Once a year, go someplace
you've never been before.
Dalai Lama
Expect the Unexpected.
Expect the Unexpected! Sa bawat adventure o anumang bagay na ating tatahakin o tinatahak ay hindi laging smooth o pulido ang kalalabasan ng bawat plano. May mga bagay o pangyayari talaga sa ating buhay na wala sa ating control. Ang tanging magagawa lamang natin ay kung papaano tayo magre-react at tutugon sa bawat hindi maganda o kanais-nais na pangyayari sa buhay.
Mula Manila (Quezon City) ay bumiyahe kami patungong Sagada, medyo late na din kaming nakaalis dahil na din sa traffic. Makalipas ang ilang oras, ay narating namin ang Nueva Ecija ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay may aksidenteng naganap. Isang delivery truck ang tumaob sa kahabaan ng zigzag road patungong Nueva Vizcaya, kung hindi ako nagkakamali ay along Dalton Pass ito nangyari. Walang makadaan na mga sasakyan at ang iba ay pinili na lamang bumalik. May ilang ambulansya at pulis ang nagdatingan upang ma-secured ang lugar. Sana safe naman ang driver at ang mga pahinante na kasama niya. Mahigit ilang oras din kaming na stranded dito.
Buhat nang nasabing aksidente, ang unang araw sana namin sa Sagada na may naka-schedule na aktibidad ay naapektuhan. Sa madaling salita, nasira ang itinerary namin. Sa aking pagkakatanda, around 3:00 PM na yata namin narating ang Banaue, Ifugao (Welcome Arch) dahil na din sa mga stop overs namin. Bilang parte ng itinerary, ay saglit kaming nag-stop over dito.
Na-surprise kami, hindi lang dahil sa ganda ng lugar kung hindi dahil na din sa dami ng mga turista na patungong Sagada na tulad namin.
Inabot na kami ng gabi nang marating namin ang Sagada. Ang lamig, sobrang lamig! Sa totoo lang ito ang kinagustuhan ko sa Mt. Province. Bukod sa magagandang tanawin ay yung malamig na klima.
Bago pa man kami tumuloy sa aming accommodation ay nag-dinner muna kami sa Sagada Home Stay Restaurant. Panalo ang masarap at mainit na sabaw na ulam sa ganitong lugar ngunit dahil sa dami ng bisita ay naubusan kami noong mga oras na iyon. Kaya ang bagsak ko tuloy ay PorkSisiglog. Pero alam mo, masarap ah. Hindi lang ang PorkSisiglog na pagkain ko, maging ang iba pa nilang pagkain ayon sa aking mga nakasama. Kaya kung first time mo pa lang bibisita sa Sagada, maaari mong i-consider ang Sagada Home Stay Restaurant. Hindi naman ganun kamahal ang presyo ng pagkain pero worth it. Sabi nga ng mga kasama ko "Pop na Pop!" daw (Parang programa lang ni Kuya Tonipet Gaba na Pop Talk).
Dahil mula work duty pa at naging mahaba ang biyahe ay pinili ko na lang ding magpahinga para sa magiging aktibidad namin kinabukasan. Samantalang ang iba kong mga kasama ay pinili pa nilang mag-socials bago magpahinga. Sa totoo lang tama nga naman, sulitin at enjoyin ang bawat moment.
Sarap matulog dito, ang lamig kasi!
Pansit Party! Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay nagpa-pansit sa aming mga joiners ang 5 Angels Travel and Tours. Libreng breakfast! Thanks Maám Kheyce! Alam naman namin na hindi talaga natin inasahan at ginusto ang nangyaring aberya.
Ayon sa aming tour guide na si Nanay Linda (Linday, her Igorot name). Bomod-ok means "water pressure/big" (The Big Falls).
Established na ang trail papunta sa nasabing waterfalls dahil sa pahagdang sementado na ito. May ilang part din ng trail na dadaan kayo sa rice terraces. Ang ganda ng tanawin. Ang sarap ng hangin. Sariwang-sariwa ang simoy! At tila ba ang mga sunflowers na aming nadaanan ay masaya kaming sinasalubong sa daan. Katulad nga ng nasabi sa akin ni Sen, isa sa mga nakasama ko "Hahaba ang buhay mo kung sa ganitong lugar ka maninirahan." Tama, sang-ayon ako sa kanya dahil bukod sa simple lang ang pamumuhay ng mga tao dito ay makakatulong sa iyong peace of mind ang naggagandahang mga tanawin.
Ilang minuto din ang naging trek namin patungo sa nasabing waterfalls at talagang worth it ang lahat.
Matapos ang masayang pagbisita namin sa Bomod-ok Falls ay nag-lunch muna kami bago magpatuloy sa aming adventure. Isang boodle fight ang naganap! Galit-galit muna!
Makalipas ang mahigit isang oras na paghihintay ay dumating na din ang pansamantala naming sasakyan na magdadala sa amin sa Sumaguing Cave. Sa totoo lang ay napagisip-isip ko na din noon na hindi ba masyadong late na para bisitahin ang lugar. Parang masyado ng risky dahil baka abutan na kami ng gabi doon, lalo't kuweba ang aming pupuntahan. Eksaktong 4:00 PM na noon nang marating namin ang Sumaguing Cave. Akala ko hindi na kami makakapasok sa loob dahil may note na naka-display sa labas ng tourist information office na hindi na pwedeng pumasok pero hanggang 4:00 PM pala yung cut-off para sa mga bisita. Mabuti na lamang ay umabot kami!
Matapos magpa-rehistro at magbayad ng mga dapat bayaran ay agad na kaming nagtungo. Nagkaroon muli kami ng orientation sa mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng kuweba. Adventure awaits!
Kaso nga lang crowded ang kuweba noong mga oras na iyon dahil sa dami ng mga bisita. Sa mga first time na pupunta sa Sumaguing Cave ay i-expect niyo na mababasa at madudumihan kayo. Pero ang masasabi ko lang ay hindi ka magsisisi na bisitahin ang nasabing lugar dahil bukod sa maganda ay napaka-lamig pa ng tubig dito. Worth it ang pagod at magiging karanasan mo dito.
Unting pag-iingat lamang dahil may kadulasan ang mga bato dito. Gabi na nang kami ay makalabas sa kuweba. Marahil dahil sa pag-iingat na din namin sa daan at dahil na din sa traffic sa loob ng kuweba.
Tila napawi ng adventure naming ito sa Sumaguing Cave ang isang araw na nasayang dahil sa hindi inaasahang aberya. Worth it talaga!
Kilala ang Kiltepan dahil sa sunrise viewpoint nito with sea of clouds. At mas lalo pa itong nakilala dahil sa pelikulang "The Thing Called Tadhana."
Ang aga ng wake-up call noong araw na iyon upang maabutan namin ang sunrise with sea of clouds sa Marlboro Hills. Lulan ng isang jeepney ay dinala kami nito sa jump off. Siyempre hindi namin palalampasin ang experience na topload o sumakay sa ibabaw ng jeepney. Ang sarap ng hangin, ang lamig! Medyo madilim pa noong bumiyahe kami.
Mula jump off ay nag-trek kami patungong Marlboro Hills. Maayos naman ang trail at kahit sino ay kakayanin ito, may ilang parte lamang na kung maulan ay magiging maputik.
Ngunit tila baga tumigil ang mundo namin noong matanaw namin ang crowd of people na mukhang pareho din ng nasa isipan namin. Biruan nga namin noon na hindi pala sea of clouds ang aming masasaksihan kung hindi "sea of crowd/people."
God Is Good All The Time! Nakisama sa amin ang panahon at aming nasaksihan ang sunrise with sea of clouds. How great is our God! Ang galing talaga ni Lord lumikha! Napakaganda ng tanawin. Ang ganda ng lugar. Ang sarap ng sariwang hangin. Ang sarap sa pakiramdam na malayo ka sa ingay ng modernong lungsod. Ang sarap sa pakiramdam na pansamantala kang nakatakas sa mga negatibong bagay.
Kay sarap pagmasdan ng mga magagandang tanawin. Maaaring isa ito sa mga way ni Lord na ipinaaalala niya sayo na sa kabila ng mga problema na iyong kinakaharap ay may pag-asa. There's hope in Jesus Christ!
Bago pa man matapos ang aming Sagada adventure ay binisita din namin ang Echo Valley kung saan matatagpuan ang Hanging Coffins. Ayon sa aming tour guide (nakalimutan ko ang kanyang pangalan), animism (religious belief that objects, places and creatures all possess a distinct spiritual essence.) ang religion/belief ng kanilang mga ninuno. Ito ang traditional na kanilang paglilibing kung saan mas ligtas sa mga hayop at tao ang mga mahal nila sa buhay na yumao.
Kung sa atin, kandila ang inilalagay sa libingan ng mga yumao sa buhay. Sa Sagada, may tinatawag silang "Panag-apoy" kung saan imbis na kandila ang kanila ginagamit ay mga kahoy na kanilang sinusunog na nagsisilbing liwanag sa kanilang mga mahal sa buhay na yumao.
Maraming Salamat Panginoon sapagkat naging masaya at successful ang adventure naming ito. Maraming Salamat din sa mga nakasama at bagong mga nakasama at higit sa lahat kina Ma'am Khayce ulit ng 5 Angels Travel and Tours. Hindi magiging matagumpay at masaya ang adventure na ito kung hindi naging matagumpay ang pagka-organize niyo sa lakad nating ito kabila ng mga hindi inaasahang aberya na nangyari.
PS. Thanks Jessa sa mga pictures sa Sumaguing Cave at sa iba pa mga kasama kong photographers. Ginamit ko mga pics niyo. Maraming Salamat!
Second Time Around: Revisiting Ilocandia
Top 10 Destination Weddings For 2019
7 Facts To Prove That Travelling Is The Most Pleasant Form Of Education
Cagayan: The Land Of Smiling Beauty
TravelBook.PH Launches First Travel Fair Entitled Destination: PH
Discover The Treasure Mountain Of Tanay, Rizal
Join TravelBook.PH Friend Code Program Today
The Beauty And Treasures: Ilocandia Adventure (Ilocos Norte and Sur)
New on TravelBook.PH: Easy and Hassle-Free Online Booking of Tour Activities
TravelBook.PH Introduces: Tours and Activities! Experience the best in the Philippines
TravelBook.PH Shoulders The 12% VAT On Your Hotel Bookings
Rainy Day Hotel Staycation In Metro Manila With Pay-At-Hotel Payment Option
This New Payment Option Changed The Way Filipinos Travel
TravelBook.PH Affiliate Program Commends Bloggers On 1st Anniversary Celebration
Holy Week Celebrations To Watch Out For This 2017
Summer Musts: Your Cool Guide To Beat The Summer Heat
What's Cool and Hot? The Philippines' Best Beach Escapades
8 Unique Churches You Should Include In Your Visita Iglesia List In 2017
Underrated Holy Week Destinations in Cagayan Valley
Special Feature: Running On Full
Special Feature: 10 Summer Must
Small Things. Simple Tasks.
Tatak Pinoy
TravelBook.ph unveils better commission rates for affiliates
Blue Gardens Wedding and Events
Marigold Kimberly Pavilion: A Reception Venue For Weddings, Birthdays and Corporate Events
How to keep your skin looking fresh when travelling
An Adventurer and a Best Friend: Caio, The Golden Retriever Dog
Kaibigan Sould Camp: Keep On Traveling Palawan
30 Wedding Reception Centrepiece Ideas To Spice Up Your Reception
Wander To Know The Wonder: A Day In My Outdoor Life
Pagsanjan Falls
Boracay: The flagship beach destination of the Philippines
The Waterfront Beach Resort
Taal (The Heritage Town)
Discover Tanay, Rizal: A True Adventure Experience
Bohol Escapade: The Voyage of Life
Mesa de Lipeños (Sea food at its best!)
Where to Dine and Stay in Bohol, Philippines
Interesting Places To Visit In The South Of Metro Manila
Awesome Destinations To Explore In The Philippines
Packing Tips: How To Pack The Right Way
Best Travel Gadgets Actually Worth Buying
Mt. Manabu (A Muddy Adventure)
Mt. Batulao
Mt. Humarap (Tatlong Krus) and Matabungka Falls
Mt. Gulugod Baboy (Mt. Pinagbanderahan)
Mt. Tagapo
Mt. Talamitam
Mt. Maculot
Mt. Mariveles (Tarak Ridge-Peak)
Mt. Sembrano
Mt. Balagbag and Kaytitinga Falls
Mt. Pico de Loro (Mt. Palay-Palay) and Boracay de Cavite (Katungkulan Beach)
Mt. Tabayoc, Mystical Lakes (Tabeo, Ambulalakao, Letep-ngapos, Incolos) and Junior Pulag
Mt. Sipit Ulang and Payaran Falls
Mt. Ulap (The Beauty Behind The Pines)
Mt. Pinatubo: A Majesty after a Tragedy
Mt. Cayabu - Mt. Maynoba (Mt. Maynuba) and 8 Waterfalls
Hundred Islands
La Mesa Eco-Park
A Photowalk Journey: Manila-Pasay
Manila Seedling Bank: Nature is the art of God
Bakit karamihan sa mga namumundok walang lovelife?
Aking Diwata
May Forever sa Bundok (Finding Neverland and Love at First Sight)