So hindi na ko nagpatumpik-tupik pa, nag-desisyon kami na i-postpone at maaaring i-reschedule na lang namin ang dapat sana naming day hike sa Rizal. Kahit papaano ay malapit lang din naman ito sa Manila at maaaring mabisita anytime. Cagayan, here we come!
Mahigit 12 to 13 hours din ang aming naging biyahe mula Manila hanggang Cagayan. Kaya sa bawat stop over na aming dinaanan ay oras din para mag-unat.
Bago pa man namin tunguhin ang bayan ng Peñablanca sa Cagayan upang aktwal na masilayan at mabisita ang kilalang Callao Cave ay dumaan muna kami saglit sa Felicitas Fast food and Restaurant upang mag-breakfast. Kilala ang Felicitas Fast food and Restaurant sa kanilang Pancit Cabagan.
Siyempre hindi kumpleto ang pagbisita mo sa isang lugar kung hindi mo matitikman ang ilan sa mga pagkain na kanilang ipinagmamalaki.
Excited ang lahat na masilayan ang nasabing kuweba. Medyo ramdam na din namin ang init noong mga oras na iyon. Sabagay, isa ang Cagayan sa mga naitalang probinsya na may pinakamainit na temperatura sa Pilipinas.
Bumungad sa amin ang ilan sa mga souvenir store na matatagpuan sa jump off kung saan maaari kang bumili ng pasalubong para sa iyong mga minamahal sa buhay. May ilang tindahan din na maaari mong bilhan ng pagkain katulad na lamang ng halo-halo na sakto sa mainit na panahon.
Bago marating ang bukana ng kuweba ay kinakailangan mo munang pumanik ng 184 steps. Malilim naman ang sementadong pahagdan na daan dahil sa mga puno at habang papalapit ka sa kuweba ay madarama mo ang malamig na hangin. Pabiro ngang sinabi sa amin ng tour guide namin na malalaman daw namin na malapit na kami sa bukana kapag ramdam na daw namin yung 'aircon' ng kuweba. Well, malamig nga nung papalapit na kami sa kuweba mismo.
Kuwela't mabiro din ang aming tour guide at higit sa lahat ay magaling din kumuha ng litrato lalo na sa pag-anggulo. Marahil ay sa tagal na din ng kanyang trabaho bilang tour guide kaya na-master na niya ito.
Callao Cave is the most accessible of all the caves, its entrance is reached by climbing 184 concrete steps. The Callao cave system is composed of seven chambers, each with natural crevices above that let streams of light to get into the cave, serving as illumination for the otherwise dark areas of the place. Previously, there were reported nine caves in the system, but an earthquake in the 1980s cutoff the last two chambers.
The Callao Caves, which bear the hand print of God, are Cagayan's Priceless Patrimony. As now fully developed, these caves will endure a hundred millenia to remind the world of the Cagayanos' love for nature and passion for beauty. Medyo nakakalungkot lang dahil maging ang tablet marker na ito ay hindi nakaligtas sa mga iresponsableng bisita. |
Other pristine and undisturbed caves with living rock formations in the area include Jackpot, Laurente, Odessa-Tumbali, Quibal, Roc, San Carlos and Sierra Caves, among others. These caves can be explored with guides from Sierra Madre Outdoor Club, Adventures and Expedition Philippines Inc., and North Adventurer.
Maganda ang Callao Cave, maganda ang lugar at sana hindi ito tuluyang masira (although ang ilang stalactites at stalagmites ay patay na) katulad ng ibang kuweba na tuluyan nang namatay.
Palaui Island is one of the islands in the Philippines, located off the northeastern extremity of Luzon Island, the largest island in the country.
Because of its remoteness, Palaui Island is home to 105 species of rattan and similar commercially valuable timber producing wood species plus 25 imported shrubs and is the sanctuary for 90 migratory birds.
Among the destinations in the Palaui is the northern point of the island is the Cape Engaño Lighthouse which is situated at Cape Engaño the northern point of the island and its beaches. The island is the tenth entry in CNN's World's 100 Best Beaches list which was published on May 13, which remarked the island's "raw beauty."
DID YOU KNOW?
The US reality TV series Survivor 28th season was filmed entirely in pristine Palaui Island, Sta. Ana, Cagayan.
PAYAPA, ito ang nakaka-miss sa tuwing wala tayo sa isang maganda at tahimik na lugar. Payapa ang isla ng Palaui at higit sa lahat ay napakaganda. Simple lang ang pamumuhay ng mga tao na naninirahan dito, wala man silang internet connection, etc. mayaman naman sila sa kapayapaan at likas na yaman. Ito yung dream retirement ko, yung nasa maganda kang lugar at wala kang ibang iniisip kundi enjoyin ang buhay.
Sumapit ang gabi at matapos ang dinner, social gathering time na! Bilang isang introvert, mas prefer ko/namin na makihalu-bilo lamang sa mga close (small circle of friends) lang namin. Malamang mai-intindihan ako ng mga bumabasa ng blog na ito na katulad ko din na introvert. Klaruhin ko lang, hindi naman kami anti-social. Introverts like to spend time with themselves and not with a lot of people. But, Anti-social don’t have a problem with being around people, but they like to do it in their own ways. Kaya noong mga oras na iyon ay madalang lang ako mag-salita at dinadaan na lang sa ngiti at tawa. Medyo mahiyain lang naman kami, give us time to adjust. Kinikilala lang din naman kasi namin ang personality ng isang tao base sa pananalita at gawi nito.
Kalaunan naman ay nakapag-adjust naman na ako lalo na nung umunti na lang kami at nagsipag tulugan na ang iba sa kanya-kanyang mga tent.
Sa mga natira noon sa social gathering, napag-kuwentuhan namin ang mga experience namin sa travel at adventure, yung mga bundok na napanik, lugar na napuntahan at karanasan sa Callao Cave.
Sa pagkakatanda ko ay halos 3:00 AM na nang madaling noong napag-desisyunan na namin na matulog na, este umidlip na dahil 6:00 AM ang wake up call namin.
Kay sarap talaga mag-umagahan sa isang magandang lugar, yung enjoy mo na ang tanawin at masarap pa ang pagkain. Dagdag pa ang masarap, sariwa at malinis na simoy ng hangin. Naririnig mo pa ang alon ng dagat sa dalampasigan at himig ng mga ibon. Kay sarap!
Matapos mag-umagahan at mag-ayos ng mga gamit ay agad na kaming nagtungo upang mag-island hopping. Una namin tinungo ay ang Anguib Beach upang mag-swimming.
Well, kaya ito tinawag na Crocodile Island dahil sa hugis at itsura nito na parang Crocodile. Sakto ang pagbisita namin sa lugar na ito dahil low tide. Kitang-kita ang 360 degree view ng lugar. Ang galing talaga ni Lord, ang galing niyang lumikha!
Cape Engaño Lighthouse is now under the supervision of the Department of Transportation and Communications through the Philippine Coast Guards' lighthouse division.
Habang papalapit sa lighthouse ay bubungad sa iyo ang naggagandahang tanawin. Talagang mapapangiti at matatawa ka sa saya.
7 Facts To Prove That Travelling Is The Most Pleasant Form Of Education
TravelBook.PH Launches First Travel Fair Entitled Destination: PH
Discover The Treasure Mountain Of Tanay, Rizal
Join TravelBook.PH Friend Code Program Today
The Beauty And Treasures: Ilocandia Adventure (Ilocos Norte and Sur)
New on TravelBook.PH: Easy and Hassle-Free Online Booking of Tour Activities
TravelBook.PH Introduces: Tours and Activities! Experience the best in the Philippines
TravelBook.PH Shoulders The 12% VAT On Your Hotel Bookings
Rainy Day Hotel Staycation In Metro Manila With Pay-At-Hotel Payment Option
This New Payment Option Changed The Way Filipinos Travel
TravelBook.PH Affiliate Program Commends Bloggers On 1st Anniversary Celebration
Holy Week Celebrations To Watch Out For This 2017
Summer Musts: Your Cool Guide To Beat The Summer Heat
What's Cool and Hot? The Philippines' Best Beach Escapades
8 Unique Churches You Should Include In Your Visita Iglesia List In 2017
Underrated Holy Week Destinations in Cagayan Valley
Special Feature: Running On Full
Special Feature: 10 Summer Must
Small Things. Simple Tasks.
Tatak Pinoy
TravelBook.ph unveils better commission rates for affiliates
Blue Gardens Wedding and Events
Marigold Kimberly Pavilion: A Reception Venue For Weddings, Birthdays and Corporate Events
How to keep your skin looking fresh when travelling
An Adventurer and a Best Friend: Caio, The Golden Retriever Dog
Kaibigan Sould Camp: Keep On Traveling Palawan
30 Wedding Reception Centrepiece Ideas To Spice Up Your Reception
Wander To Know The Wonder: A Day In My Outdoor Life
Pagsanjan Falls
Boracay: The flagship beach destination of the Philippines
The Waterfront Beach Resort
Taal (The Heritage Town)
Discover Tanay, Rizal: A True Adventure Experience
Bohol Escapade: The Voyage of Life
Mesa de Lipeños (Sea food at its best!)
Where to Dine and Stay in Bohol, Philippines
Interesting Places To Visit In The South Of Metro Manila
Awesome Destinations To Explore In The Philippines
Packing Tips: How To Pack The Right Way
Best Travel Gadgets Actually Worth Buying
Mt. Manabu (A Muddy Adventure)
Mt. Batulao
Mt. Humarap (Tatlong Krus) and Matabungka Falls
Mt. Gulugod Baboy (Mt. Pinagbanderahan)
Mt. Tagapo
Mt. Talamitam
Mt. Maculot
Mt. Mariveles (Tarak Ridge-Peak)
Mt. Sembrano
Mt. Balagbag and Kaytitinga Falls
Mt. Pico de Loro (Mt. Palay-Palay) and Boracay de Cavite (Katungkulan Beach)
Mt. Tabayoc, Mystical Lakes (Tabeo, Ambulalakao, Letep-ngapos, Incolos) and Junior Pulag
Mt. Sipit Ulang and Payaran Falls
Mt. Ulap (The Beauty Behind The Pines)
Mt. Pinatubo: A Majesty after a Tragedy
Mt. Cayabu - Mt. Maynoba (Mt. Maynuba) and 8 Waterfalls
Hundred Islands
La Mesa Eco-Park
A Photowalk Journey: Manila-Pasay
Manila Seedling Bank: Nature is the art of God
Bakit karamihan sa mga namumundok walang lovelife?
Aking Diwata
May Forever sa Bundok (Finding Neverland and Love at First Sight)