MUNDO ni Julius John G. dela Rosa | I Araw-araw sa pagmulat ng aking mga mata Nakikita ko ang iba na napakaligaya Sa aking yaman sila'y nabubuhay Ngunit ako nama'y kanilang pinapatay. II Masaya ako sa nagmamalasakit Sa katawan ko na ngayo'y may sakit Isa, dalawa, tatlo, kaunti man kayo Sa aki'y nakakatulong nang husto. |
III Ang tao nga ba'y walang kasiyahan? O dala lang ng kanilang pangangailangan? Dalangin ko sa kanila palitan man lang ang kinukuha Para sa mga susunod na daraan Meron man lang silang masisilungan. IV Ito ba ang kapalit ng biyayang handog Bakit nga ba may bara ang ilog? Na dati'y maganda't maalindog At ngayon ay durog na durog |