It's more fun in the Philippines. It's more fun in Nasugbu, Batangas
An adventurous gateway to Mt. Talamitam
Biglaang lakad, walang planadong lakad, walang naka-ready na itinerary. Bigla akong napaisip kung saan ba pwede lumakwatsa na malapit lang ulit dito sa Metro Manila. Sa totoo lang madaming magaganda at malalapit na pwedeng dayuhin at pasyalan na nakapaligid lamang sa Manila. Hindi ako makagawa ng itinerary dahil hindi ako makapag-decide kung saan ba talaga buti na lang may lakad na hindi natuloy ang officemate ko at may IT na sila, minor adjustments na lang ang aming ginawa. At ang aming lakad ay sa Mt. Talamitam, Nasugbu, Batangas.
Ang Mt. Talamitam daw ay ang younger sister ng Mt. Batulao na halos magkalapit lang na maaari mong i-twin hike or kung iyong kakayanin ay Trilogy: Mt. Batulao-Mt. Talamitam-Mt. Pico De Loro.
Dahil sa pagkakamali nang sinakyang bus at hindi malinaw na pag-uusap, ang 5:00 AM na assembly time ay naging 5:30 AM (Filipino Time) sa DLTB Bus Terminal Buendia-Gil Puyat. Mula dito ay namili kami ng pagkain para sa aming packed lunch (sa mga walang baon katulad ko na galing pa sa duty at wala pa ulit matinong tulog). Ganap na 5:36 AM na nang lisanin namin ang Metro Manila patungong Nasugbu, Batangas. Gusto ko sanang samantalahin ang mahigit dalawang (2) oras na biyahe para umidlip ngunit bigo ako, ayaw ako dalawin nang antok. Ako kasi yung tao na hangga't maaari ay gusto enjoyin yung view sa paligid habang nag-sosoundtrip, pakiramdam ko mas na-rerelax ako sa ganoong paraan. Buti pa ang mga travel buddy ko, sarap na sarap sa kanilang power nap.
Mula dito ay nagparegister kami (Php 20.00/px Registration Fee) at dito na nga nagsimula ang aming masaya at mainit na adventure. FYI: Required pa din ang Guide sa Mt. Talamitam at ang bayad ay Php 300.00 hindi ko lang alam kung ilan ang maximum persons, huli na kasi nung nalaman namin. Nung nasa registration area pa lang kasi kami tinanong ako nung lalaki kung mag-guguide pa daw kami, sabi ko "hindi na po, tanong na lang po namin yung mga daan". Along the trail mula registration area ay may nakasabay kaming binatilyo akala ko nakasabay lang namin talaga at pupunta kung saan man pero mahaba-haba na din ang aming nalakad ay kasama pa din namin siya. Tinawag niya kong "Sir" at nakutuban ko na nga na guide namin ito. Sa isip-isip ko bibigyan na lang namin siya kahit papaano (dahil hindi naman kami talaga nag-hired ng guide sa registration area, inakala ko voluntary work lang (sino nga naman ang magboboluntaryo na mag-guide paakyat ng bundok na walang bayad, kung meron man ay napakabait niya or hilig niya lang din ang pag-akyat siguro)) dahil mabait at matulungin siya sa pag-guide sa amin. Pero mas ok na din ang may guide dahil sure na hindi ka maliligaw at in case na may mangyari ay may nakakaalam ng mga dapat niyong unang puntahan at gawin.
Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay narating din namin ang lupaing katulad nang sa Teletubbies (Teletubbyland)(Children Show). Katulad ng Mt. Gulugod Baboy, ang Mt. Talamitam din ay kilala sa malawak nitong lupain na pwede kang magpagulong-gulong, magtatakbo at kayang umukupa ng ilang tents. Puro baka din ang naninirahan dito.
Ganap na 12:05 PM nang makabalik kami sa jump-off sa registration area. Mula dito ay nakuha pang maglaro ng basketball nila Dave at Louie (Travel Buddies) kalaro ang aming guide, tamang pahinga, washup. Nakakwentuhan naman namin ni Mikay (Travel Buddy) yung lalaki na namamahala sa Registration Area. Natanong ko kung bakit sunog yung mga damo doon sa summit. Sabi niya, sadya daw na may sumusunog nun kapag gabi dahil sa sariling interest (Along the trail kasi ay napansin namin na tinataniman ang ilang parte ng bundok). Nareport na daw nila sa DENR ang insidenteng yun at nagproposed pa nga daw sila na tauhan, bantayan at i-maintain ang bundok pero ang nakakalungkot daw ay hindi kayang pondohan ng ahensya ito. Sinasamantala na nga daw nila ang paglapit sa mga namumuno kapag papalapit ang eleksyon. Batid pa niya ay nagtutulungan na lang daw sila upang mapanatiling maayos ang bundok at ang mga daan patungong dito. Ganap na 2:20 PM nang umalis na kami sa KM 83 at nakarating kami sa DLTB Bus Terminal Buendia-Gil Puyat around 5:20 PM.
Capture Only Memories, Leave No Traces
Looking for more adventures, read about:
Pagsanjan Falls
Mt. Batulao
Mt. Humarap (Tatlong Krus) and Matabungka Falls
Mt. Gulugod Baboy (Mt. Pinagbanderahan)
Mt. Tagapo
Hundred Islands
Actual Itinerary - Mt. Talamitam
As of February 9, 2014
Jump-off point: Sitio Bayabasan, Brgy. Aga, Nasugbu (KM. 83)
LLA: 14.1158° N; 120.7577° N; 630 MASL
Days required/ Hours to summit: 1 day / 1.5-2.2 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 3/9, Trail class 1-3 with steep assault (100m)
Source: pinoymountaineer.com
DAY HIKE: February 9, 2014 Sunday
05:30 Meet-up DLTB Bus Terminal Buendia-Gil Puyat
*******Buy packed lunch*********
05:36 ETD DLTB Bus Terminal Buendia-Gil Puyat
07:56 ETA KM 83
***Register and pay a fee of Php 20.00/px (Subject to Change) per person at the jump-off
point. Last minute check/Pray for our safety.
******Secured Guide for Php 300.00
****Start Trekking*********
10:00 ETA Summit
*****Exploration, Photo Ops, Video Ops, Chitchat*******
10:26 ETD to Jump-off
*****Exploration, Photo Ops, Video Ops, Lunch, Chitchat*******
12:05 ETA Jump-off
********Play Basketball, Washup, Chitchat******
14:20 ETD KM 83
17:20 ETA DLTB Bus Terminal Buendia-Gil Puyat
Expenses:
Transportation
Bus from DLTB Buendia-Gil Puyat to KM 83 Php 129.00/px (vice versa)
Food
Mcdo Chicken with Rice. Regular Soft Drinks Php 79.00
Mcdo Hot Cakes 2 pcs Php 50.00
Registration
Mountaineer's Registration Php 20.00
Guide is still required Php 300.00
Washup Php 20.00/px
********As of August 23, 2014, Guide is a must*******
Source: Lyka Palmero
Original Message:
"Just got from a night trek at Mt. Talamitam (August 23, 2014). Guide still a must. Php 500; we are group of seven. Two guide (boy and girl) join us during trek. When we reached the "Teletubbyland", the girl left us. :-( Only the boy who is with us until reaching the peak. But he also left us at night. "
********As of May 2014, Guide is not required*******
Source: Zeus Malinao/Let's Unite all the Climbers in the Philippines (FB Group Page)
Original Message:
"Mt. Talamitam, guide not required na po. Kakaakyat lang namin nung end of may, nighthike. Kahit yung mga naka salubong namin ng morning, wala na ding guide."