laman ako ng mga balita at matagpuan na lamang na nilalanggam na (alam mo kung anong tinutukoy ko).
Ang akala ko, mangyayari na ang first solo climb ko ngunit hindi pa pala yun mangyayari sapagkat sinamahan ako ng aking kaibigan. Mula duty ay umuwi ako ng bahay upang mabilisang mag-ayos ng gamit na dadalhin at tagpuin ang aking travel buddy. Tuloy pa din ang adventure kahit wala man lang idlip o pahinga. Ang tanging nasa isip ko lang nung mga oras na yun ay mag-eenjoy, mare-relax at magbubunga ang lahat ng paghihirap ko (namin).
Ganap na 5:30 AM nang magkita kami ng aking travel buddy. Tama at mabilisang ayos lang ng gamit ang ginawa ko sapagkat day hike lang naman ang plano. Ganap na 6:30 AM na nang lisanin namin ang bahay upang magtungo na sa Mt. Tagapo. Excited kami lalo na ako kahit wala pang tulog. Ganap na 7:62 AM nang makarating kami sa EDSA Crossing upang sumakay nang Jeep biyaheng Binangonan, Rizal. Halos isang oras kaming naghintay bago umalis ang jeep patungong Binangonan, Rizal. Pinupuno kasi ang mga Jeep dito bago bumiyahe. May mga nakasabay din kaming malalaking grupo ng mga Mountaineer na mag-oovernight sa Mt. Tagapo. Ganap na 8:35 AM na nang umalis ang Jeep sa terminal. Buti pa ang kasama ko kahit papaano ay nakaidlip sa biyahe. Nung mga oras na yun ay hindi ako makaramdam ng antok, nag-soundtrip (buti na lang lagi kong dala si ipod shuffle) na lang ako upang malibang at hintaying makarating kami sa Binangonan Port. Medyo mainit na din nung mga oras na yun dahil sa sikat ng araw. Ganap na 9:41 AM nang makarating kami ng maayos sa Binangonan Port. Napangiti ako agad sa mga nakita kong ibon na nagliliparan sa mga bangka. Kahit papano ay nag-iba ang ihip at simoy ng hangin. Bago kami sumakay ng bangka patungong Talim Island kung saan matatagpuan ang Mt. Tagapo ay naglibot muna kami sa bayan upang mamili ng aming kakaining pananghalian.
Naagaw ang atensyon ko nang lumang simbahang ito sa bayan ng Binangonan. Isa lamang ito sa mga simbahan na luma, maganda at may kaakibat na istorya na makikita sa ating bansa.
For more images, just click here |
ADVERTISEMENT
Hindi nagtagal ay nauna na kami sa grupo ng mga mountaineer dahil pansamantalang nagpahinga ang mga ito.
Along the trail, may nakasalubong kaming bata at guide pala ito ng isang grupo din ng mga mountaineer. Masyadong mabait yung bata, biruin mo hindi naman namin siya guide eh itinuturo niya sa amin ang tamang daan na dapat naming tahakin. Dagdag pa nga niya sumabay na lang daw kami sa Tito (Guide din) niya na nasa taas na. |
Nag-enjoy talaga ako (kami) sa day hike adventure na iyon. Kahit alam kong wala pa kong tulog, pakiramdam ko na-relax ako. Pansamantala ulit nakatakas sa ingay at gulo ng lungsod. Sulit ang lakwatsa. More mountains to climb. More places to visit. More memories to be captured and treasured.
Capture Only Memories, Leave No Traces
Looking for more adventures, read about:
Pagsanjan Falls
Mt. Batulao
Mt. Humarap (Tatlong Krus) and Matabungka Falls
Mt. Gulugod Baboy (Mt. Pinagbanderahan)
Hundred Islands
Actual Itinerary - Mt. Tagapo (Mt. Susong Dalaga)
As of January 11, 2014
Talim Island, Laguna de Bay
Major jump-off: Brgy. Janosa (Talim Island) Binangonan, Rizal
LLA 14.32° N 121.23° E, 438 MASL
Days required / Hours to summit: 1 day / 2 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 2/9, Trail class 1-2
Last updated: April 23, 2012
Source: pinoymountaineer.com
DAY HIKE: January 11, 2014 Saturday
05:30 Meet-up Balintawak, Quezon City
06:30 ETD EDSA Crossing
07:62 ETA EDSA Crossing
*****Ride a Jeep bound for Binangonan, Rizal******
08:35 ETD to Binangonan Port
09:41 ETA to Binangonan Port
*****Buy packed foods for lunch and also for trail foods******
*****Ride a boat bound for Brgy. Janosa in Talim Island****
11:17 ETD to Brgy. Janosa, Talim Island
12:44 ETA Brgy. Janosa (Jump-off) Mountaineer's Registration. Jump-off point for the trail up
the mountain.
***Register and pay a fee of Php 20.00/px (Subject to Change) per person at the jump-off
point.Last minute check/Pray for our safety.
12:45 ETD Jump-off
****Start Trekking*********
15:00 ETA Summit
*****Exploration, Photo Ops, Video Ops, Lunch*******
15:24 ETD to Jump-off
16:35 ETA Brgy. Kaytome (It should be Brgy. Janosa (Jump-off))
******Chitchat with the locals, Photo Ops and Video Ops*****
17:35 ETD to Binangonan Port
19:24 ETA Binangonan Port
19:24 ETD Binangonan Port to Metro Manila
20:54 ETA EDSA Crossing
Expenses:
Transportation
Balintawak to EDSA Crossing via Ordinary Bus Php 19.00/px (vice versa)
Jeep from EDSA Crossing to Binangonan, Rizal Php 41.00/px (vice versa)
Boat from Binangonan Port to Brgy. Janosa, Talim Island Php 30.00/px (vice versa)
Food
Jollibee Chicken Joy with Regular Soft Drinks Php 79.00 each (2 pcs)
Rice Php 20.00 (2 pcs)
Burger Machine's Burger Php 41.00 (2 pcs)
Registration
Mountaineer's Registration Php 20.00
Guide is not required but it is advisable to get hire for the first timers or to those who are not farmiliar with the trail.