ni Marcelo V. Costillas, Jr.
Kay saya ng paraiso
Ano nga ba ang nandito?
Makulay na buhay
Dito ba ay matatanto?
Sa ilang paraiso na
Walang hangganan,
Ang iba naman
Paraiso'y nalimot
ang nilalaman.
Naghahangad ng paraiso
Upang makamit
Buhay na walang hanggan.
Pagkakaalam ko
Paraiso'y di totoo.
Dahil ang paraiso'y gawa-gawa lamang
Ng mga taong
Naging sakim at gahaman,
Lalo na't kung paraiso'y
Makaangat sa kahirapan.
Sa paraisong pangarap ko
Ay gumawa ng tulay
Patungo sa mundo.
Upang malaman
Paraiso'y di totoo
Sa mga taong naghangad
Pamarisan ako.
Ang paraiso'y
Makakamit lamang
Kung ang iyong puso'y
May busilak na kalooban.
Dahil ang paraiso
Sa puso'y nahihimlay lamang.