An Adventurous gateway to Mt. Ulap, Ambanao Paoay, Gungal Rock and Pong-Ol Burial Caves.
Mula Maynila sa Cubao ay bumiyahe kami ni Sir Rommel (Byaherong Kaskasero/The Rainman) patungong Baguio City upang tagpuin sina Sir Rex at ang iba pa naming mga kasama. Matapos ang mahigit limang (5) oras na biyahe ay maayos naming narating ang lungsod at agad naming tinagpo ang aming mga kasama upang agad na magtungo sa Mts. Sto. Tomas at Cabuyao. Ngunit noong sana'y pasakay na kami ng taxi patungong jump-off ng mga nasabing bundok ay inagaw pansin kami ni Kuya na nagbebenta ng Strawberry Taho na hindi daw pinahihintulutan pa ulit na makapanik ang sino mang mountaineer, hiker, trekker o turista sa mga nasabing bundok dahil daw iniingatan ito sa pagkasira, maaari lamang daw makapasok ay ang mga taga-doon. Aware naman kami sa balitang sarado nga ang Mts. Sto. Tomas at Cabuyao ngunit akala namin na sa may bandang Sitio La Presa lamang ito na mas nakilala dahil sa teleseryeng "Forevermore".
Kahit medyo nakakapanghinayang at walang confirmation na sarado pa din ang Mts. Sto. Tomas at Cabuyao ay hindi na kami nagtangka pa na tunguhin ang mga ito. Mas mabuti na din dahil baka masayang pa ang oras at gagastusin namin kung sakali nga na mabigo kaming makapanik doon.
Dahil nga sa nalaman namin, ang dapat na lakad namin patungong Mts. Sto. Tomas at Cabuyao ay nauwi sa Burnham Park. Siguro kahit papaano ay nakaapekto ang pangyayari na iyon sa aming itinerary, masyado kasing maaga kung magtutungo kaaagad kami sa Mt. Ulap since overnight naman kami doon maliban kina Sir Rex na day hike lamang sila ng kanyang pamilya.
Mula sa Burnham Park ay naglibot-libot muna kami dito. Ever since hindi pa talaga ako nakapaglibot sa Baguio at sa nasabing lugar kahit noong galing kami sa aming adventure sa Mt. Tabayoc ay dumaan lamang kami dito. Sina Sir Rommel naman kasama sina Ma'am Tin at Sir Marck ay nagtungo sa market upang bumili ng aming mga lulutuin at kakainin sa bundok.
Ang ganda at ang sarap sa mata pagmasdan ng mga pine tree na nagtatayuan along the trail na madadaan mo. Lalo na't hahaluan pa ito ng hamog o ulap na parang eksena lamang sa mga pelikula.
Bago pa man tuluyang bumuhos ang malakas na ulan ay agad na nagtungo na sina Sir Rex kasama ang kanyang mag-ina sa Ambanao Paoay Peak dahil day hike lamang sila at babalik na sila sa Baguio City.
Matapos magluto nila Ma'ams Girlie and Tin ay agad na naming pinagsaluhan ang pagkaing biyaya sa amin ng Maykapal upang sa gayun ay magkaroon kami ng sapat na enerhiya sa pagpapatuloy ng aming adventure.
Ganap na 1:00 PM na noong kami ay magpatuloy sa aming adventure at sina Sir Rex kasama ang kanyang mag-ina ay nag-back trail na pabalik sa Brgy. Ampucao kasama ang kanilang guide.
Ngunit noong oras ng aming pabisita sa lugar ay wala ni isang cow o baka ang nagpakita sa amin tanging ebidensya (dumi) lamang nila ang magsasabi na nanatili nga sila sa lugar na iyon. Tinagurian din ito bilang playground ng mga mountaineer, hiker, trekker at maging locals dahil sa makikitang stonehenge na nagkakalat na likha ng mga pumapanik dito.
Pasado alas singko (past 5:00 AM) na nang kami ay magising at tila dininig nga ng Maykapal ang aming panalangin dahil hindi pa man gaanong sumisikat ang araw ay aninag na namin na magiging maganda ang panahon dahil sa magandang kalangitan. Pagkatapos mag-ayos ng ilang gamit na ginamit namin noong gabi ay agad naman kaming lumabas upang saksihan ang magandang sunrise na talaga namang inaaabangan nang kahit sinumang nag-o-overnight sa bundok. Naunang pumanik sila Sirs Rommel, Marck at Kuya Ton-Ton sa summit at ako naman ay nag-e-enjoy sa kabilang banda ng kabundukan. Ang sarap talaga pagmasdan ng sunrise at katulad din ng sunset syempre. Nandito kasi ang tamang timing at kulay upang makakuha ng magandang larawan. Hindi nagtagal ay pinanik ko na din ang summit ng Mt. Ulap, masasabi ko na kahit papaano ay safe naman ang trail patungo sa itaas nang nasabing bundok dahil maaaninag mo naman ang trail kahit paaano at saka ang bundok ulap ay parang rolling hills na nakakatuwa pagmasdan, nasa baba o nasa itaas ka man nito. Ganap na 7:00 AM nang marating ko ang summit at nagtagal lamang ako ng mahigit sampung (10) minuto sa itaas at agad na akong bumalik sa campsite upang mag-breakfast at magligpit ng tent.
Sa totoo lang medyo nararamdaman ko na nagrereklamo na ang kaliwa kong tuhod (una kong naramdaman ito sa aming traverse adventure sa Mt. Sipit Ulang) na para bang tinutusok marahil sa pababa na ang trail at dagdagan pa nang mabigat na bag. Kulang sa preparation o sadyang weak lang? (hehehehe) Last hike ko pa ay noong January 9, 2016.
Tama nga si Kuya Ton-ton medyo steep nga lalo ang trail dito dahil kaunting pagkakamali mo lang ay siguradong gugulong ka at may kalalagyan ka. Nasaksihan namin ni Sir Rommel ang mga burial caves at nakakalungkot isipin na ilang sa mga buto pala dito ay kinukuha nang iba ayon ito kay Kuya Ton-ton. Paalala nga pala niya sa amin na pwedeng kuhaan ng larawan ang ilan sa mga burial cave ngunit huwag lamang daw ang pinkahuli kung saan makikita mo ang dalawang wooden coffin. Pinagbabawal din itong buksan at hawakan, respetuhin natin ang kultura at tradisyon sa bawat lugar na ating binibisita. May signage nga pala ang huling burial cave na nagsasabi na bawal ang pagkuha ng litrato kaya tama lang na saksihan na lamang ito sa ating mismong mga mata.
Looking for more adventures, read about:
Pagsanjan Falls
Boracay: The flagship beach destination of the Philippines
The Waterfront Beach Resort
Taal (The Heritage Town)
Discover Tanay, Rizal: A True Adventure Experience
Bohol Escapade: The Voyage of Life
Where to Dine and Stay in Bohol, Philippines
Mt. Batulao
Mt. Humarap (Tatlong Krus) and Matabungka Falls
Mt. Gulugod Baboy (Mt. Pinagbanderahan)
Mt. Tagapo
Mt. Talamitam
Mt. Maculot
Mt. Mariveles (Tarak Ridge-Peak)
Mt. Sembrano
Mt. Balagbag and Kaytitinga Falls
Mt. Pico de Loro (Mt. Palay-Palay) and Boracay de Cavite (Katungkulan Beach)
Mt. Tabayoc, Mystical Lakes (Tabeo, Ambulalakao, Letep-ngapos, Incolos) and Junior Pulag
Mt. Sipit Ulang and Payaran Falls
Hundred Islands
La Mesa Eco-Park
A Photowalk Journey: Manila-Pasay
Manila Seedling Bank: Nature is the art of God
Bakit karamihan sa mga namumundok walang lovelife?
Aking Diwata
May Forever sa Bundok (Finding Neverland and Love at First Sight)
Itogon, Benguet
Entry point: Brgy. Ampucao, Itogon
Exit point: Brgy. Sta. Fe, Itogon
LLA: 16.2904 N, 120.6312 E, 1846 MASL (Mt. Ulap)
Days required / Hours to summit: 1 day / 2-3 hours
Specs: Difficulty 3/9, Trail class 1-3,
Features: Grassland and pine ridges, scenic views of the Cordilleras, burial caves
Source: pinoymountaineer.com
Proposed Itinerary
(0100 Take bus from Manila to Baguio)
0600 Take jeepney from Baguio to Brgy. Ampucao (P50)
0640 ETA Brgy. Ampucao. Head to barangay hall. Register / Secure guides
0700 Start trek
0930 ETA Gungol Rock
1030 ETA Mt. Ulap summit
1130 Visit Burial Caves
1300 Arrival at Sta. Fe exit point. Wait for jeepney back to Baguio
1400 Back in Baguio City (and then to Manila)
Actual Itinerary
As of March 4-5, 2016
Day 0
11:00 PM Take bus from Manila to Baguio (Victory Liner Cubao)
11:30 PM ETD to Baguio (Victory Liner Cubao)
Day 1
2:30 AM ETA Tarlac (Bus Stop)
5:30 AM ETA Baguio City
*****Meet-up with Sir Rex Team at Victory Liner Bus Terminal (Baguio City) and Chitchat*****
6:05 AM ETD Baguio to Burnham Park
*****Rode a taxi going to Burnham Park****
6:15 AM ETA Burnham Park
*****Enjoying the place, photo/video ops, waiting for Sir Rommel with others from the public market (they bought some foods and stuffs for our adventure******
7:40 AM ETD to Brgy. Ampucao, Itogon, Benguet
*****Rode a taxi going to Brgy. Ampucao****
8:30 AM ETA Brgy. Ampucao, Itogon, Benguet
******Register, secured a guide and orientation*****
9:00 AM Start of the trek/hike
11:00 AM Lunch Break near Ambanao Paoay (A few meters away)
******cook and eat our lunch, chitchat, photo and video ops******
1:00 PM Trek/Hike resume
1:10 PM ETA Ambanao Paoay Peak (Stonehenge) (Mountaineers, Hikers and Trekkers Playground)
**********Appreciating the nature, Video and Photo Ops************
2:45 PM Gungal Rock (Philex Ridge)
**********Appreciating the nature, Video and Photo Ops************
3:40 PM ETA Campsite
*******Pitch our tents, preparing our stuffs, cook for our dinner, chitchat, video and photo ops*****
6:45 PM Dinner and Socials
9:20 PM Lights Off
Day 2
5:45 AM Wake Up/Call Time
*****Sunrise viewing, chitchat, video and photo ops*****
7:00 AM ETA Summit
**********Appreciating the nature, Video and Photo Ops************
7:10 AM ETD Summit
7:20 AM ETA Campsite
******Breakfast, chitchat and break camp******
9:10 AM ETD Campsite to Sta. Fe Exit (Traverse)
10:00 AM ETA Pong-Ol Burial Caves
11:25 AM ETA Sta. Fe Exit
*****Wash ourselves up*****
1:30 PM ETA Baguio City
*******City Tour********
3:30 PM ETA Good Taste Restaurant
*****Late Luch/Early Dinner****
*****City Tour (Minesview Park, Burnham Park and The Good Shepherd*****
7:00 PM ETD Baguio to Manila
Expenses:
Transportation:
Victory Liner Bus (Cubao) to Baguio City – Php 450.00/pax
Victory Liner Bus (Baguio) to Cubao – Php 445.00/pax
Taxi to Brgy. Ampucao, Itogon, Benguet from Baguio City – Php 600.00/6pax = Php 100.00/pax
Taxi to Baguio City from Sta. Fe - Php 700.00/4pax = Php 175.00/pax
Food and Drinks:
Food contribution - Php 200.00
Gatorade
Breads
Snacks (Dingdong and Nagaraya)
Other Expenses:
Guide (Overnight, Php 400.00 for day hike) – Php 800.00/4pax = Php 200.00/pax
Registration Fee = Php 100.00/pax
Camping Fee - Php 500.00/4pax = Php125.00
Tidy Up – Php 10.00
Souvenir (Bag Tag and Key Chains) - Php 35.00