Balik tayo sa topic, ang aming Ilocandia Adventure. Paano nga ba ako nakapag-decide na sa Ilocos ang susunod na adventure? Overworked at stress, ito ang naging dahilan kung bakit nabuo ang plano. Alam mo yung feeling na parang sasabog ka na? Kaya na-realize ko na hindi na puwede ito, kailangan ko din mag-relax. Isa sa mga realization at natutunan ko, ok lang naman mag-travel basta may travel fund ka at hindi nasa-sacrifice ang savings or emergency funds mo. Saka Birthday Treat ko na din ito para sa aking sarili.
Niyaya ko ang mga kaibigan ko at napag-desisyunan na nga na sa Ilocos ang aming lakad, basta daw malayo sa Manila para hindi daw namin ramdam ang stress at ingay ng lungsod. Isa pa, hindi pa din namin kasi ito nararating.
Sa mga travel blog na nabasa ko tungkol sa Ilocos ay mas hassle at time consuming kung mag-do-it-yourself pa dahil sa madaming sakay at magkakalayo ang mga lugar. Kaya nag-search kami ng Travel and Tours Agency para sa aming Ilocos Adventure at natagpuan namin ang 5 Angels Travel and Tours.
Naging masaya, enjoy at safe ang aming adventure sa Ilocos sa tulong ng nasabing Travel Agency. Kakaiba din ang karanasan kapag Joiners Tour ang sinamahan mo (ito kasi ang inavail namin na tour dahil unti lang din kami, nag-back out kasi yung iba :(), mas madami kang makikilala, makakapalitan ng mga karanasan sa travel at adventure at higit sa lahat ay magkakaroon ka ng mga bagong kaibigan.
Sa unang araw namin sa Ilocos Region, ang una naming tinungo ay ang Ilocos Norte kung saan ang mga lugar na aming pinuntahan ay ang mga sumusunod: Ilocos Norte Welcome Arch, Paoay Church, Sand dunes, Paoay Lake, Malacañang of the North, Dragon Fruit Farm, Cape Bojeador Light House, Kapurpurawan White Rock Formation, Bangui Wind Mills, Pagudpud Welcome Arch, Paraiso ni Anton, Bantay Abot Cave at Blue Lagoon kung saan kami puwede mag-swimming.
Photo ops: Ilocos Norte Welcome Arch. Pasado 6:00 AM na din ng makarating kami sa Ilocos Norte. Syempre ang lahat ay masaya at excited.
Masuwerte kami noong araw ding yun sapagkat ang unti lang ng mga tao kaya malaya akong nakakuha ng mga litratong nais ko.
Sa Malacañang of the North, makikita at malalaman mo ang tungkol sa buhay ng pamilya Marcos at maging mga nagawa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
The Legend of Paoay Lake
Long ago, in this once-dry land where Paoay Lake now stands, there was a village whose people were kind, generous and God-fearing. Prosperity was evident in their beautiful houses, their expensive clothes and glittering jewelries.
As years passed, rivalry among the people set in, that they worked hard to acquire material things more than the others. God-worship was forgotten among them, Juan and his wife Maria, remained simple folks and never forgot to worship God. One night, in a dream they were told that the village will be destroyed by a flood, if the people will not reform. They related their dream to their neighbors, but they only laughed at them.
As years went by at the place where the village sank, a beautiful lake emerged, and is now the famous Paoay Lake. Today, they said if one looks into the depths of the lake, one could see the shadows of the buildings and houses of the once prosperous village. Fishermen reported catching fishes adorned with jewels. It is beliewed that these were the early inhabitants of the ill-fated village.
Source: The People of Paoay, Ilocos Norte
Ang Alamat ng Paoay Lake ay maihahalintulad sa bibliya kung iyong matatandaan:
In the Bible, Lot's wife is a figure first mentioned in Genesis 19. The Book of Genesis describes how she became a pillar of salt after she looked back at Sodom.
Matapos ang aming historical tour sa Malacañang of the North ay bumisita naman kami sa Refmad Dragon Fruit Farm. Sa totoo lang, isa sa mga pangarap ko ay magkaroon din ng sariling farm kung saan ka magreretiro, magka-kape at malaya ka na makapaglakad-lakad sa iyong taniman. Kung bibisita ka din ay huwag na huwag mong palalampasin na hindi matikman ang Dragon Fruit Ice Cream sa halagang Php 25.00 lamang. Bumili din ako ng Dragon Fruit Tea, dahil curios ako sa lasa nito.
Nagtataka ka ba kung bakit walang nagsi-swimming dito? Ayon sa aming Tour Coordinator ay dahil daw sa malalim at unpredictable na lakas ng alon ay masyadong delikado.
Sa aking pagmasid sa kalawakan ng dagat ay sumagi sa aking isipan na bandang norte pa na iyon ay matatagpuan muna ang Babuyan Islands at ang probinsya ng Batanes na nais ko ding marating.
Ang Bantay Abot Cave ay hindi talaga literal na kuweba, Oo hindi. Ito ay likhang butas dulot ng lindol sa isang hill. Ito ay inihahalintulad din sa Nakabuang Arch ng Sabtang, Batanes dahil sa umano'y pagkakahalintulad ng mga ito.
Ang Blue Lagoon naman kung saan kami nagtungo ay perpekto din para sa family gathering, barkada trip at maging sa team building. Sa totoo nga niyan ay may naabutan kaming mga staff ng isang eskwelahan na mula pa sa Cagayan.
Bago pa man kami magtungo sa aming accommodation ay dinaanan muna namin ang sikat na Patapat Viaduct, kung saan panalo mag-photo ops dahil sa magandang tanawin.
Maayos din ang naging accomodation namin sa unang araw ng aming adventure. Saan nga ba?Walang iba kundi sa Palalay Hotel sa Burgos, Ilocos Norte. Okay din ang amenities ng nasabing hotel, kung gusto mo din mag-swimming ay walang problema sapagkat may swimming pool din ito. Medyo may kamahalan nga lang ang pagkain ngunit ito ay masarap at bagong luto.
Ang maganda lang sa na-avail naming tour package ay libre ang dalawang araw naming breakfast!
Hindi din agad kami nakatulog syempre hindi mawawala ang kwentuhan at tawanan.
Sa ikalawang araw namin sa Ilocos Region, ang sunod naman naming tinungo ay ang Ilocos Sur kung saan ang mga lugar na aming pinuntahan ay ang mga sumusunod: Hidden Garden, Paburnayan Jar Making, Bantay Bell Tower at Vigan City (Calle Crisologo, St. William Cathedral (Laog Cathedral), Heritage Village, Plaza Burgos, St. Paul Cathedral, Crisologo Museum, Plaza Salcedo, Syquia Mansion, Empanada Making.
Kung makikita mo lamang ang Cape Bojeador Light House ay talagang mabibighani ka sa taglay nitong ganda, hindi lamang dahil sa natural na kalumaan nito ngunit dahil pagkarating mo sa taas ay makikita mo ang kalawakan ng karagatan sa norte (open sea). Hindi nga lamang puwedeng akyatin ang mismong parola nito dahil na din siguro sa kalumaan nito. Sa loob ng Cape Bojeador Light House ay may ilang litrato na nagbibigay impormasyon kung kailan at paano ito nabuo.
Ang kagandahan sa Hidden Garden ay hindi lamang ito restaurant dahil meron din silang exhibit at ilang galleries. Meron din ditong halamanan kung saan maaari kang bumili.
Matapos namin mabusog ay nagpatuloy na kami sa aming historical adventure para sa aming day 2 adventure. Tinungo namin ang Paburnayan Jar Making na isa sa mga famous at kinakailangang mabisita sa Ilocos Sur. Ang paglikha nila ng mga paso at jar dito sa lumang proseso (Traditional Way).
Dahil ang accomodation namin para sa ikalawang ay may kalapitan lang din sa Calle Crisologo at ang aming check in time ay 7:00 PM pa, ang ilang oras ay nagsilbi nang free time para sa aming lahat upang libutin ang Vigan City. Medyo past 4:00 PM na din kasi kami nakarating sa nasabing lugar kaya hindi na namin naabutan ang visiting hours ng ilang lugar gaya na lamang ng mga museum, nakakapanghinayang ngunit kinakailangan mag-enjoy. Kahit papaano ay may rason pa para bumalik ng Ilocos. Narito ang ilan sa mga lugar na aming nabisita sa Vigan City.
Sa aming ikatlong araw, ang nakakalungkot sa lahat dahil alam naming babalik na kami sa totoong buhay. Ang magbalik sa maingay at nakaka-stress na lungsod ng Manila pero bago ang lahat ay may ilang lugar pa kaming binisita para sa aming 3rd day adventure.
Sa kabila ng stress at pagka-dismaya na idinulot ng mga nag-back out na kasama namin dapat sa lakad na ito ay masasabi ko na hindi ko makakalimutan ang adventure na ito. Una, dahil kakaiba pala ang pakiramdam at saya na sumama sa isang joiners event (na ikaw mismo ang nag-lead sa small group niyo na sumama sa isang adventure na may kasamang iba na katulad nito). Nakakatuwa dahil may mga bago kang makikilala at makakapalitan ng mga experience sa adventure at travel. Ikalawa, kakaibang experience talaga kapag alam mong ang adventure na iyong pupuntahan ay napakalayo sa iyong lugar na tinutuluyan o pinagmulan, yung tipong ramdam na ramdam mo yung freedom.
Maraming Salamat Panginoon sapagkat naging masaya at successful ang adventure naming ito. Maraming Salamat din sa mga nakasama at higit sa lahat kina Sir Prappy at Ma'am Khaycee ng 5 Angels Travel and Tours. Hindi magiging matagumpay at masaya ang adventure na ito kung hindi naging matagumpay ang pagka-organize niyo sa lakad nating ito.
New on TravelBook.PH: Easy and Hassle-Free Online Booking of Tour Activities
TravelBook.PH Introduces: Tours and Activities! Experience the best in the Philippines
TravelBook.PH Shoulders The 12% VAT On Your Hotel Bookings
Rainy Day Hotel Staycation In Metro Manila With Pay-At-Hotel Payment Option
This New Payment Option Changed The Way Filipinos Travel
TravelBook.PH Affiliate Program Commends Bloggers On 1st Anniversary Celebration
Holy Week Celebrations To Watch Out For This 2017
Summer Musts: Your Cool Guide To Beat The Summer Heat
What's Cool and Hot? The Philippines' Best Beach Escapades
8 Unique Churches You Should Include In Your Visita Iglesia List In 2017
Underrated Holy Week Destinations in Cagayan Valley
Special Feature: Running On Full
Special Feature: 10 Summer Must
Small Things. Simple Tasks.
Tatak Pinoy
TravelBook.ph unveils better commission rates for affiliates
Blue Gardens Wedding and Events
Marigold Kimberly Pavilion: A Reception Venue For Weddings, Birthdays and Corporate Events
How to keep your skin looking fresh when travelling
An Adventurer and a Best Friend: Caio, The Golden Retriever Dog
Kaibigan Sould Camp: Keep On Traveling Palawan
30 Wedding Reception Centrepiece Ideas To Spice Up Your Reception
Wander To Know The Wonder: A Day In My Outdoor Life
Pagsanjan Falls
Boracay: The flagship beach destination of the Philippines
The Waterfront Beach Resort
Taal (The Heritage Town)
Discover Tanay, Rizal: A True Adventure Experience
Bohol Escapade: The Voyage of Life
Mesa de Lipeños (Sea food at its best!)
Where to Dine and Stay in Bohol, Philippines
Interesting Places To Visit In The South Of Metro Manila
Awesome Destinations To Explore In The Philippines
Packing Tips: How To Pack The Right Way
Best Travel Gadgets Actually Worth Buying
Mt. Manabu (A Muddy Adventure)
Mt. Batulao
Mt. Humarap (Tatlong Krus) and Matabungka Falls
Mt. Gulugod Baboy (Mt. Pinagbanderahan)
Mt. Tagapo
Mt. Talamitam
Mt. Maculot
Mt. Mariveles (Tarak Ridge-Peak)
Mt. Sembrano
Mt. Balagbag and Kaytitinga Falls
Mt. Pico de Loro (Mt. Palay-Palay) and Boracay de Cavite (Katungkulan Beach)
Mt. Tabayoc, Mystical Lakes (Tabeo, Ambulalakao, Letep-ngapos, Incolos) and Junior Pulag
Mt. Sipit Ulang and Payaran Falls
Mt. Ulap (The Beauty Behind The Pines)
Mt. Pinatubo: A Majesty after a Tragedy
Mt. Cayabu - Mt. Maynoba (Mt. Maynuba) and 8 Waterfalls
Hundred Islands
La Mesa Eco-Park
A Photowalk Journey: Manila-Pasay
Manila Seedling Bank: Nature is the art of God
Bakit karamihan sa mga namumundok walang lovelife?
Aking Diwata
May Forever sa Bundok (Finding Neverland and Love at First Sight)